Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang inaalala niya ang mga nangyari noon. Ngayon ko lang napagtanto na napakaraming bagay pa pala ang hindi ko alam tungkol sa boyfriend ko. Napakaiksi kasi ng panahon mula noong magkakilala kami kaya maraming bagay pa ang hindi namin napag-uusapan. Tulad nga ng sinabi ng mommy niya, masekreto ito na kitang-kita naman dahil hirap na hirap ito sa pag-o-open up sa akin.
When I woke up, I saw him sitting there just watching me as I sleep. Tahimik lang itong nakaupo sa may couch at halatang malalim ang iniisip.
Nahirapan itong simulan ang kuwento but because of my persistence, ginawa niya. Kitang-kita ko kung paano kuminang ang mga mata niya habang ikinukuwento ang tungkol kay Ashley. Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos sa tuwing gumuguhit ang ngiti sa kanyang mga labi habang inaalala ang mga masasayang araw nilang magkasama. Mapapantayan ko kaya si Ashley sa buhay niya? Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili. Alam kong mali, mali ang ikumpara ko ang sarili sa kanya dahil magkaiba kaming dalawa pero sa tuwing inilalarawan siya ni Prince pakiramdam ko walang-wala ako sa kanya.
Ashley drowned. Nalunod siya habang nasa beach sila. Nang malaman ko ito, dali-daling nawala ang selos na nararamdaman ko at napalitan ng lungkot at panghihinayang. I saw the pain in Prince's eyes that worsened the sadness I felt. Ramdam ko kung gaano kahalaga si Ashley sa buhay niya, na naging matalik niyang kaibigan at espesyal sa kanya. Para silang prinsesa't prinsipe na pinagtagpo pero itinadhana ding magkalayo.
Sa kuwento ng boyfriend ko, mas humanga pa ako sa kanya. Sa dami at tindi ng kanyang pinagdaanan hindi siya sumuko. Lumaki siyang mabuting tao sa kabila ng pait na sinapit niya. He became a good brother to King and guided him kahit walang magulang na umaalalay at gumagabay sa kanila. Pinagtagumpayan niya ang unos na dumating. His story inspired and motivated me. I am the proudest girlfriend ever!
Sumapit ang dinner at tulad nga ng napag-usapan ay sa kanila na ako nananghalian. We had chicken teriyaki for dinner. Nakapagkuwentuhan pa kami sa hapag kasama din si King na kararating lang galing sa school. As usual pinasigla ni Victoria ang hapag dahil na rin sa walang katapusang kuwento nito tungkol kay Spongebob at kung anu-ano pa. Hindi ko na rin muling inungkat ang naging usapan namin ni Prince kanina. Ang importante ngayon ay alam ko na ang pinanggagalingan niya. Bumalik na rin ang normal mood nito hindi tulad nung nagkukuwento siya na panay iwas ng tingin o malulungkot ang mga mata. Umaasa akong lumuwag kahit papaano ang bigat sa dibdib niya na dinala niya ng maraming taon.
"Kuya nakausap mo na ba si dad tungkol sa offer niya sayo?" biglang tanong ni King habang kasalukuyan kaming kumakain. Bigla naman akong kinabahan sa isasagot ng katabi ko. Napag-isipan na ba niyang aalis siya papuntang Australia? Bigla kong naalala ang naging usapan namin ng daddy niya. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapag-usap ni Prince ang tungkol doon.
"Hindi pa but I am planning to decline his offer" sagot nitong para bang wala itong planong umalis. Wala ba talaga siyang planong umalis o baka ayaw lang niya dahil sa akin?
"Why kuya? Maganda naman ang offer ni dad. Diba matagal mo ng gustong makapagtrabaho sa ibang bansa?" napatingin naman ako kay Prince nang marinig ang sinabi ni King. Matagal na niyang gustong makapagtrabaho dun? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niya sa akin sinabi? I feel so pathetic.
"Nagbabago ang tao King" seryoso at maikling sagot ni Prince na nangangahulugang dapat ng huwag pag-usapan ang tungkol sa pag-alis niya. Walang bahid na emosyon ang mukha nito na bumigo sa pag-asa kong makita kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya.
King just shrugged at his brother's response and continued with his food. Lumungkot din ang itsura ni Victoria nang marinig na hindi na tutuloy ang nakatatandang kapatid papuntang Australia.
Ako lang ba talaga ang pumipigil sa pag-alis niya?
Natapos ang dinner at kami nalang ang naiwan sa dining area. Umakyat na sina King at Victoria upang magpahinga. Binalot kami ng katahimikan hanggang sa nagpasya akong basagin ito.
"Gusto mo bang umalis?" tanong ko sa hanggang ngayon ay tahimik niyang estado. Napatingin naman ito sa akin para tignan ang ekspresyon sa mukha ko pero hindi ko hinayaang makita niya ang iniisip ko.
"Ano bang klaseng tanong yan babe? Bakit naman ako aalis?" he laughed the question out na para bang walang kakuwenta-kuwenta ang usapan.
"We both know kung ano ba talaga ang gusto mo. Don't lie to me. Alam kong alam mong gusto mong umalis papuntang Australia. Pangarap mo ito diba? Matagal mo ng gusto ito diba?" he looked at me concerned and shook his head.
"No. Sino naman ang nagsabing aalis ako? I told you, I am planning to decline his offer."
"Is it because of me?" hindi ko na napigilang itanong. Gulat naman itong napatingin sa akin na para bang nagising ang diwa sa narinig.
"Dahil ba sa akin kaya ayaw mong umalis?" tanong ko ulit nang hindi ito magsalita.
"Let's go. Ihahatid na kita, gumagabi na" pag-iiba nito sa usapan at mabilis na tumayo pero hindi parin ako nagpatalo.
"Gusto mong umalis. Alam ko. Alam kong gusto mong umalis." I declared. Pilit man niyang itago alam kong pangarap niya yun, pangarap na makapunta at makapagtrabaho sa ibang bansa.
"Babe pagod ka lang. Halika na, ihahatid na kita" anyaya nito sabay hawak sa balikat ko na iniwasan ko lang.
"Sh*t! Why can't you just tell me the truth? Bakit itinatanggi mo parin ang katotohanan? Prince girlfriend mo ako! Puwede mo akong sabihan. Hindi naman kita pipigilan eh, just tell me. Bakit hanggang ngayon hirap na hirap ka paring mag-open up? I feel so pathetic! Pakiramdam ko wala kang tiwala sa akin, sa relasyon natin." naluluha ko ng pahayag. Dali-dali naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Ssshh. I'm sorry. Hindi ganun yun. Ayoko lang makitang nasasaktan ka." pag-aalo nito sa akin.
"Nasasaktan? Why would I be hurt over something that could make you happy? Pangarap mo yun at kung alam mo sa sarili mong magiging malaking accomplishment yun for you then why not?"
"Sa tingin mo makakaya kong panoorin kang umiiyak habang umaalis ako? The day I realized that I love you was also the same day you became my weakness. Kung magiging kapalit naman ng pagkamit sa pangarap na yun ang pagkawalay sayo, dibale nalang."
"Pero bihira lang ang mga ganitong oportunidad babe." pilit ko pa habang sumisinghot
"Oportunidad na hindi ka kasama?" bigo nitong tanong na nagpasikip lalo sa dibdib ko.
"Kaya ko naman ee. Kakayanin natin. Ayokong maging sagabal sa mga plano mo. I want you to live your life. Magkakalayo lang tayo pero hindi tayo maghihiwalay" pangungumbinsi ko na inilingan lang niya.
"No" he whispered painfully. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya.
"Hindi naman ako mawawala eh"
"No. Walang aalis baby" wika nito kaya bumitaw ako at humarap sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Please. Don't limit yourself. Marami pang mga oportunidad na naghihintay sayo. Pag-isipan mo babe, wala namang mawawala. Huwag mo akong alalahanin, I will always be here for you." paalala ko habang pinipigilan ang mga luhang pumatak. The last thing I wanted is to make his decision-making harder. I want to be strong for him, for us.
"Promise me na pag-iisipan mo" utos ko. Nag-alangan pa ito ng ilang sandali pero nagbuntong-hininga at tumango din naman sa huli.
"I promise" he surrendered as I smiled and kissed him on the cheek.
"Thank you. I love you"
"I love you more" he replied kissing my lips.
"Kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako nina mama" I chuckled when he didn't bother to move. Tumawa din ito bago ako inimbitahan palabas ng bahay.
Good job Jenny. You can do this. For him. For both of you.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...