Kabanata 6

20 0 0
                                    

XBenzz TonXx messaged you

XBenzz TonXx: Hi
Jenny Jane: What do you want?
XBenzz TonXx: Bad mood?
Jenny Jane: Bakit mo alam?
XBenzz TonXx: You're pouting babe

Lumingon-lingon ako sa paligid, baka sakaling nandito lang siya. Paano niya nalaman?
Nandito kami ni Talia sa coffee shop, two hours ang vacant time ko at ganun din siya dahil wala ang instructor nila. Si Lorraine naman ay hindi pa namin nakikita mula noong umaga. I was done with my report this morning in Ms. De Castro's class and it went good since I'm prepared for it. Hindi na rin namin napag-usapan ang tungkol sa kahapon at hindi narin ako kinulit ni Talia kung bakit bigla nalang ako umalis.

Jenny Jane: How did you know? Are you here?
XBenzz TonXx: I'm everywhere ;)
Jenny Jane: Stalker ba kita?
XBenzz TonXx: You can call it like that...
Jenny Jane: It's not funny
XBenzz TonXx: I'm serious Jenny Jane
Jenny Jane: Then why do you keep chatting me?
XBenzz TonXx: Ayaw mo ba? :(
Jenny Jane: It's not like that but we don't even know each other
XBenzz TonXx: You don't know me but I know you sweetheart :)
Jenny Jane: Oh c'mon! Stop joking around!
XBenzz TonXx: Believe me, I do babe
Jenny Jane: Then you must have been aware that I hate endearments
XBenzz TonXx: That I can't promise ;)

XBenzz TonXx is typing...

XBenzz TonXx: How's your day? You're offline yesterday...
Jenny Jane: Personal matters
XBenzz TonXx: I see..you can share it anytime, you know. I mean we're friends right?
Jenny Jane: Are we?
XBenzz TonXx: Hey that hurts!
Jenny Jane: I don't even know you so how in the world did we become friends?
XBenzz TonXx: I'm sorry :(
Jenny Jane: You get my point, don't you?
XBenzz TonXx: Yeah but still I want you to be comfortable with me. You can talk to me anytime, everytime.
Jenny Jane: Okay then, that's better
XBenzz TonXx: My brother's been so annoying, I need to attend to him first. Take care luv!

XBenzz is offline

Luv? Seriously? I hate the new feeling playing inside of me.

"Hey are you okay?" pukaw sa atensyon ko ni Talia. Ubos na nito ang inorder nitong pagkain samantalang ako ay nangangalahati pa lang.

"I'm fine" nginitian ko lang siya at nakakunot-noo naman niya akong tinignan. Nanatili siyang ganun hanggang sa bumuntong hininga ito.

"If this is about yesterday I'm sorry. Hindi ko sinasadyang i-bring up sa usapan si Peter." she apologized reaching for my hand resting on the table, I let her.

"No it's not about it, Peter and I is done. Naka-move na rin ako." sabi ko kahit hindi ako gaanong sigurado sa huling sinabi ko. Alam kong alam ni Talia na ayaw kong pinag-uusapan si Peter kaya tumango na lamang ito at hindi na nagsalita. Hindi ko maintindihan at this past few days lagi nalang napapasok sa usapan si Peter. It's been four f*ckin' months simula nung break-up but whenever he was mentioned, it feels like everything happened just yesterday.

"Jenny I want you to open your eyes and free yourself from the pain brought by him. You're right, Peter is now a part of your past pero hindi ibig sabihin nun ay kailangan mong itago at kimkimin lahat ng nagpasakit sayo dati. Let it go Jen, you deserve a fresh start, you deserve the best." Napatango ako sa sinabi niya at binigyan siya ng matamis na ngiti. I admire Talia, kung gaano siya lumalaban sa buhay. I am so blessed to have her in my life, so as Lorraine.

~~
Huli na akong nakauwi ng bahay dahil dumaan pa ako sa grocery store para bumili ng mga ingredients na bilin ni mama. Magluluto daw ito ng special dish for dinner.

Pagod kong inilatag ang mga pinamili ko sa counter at agad naman itong inasikaso ng cashier. Ilang minuto din ay sinabi niya ang amount na babayaran kaya kinuha ko ang wallet sa bag at kumuha ng pera. Sunod-sunod akong napalunok ng makitang 300 lang ang pera ko at 1,200 pesos lahat ng pinamili ko. Nakalimutan nga pala akong bigyan ni mama ng pera para dito. Napatingin ako sa cashier na ngayon ay nakataas na ang kilay. Patay na! Hindi ko naman kayang sabihing wala akong pambayad dahil may receipt na at nakakahiya sa mga nakalinyang costumers.

"Bayad niya miss" abot ng isang kamay sa cashier na agad namang inabot ng cashier. Gulat naman akong napatingin sa lalakeng nag-abot ng pera sa kanya na nakatitig na pala sa akin. May dimple ito na makikita sa paraan ng pag-ngiti niya. His jaw's tense, maganda ang hugis ng ilong at labi nito. Napatitig ako sa mga mata niyang kulay brown na binabagayan ng mga pilik-mata niya, no doubt that he's breathtakingly handsome.

Gulat akong napalingon sa cashier na tumikhim. Bigla naman akong namula sa ginawa, bakit ko ba siya tinititigan? He softly chuckled.

Kukunin ko na sana ang grocery bags pero naunahan ako ng lalakeng kanina lang ay tinitigan ko. Nagtataka man ay hinayaan ko na siya dahil mabigat yung pinamili ko.

"Ihahatid na kita" alok nito habang palabas na kami ng store. Ngayon ko lang din napansin ang suot niya. He's wearing faded jeans and white long sleeve shirt folded up to his elbows.

"Hindi na. Kaya ko naman" pagtanggi ko. Nakakahiya at magpapahatid pa ako eh siya na nga ang nagbayad.

"About paying, thank you. Babayaran na lang kita. Ibigay mo nalang ang number mo para matanong kita saan kita mahahanap" magalang kong wika saka naman ito huminto sa paglalakad at nakakunot-noong lumingon sa akin.

"No, no you don't need to pay me. Tinulungan lang kita and besides I really want to bring you home" seryoso lang itong nakatitig sa akin. Hindi ko na nagawang sumagot pa ng humakbang ito palapit sa akin at kinuha ang kabilang kamay ko saka hinila papunta sa may parking area.

Lumapit ito sa isang itim na kotseng naka-park at umilaw ang kotse habang papalapit kami. Ipinasok niya ang mga pinamili ko sa backseat saka umikot para ipagbukas ako ng pinto pasakay sa passenger seat. Nagtataka ko naman siyang tinignan pero hindi ito natinag at inalalayan pa ako papasok. Umikot ito sa driver seat at tuluyan na ring sumakay.

"Aren't you hungry?" pagbubukas nito ng usapan pagkatapos ng mahabang katahimikan sa loob ng kotse.

"Hindi naman. Hinihintay na rin nila ako sa bahay for dinner." sagot ko kaya napatango na lamang ito. Hindi na rin siya muling nagtanong pa hanggang sa matanaw ko na ang bahay namin. Hindi naman kasi malayo sa amin ang grocery store kaya mabilis lang kami nakarating. Nagpark siya sa harap ng bahay at bago pa ako makababa ay nakalabas ito agad ng kotse at pinagbuksan ako ulit ng pinto. Nakatayo lang ako doon habang ibinababa niya ang mga pinamili ko.

"Gusto mong pumasok muna? You can join us for dinner" anyaya ko pero nakangiti lang itong umiling.

"My brother's waiting for me. Next time it is" sabi nito at tumango na lamang ako. Ang awkward.

"Thank you ulit. Sabihin mo lang kung may maitutulong ako, I want to pay you back for today" wika ko at sunod-sunod naman itong napailing.

"Maliit na bagay lang yun babe, it's nothing" nakangiti paring wika nito.

"Thanks. So...I-kailangan ko ng pumasok" naiilang kong sabi and he nodded. Yung mabigat na grocery bags ay nakaya kong bitbitin papasok sa sobrang awkward ng moment. Nagmamadali kong isinara ang gate saka ko naman narinig ang pagbuhay niya sa makina ng sasakyan.

Teka, paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay kahit ang daming gumugulong bagay sa isip ko.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon