"Ate matagal ka pa ba?" sigaw ni Van mula sa labas. I rolled my eyes at her impatience. Mom, Van, and I are going out today. Mag-grocery kami and we're also planning to get some haircut. Van and I are both excited dahil hindi lagi ay nakakalabas kami kasama si mama.
"God Vanessa Mae! Why so impatient?" inis kong sigaw pabalik at tinawanan lang ako ng magaling kong kapatid.
I immediately applied some lipgloss and grabbed my phone before finally going out. I'm wearing a light blue off-shoulder blouse with white short shorts and my sandals.
"Girls! Tara na!" sigaw ni mama mula sa baba kaya nag-unahan kaming bumaba ni Van. Ang mature noh? Not.
My sister's wearing a white top inside her open baby pink polo with her black skinny jeans on, and of course her vans.
Dumating na kami sa salon is around two in the afternoon. Buong umaga ay nasa bahay lang kami kasama si King at Prince. Pumunta ang dalawang magkapatid na yun early in the morning sa bahay at doon na nag-almusal. Tuwang-tuwa pa nga sa kanila si mama dahil nagustuhan nila ang niluto niyang carbonara. Prince and I just cuddled while watching a movie sa living room while mom's catching some sleep dahil hindi daw ito nakatulog ng maayos. Si Van naman at si King ay nasa taas at mukhang nagkasundo sa pagbabasa. They left by twelve because they're going to check on Victoria, their sister.
"Oh my god Geneveve! I missed you!" salubong sa amin ng babaeng namamahala ng salon. Matagal-tagal na at muli kaming napadpad dito. She's Tita Marla, bestfriend ni mama at parehong ninang namin ni Van.
"I missed you too Marla" sagot ni mama habang nagyayakapan sila.
"Si Jenny Jane at Vanessa Mae na ba ito?" tanong niya kay mama at tumango-tango lang ang huli. Pareho kaming humalik ni Van sa pisngi ni Tita Marla.
"Beautiful ladies, aren't you?"
"Saan pa ba magmamana?" pahayag ni mama kaya nagtawanan silang dalawa.
"Naku magpasalamat nalang tayo at may magagandang lahi sina Louie" pabirong banggit ni Tita kay papa kaya pare-pareho kaming napangiti. I miss you papa
"So anong atin mare?"
"Magpapagupit lang kami ng mga bata"
"Perfect timing! Tag-init na kaya maraming nagpapagupit. Marami na ding hairstyles ang nauso ngayon. Ano bang klaseng gupit?"
"Ano ba ang shortest haircut ngayon?"
"Pixie! Yun ba ang gusto mo mare?"
"Okay I'll have that" tumango lang si Tita na siya namang pagdating ng tatlong empleyado niya. Dalawa ang babae samantalang isang gay. Familiar na sa akin ang dalawa sa kanila dahil sila din ang gumupit sa amin noon.
"How about you pretty ones?" kindat ni Tita sa aming dalawa ni Van.
"Tita Marla gusto ko pong magpa-kulay ng buhok" pahayag ni Van kaya pareho kaming nagulat ni mama. Is she for real?
"Anong kulay naman anak? Are you sure about this?" nag-aalalang tanong ni mama. Vanessa Mae? Conscious of her hair? Seriously? I mean, never nag-open up ang kapatid ko about fashion or hairstyles.
"Ma naman! Ofcourse I am! Gusto ko talaga magpakulay. Tita Marla is it that harmful?" pinagtawanan lang siya ni Tita Marla at ang tatlong empleyado.
"You are so funny dear. Ofcourse it isn't harmful. Depende lang yan kung paano mo alagaan ang buhok mo. How about you Jen?" baling naman niya sa akin.
"Just a simple haircut Tita"
"Grace, Yen, Tommie, I'll leave it to you. Girls, sila na ang bahala sa inyo ha?" paalam ni Tita sa aming tatlo bago tuluyang tumalikod para i-entertain ang bagong clients niya.
~~~
Late na nang matapos kami kaya we decided to eat dinner outside. Hindi naman masyadong marami ang pinamili namin kaya okay lang sa pagbitbit.
Pagod na kami nang makarating sa bahay. Nilagay ko sa kusina ang mga pinamili namin habang si mama ay dumiretso na sa kuwarto para magpahinga. Tinulungan ako ni Van sa pag-aayos ng mga pinamili namin bago kami umakyat sa kuwarto para makapagpahinga.
"Hello?" sagot ko sa tawag habang nakahiga sa kama at hinihintay si Van matapos mag-shower.
"Hi babe" sagot ni Prince sa kabilang linya.
"Oh hey babe. How's it going? Kumusta ang kapatid mo?"
"She's fine. For now. I called you to inform you guys that my graduation will be three days from now."
"I know. I will be there, we will be there." I smiled though he couldn't see me. He's graduating! I'm so proud of him!
"Now I'm excited babe" god is he blushing again this time? Too bad, I can't see him.
"You better be. That's your special day! And oh, do you want something as a gift? Just tell me" Ilang araw na akong nag-iisip ng puwedeng iregalo sa kanya pero hanggang ngayon ay wala akong maisip.
"Babe you don't need to buy me a gift. Your presence is enough to make me the happiest. Huwag mo ng problemahin yan"
"You're kidding Mr. Drake John Mendez. Of course I will be buying or giving you a gift! Hindi magiging kumpleto ang araw na yun pag walang regalo."
"Do I have a choice?" he chuckled
"Not a chance" I giggled
"Nasa bahay na ba kayo?" He asked habang may ilang kaluskos akong naririnig sa background.
"Oo. Kararating lang namin" nakita kong nakalabas na sa bathroom si Van.
"Gotta shower babe. Call you later okay?" paalam ko
"Okay. I love you" he said and I smiled.
"I love you too" I whispered dahil nandito parin ang kapatid ko. Hindi ako sanay na naririnig niya akong gumaganito.
I quickly go to the bathroom not before glancing at my sister whose expression mirrors nothing but disgust. Supportive sister, isn't she?
~~~~
XBenzz TonXx messaged you
Mabilis pa sa alas kuwatro na binuksan ko ang inbox ko. Ang tagal na simula noong magkausap kami ng mokong!
XBenzz TonXx: Hi babe how are you?
Jenny Jane: I'm fine. Ikaw? Ang tagal na bago ka nagparamdam!
XBenzz TonXx: Sorry. Ang dami ko lang kasing inaasikaso.
Jenny Jane: Hmm :)
XBenzz TonXx: Namiss mo ako noh?
Jenny Jane: Yes I do kahit hindi naman tayo ganun ka-close.
XBenzz TonXx: Haha! We're close babe
Jenny Jane: I doubt. So what are you doing?
XBenzz TonXx: I'm thinking about you
Jenny Jane: Hey I'm serious!
XBenzz TonXx: I'm serious :)
Jenny Jane: Whatvr
XBenzz TonXx: Are you available tomorrow?
Jenny Jane: Are you asking me out?
XBenzz TonXx: If that's how you put it
Jenny Jane: I'm not. We have a party to attend to
XBenzz TonXx: The day after tomorrow?
Jenny Jane: I'm sorry but I won't be available for this coming three days
XBenzz TonXx: Sad. How about next week?
Jenny Jane: Uh sure
XBenzz TonXx: Great! Thanks :)It's not that bad. Besides, we're friends. Wala naman sigurong masama makita siya sa personal?
Jenny Jane: Gotta go. Tomorrow's a long day
XBenzz TonXx: Yeah. Can't wait to see you, or for you to see meHe's weird. Pinatay ko na ang laptop bago tuluyang nahiga sa kama. Knockout na si Van sa kabilang kama samantalang hindi pa ako nakakadama ng antok hanggang ngayon.
To: Hot Hubby 💞
If you could only be with me tomorrow at the party :(
Message sent.
As much as I wanted him to accompany me tomorrow, kailangan niyang asikasuhin ang papers niya sa school. Ayoko namang maging sagabal ako sa kanya.
Paniguradong tulog na yun kaya hindi ko na hinintay ang magiging reply niya. I succumbed to sleep.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Genç KurguSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...