Nagmamadali kong tinungo ang room dahil late na akong nagising. Buti nalang ay ginising ako ni Van kundi malilintikan ako kay Ms. De Castro, ang terror kong instructor sa major. Late ng nakauwi si mama kagabi at hindi na rin namin siya nahintay. Bawat isa sa amin ay may susi naman sa bahay kaya nakapasok si mama kahit tulog na kami ni Van.
Hindi pa ata umabot sa isang minuto mula ng makaupo ako sa assigned seat ko nang pumasok si Ms. De Castro. Napahinga ako ng maluwag, buti nalang hindi ako late nakarating dito.
"Good morning" seryosong bati nito sa amin habang dire-diretso siya sa kanyang table.
"Everyone, please prepare your reports" imporma nito sa lahat kaya naghanda na rin kaming lahat. Random siya kung makapagreport kaya lahat kami ay pinaghahandaan talaga para hindi kami mapahiya pag kami na ang natawag."Jen! Uyy!" kalabit sa akin ni Lorraine mula sa likod. Kunot-noo naman akong lumingon sa kanya. Bumulong naman ito para hindi kami marinig ni Ma'am.
"May dala ka bang marker?" tanong nito at umiling ako para sabihing wala.
Matalik kaming magkaibigan ni Lorraine. Simula ng pumasok ako dito sa university, mabilis nagkapalagayan ang loob namin. Pareho kaming kumukuha ng BS Psychology.
Napansin ko ang pag-aalala sa mukha niya. Huwag niyang sabihing hindi pa niya nagagawa ang visual aid niya?
"Ms. Santos" tawag ni Ma'am sa apelyido ni Lorraine. Natatarantang tumayo naman ito.
"Ahh-ahem...M-ma'am kasi ano-" nauutal niyang wika pero pinutol siya ni Ma'am habang nakataas ang kilay nito.
"You know my rules Ms. Santos. I hate irresponsible students." matigas na wika ni Ma'am kaya mas lalo lang kinabahan si Lorraine sa nangyayari. Eto talagang babaeng to! Saan nanaman ba siya pumunta at hindi niya tinapos ang report niya?
"Proceed to my office after the class" maawtoridad na wika ni Ma'am sa hanggang ngayon ay hindi makagalaw na Lorraine. Sunod-sunod namang tumango si Lorraine saka naupo.
"Fransisco" tawag ulit ni Ma'am. Agad namang tumayo si Kate at sinimulan ang report na gagawin. Natuon ang atensyon naming lahat sa kanya at tanging boses lang niya ang maririnig sa klase.
Napalingon ako ulit kay Lorraine at nakasimangot lang niya akong tinignan.
~~
"Ano ba kasing ginawa mo kahapon at hindi mo tinapos ang report mo?" usisa ko kay Lorraine nang makalabas ito mula sa office ni Ms. De Castro."Lumabas kasi kami ni William" wika nitong pinamulahan pa ng mukha.
"Akala ko ba tinigilan ka na ng William na yan?" inis kong tanong sa kanya.
"Jenny..." bigla itong sumeryoso habang humarap sa akin.
"Ano?" Nagtataka ko siyang tinignan.
"Jenny kasi...sinagot ko na si William. Kami na" pahayag nito at napatitig lang ako sa kanya. Seriously? Sa lahat ba naman ng tao ang lalake pang yun?
William Bartolome, ang pinakamayabang na lalakeng nakilala ko sa buong mundo. He's a popular guy here in the university, he's part of the football team and he's from the engineering department. Halos dumugin siya ng mga babae kapag dumadaan siya and guess what? Isa na doon si Lorraine. Si Lorraine yung babaeng "let's go shopping" and "I love mini skirts" be like. Oops, don't get it wrong. Oo, ganun siya but she's not a brat. Sadyang ganun lang talaga ang personality niya. Kikay siya and a happy go lucky person kaya nung nagkaaminan sila boom! Niligawan siya ni William but ang gago hindi nakuntento at naghanap pa ng ikalawa. Lorraine saw them making out sa may lobby one time na ginabi kami sa school so binasted niya.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...