Kabanata 2

32 0 0
                                    

Inaantok pa akong bumaba sa sala patungong kusina habang sinusundan ang amoy ng bagong lutong pancakes at kape.

"Oh maaga ka atang nagising ngayon Jenny anak" bungad sa akin ni mama habang inilalapag sa mesa ang kaluluto lang na pancakes. Bigla tuloy akong natakam sa uri ng amoy nito. Nagmadali akong umupo at kumuha ng isang piraso.

"Hindi lang naging masarap  tulog ko ma" sagot ko saka naman ito tumango. Tutungo na sana ito sa may coffee maker nang pigilan ko siya para ako na ang gumawa.

Ako, si Van, at si mama lang ang magkakasama ngayon simula ng mamatay si Papa dahil sa stroke. Hindi naman kami masyadong naghihirap sa buhay, simple lang naman ang buhay na mayroon kami. Isang empleyado si mama sa isang Advertising Company, isang oras ang biyahe mula dito sa amin. Dumadaan sa kanya ang lahat ng proposals  ng lahat ng departments para aprobahan saka ito ipapasa sa big boss kaya napakalaki ng role niya sa pinapasukang kompanya.

Inilapag ko na sa mesa ang tinimplang kape saka bumalik sa kinauupuan ko at tinanggal na rin ni mama ang suot na apron at tumungo na rin sa hapag.

"Good morning!" masiglang bati ni Van sa amin habang papasok ng kusina. Napangiti si mama habang sinasamsam ang kapeng mainit. Sinundan ko ng tingin ang kapatid ko hanggang sa maupo ito sa tabi ni mama, kaharap ko. Bagong ligo ito at nakabihis na. Bigla ko tuloy natandaang napilit nanaman niya akong samahan siya ngayon. Napasimangot ako ng wala sa oras, nakakatamad lumabas!

"Jenny anak anong nangyari sayo at parang hindi maipinta mukha mo?" tanong ni mama na may himig ng pag-aalala ang boses. Lalo lang akong napasimangot

"Si Van kasi nagpapasama nanaman sa bookstore ee nakakatamad lumabas" parang batang nagsusumbong ako kay mama. Napangiti na lamang ito habang abala sa pagkain.

"Hindi ka na nasanay sa kapatid mo. Pagbigyan mo na" masayang wika nito saka binalingan ng tingin ang kapatid kong abala din sa pagkain. Napailing na lamang ako.

Sanay na si mama sa ganitong drama naming magkapatid kaya ganyan na lamang ang reaksyong nakukuha namin sa kanya. Hindi na muli kami nag-usap at itinuloy ang pag-kain.

~~~
"Van sa labas lang ako" paalam ko sa kapatid ko habang abala ito sa pagpili ng mga libro. Mukhang enjoy na enjoy niya ang pagbabasa samantalang ako nababagot na sa kahihintay sa kanya.

Magdadalawang oras na kami dito sa bookstore at wala siyang ginawa kundi kumuha ng kumuha ng mga libro at isa-isang salatin ang laman ng mga ito. Kung hindi lang ako nakapagtimpi ay matagal ko na siya hinila pauwi. Ayaw na ayaw ko ang amoy ng mga aklat kaya hindi ako pumupunta sa mga libraries or bookstores. Inaantok kasi ako lagi. Kung hindi ko naiisip ang kondisyon ng kapatid kong pupunta kami ng Paradise ay hindi ko pagtitiisan ang lugar na ito.

Nababagot akong lumabas ng bookstore at tinanaw ang mataong daan. Weekends kaya maraming tao na nakikipagsiksikan para mamili at gumala. Mainit ang panahon kaya mapapansin ang maninipis na kasuotan at payong sa paligid.

Ilang minuto din ako nagtagal dun hanggang sa matanaw ko si Van na palabas na ng bookstore at tinutungo ang direksyon kung saan ako nakapuwesto. Hay salamat at tapos na siya! Akala ko bukas pa siya matatapos!

"Dapat na ba akong magpaparty?" sarkastiko kong tanong sa kanya at ngumiti lang ito ng malapad.

"Sorry na! Naaliw lang ako sa pagbabasa at ang gaganda ng mga bagong release na mga libro" nakangiti parin nitong saad. Inikutan ko lang siya ng mata saka nagpatiuna na maglakad.

"Pasalamat ka at nangako kang ililibre mo ako sa Paradise kundi matagal na kitang iniwan doon." inis kong pahayag and she just chuckled.

"Oo na oo na. Tara na po sa Paradise" natatawa nitong wika at hinabol ako saka ako inakbayan. Kung hindi ko lang kapatid itong isang to!

~

"Oh my god this flavor is heaveeen!" wika ko saka nilalasap ang milkshake na kanina lang ay inorder namin. Tulad ng ipinangako ng kasama ko, it's her treat so I tried their new flavor of Milkshake. We both ordered milkshakes and medium-sized pizza to go with it. Nakaupo lang ako dun habang bukas ang laptop sa aking harapan at si Van na abala nanaman sa pagbabasa.

HEAVEN is one of so many popular resto's here. Ang pinakadahilan kaya ito dinudumog ay dahil sa sarap ng foods nila plus the ambiance plus the free WiFi. Haha! It's also one if my favorite place to go whenever I'm stressed about school.

Napalingon ako sa tunog ng laptop ko, nangangahulugang may nag-chat sa akin sa Facebook. Pansin ko din ang pagkunot ng noo ng kapatid ko habang inilipat sa akin ang tingin mula sa kanyang librong  binabasa. Nang hindi ako nagsalita ay agad naman niyang ipinagpatuloy ang ginagawa.

Bumalik ang atensyon ko sa laptop ko. Nakadispaly dito ang isang chatbox from a stranger.

XBenzz TonXx

Napakunot ang noo ko sa pangalang nakadisplay sa chatbox. Sino naman to? Ang Jeje ha!

Hi

Panimulang bati nito at mas lalo lang ako na-curious sa pagkatao niya. This is not my first time to receive a message from a stranger here on Facebook but this guy...parang gusto kong magreply. Everytime I receive a personal message from a stranger, seenzone ang inaabot nito sa akin. It's creepy kaya pag ganun! Pero bakit ngayon I feel the urge to hit the keyboard and send a reply?

Why aren't you replying?

Nagulat ako sa sunod nitong message. Aba! He's demanding! Kung makapagsalita parang kilalang-kilala ako! Hmp

Nanatili lang akong nakatitig sa text niya at pinag-iisipan kung magrereply ba o hindi.

Are you busy?

Message niya ulit sa akin. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

Sorry to disturb...

Sino ba talaga ito? Mas lalo lang lumala ang kursyodad kong malaman ang taong nasa likod ng mga mensaheng nabasa. Hindi na ako nag-abala pang magreply dahil naisip kong baka nagkamali lang siya ng message. Baka wrong-sent?

Isasara ko na dapat ang laptop nang tumunog ulit ito dahilan para mapunta nanaman sa akin ang tingin ni Van na malala na ang pagkakakunot ng noo.

"Sino yan?" nagtataka nitong tanong habang patuloy na nakatitig sa akin. Tinapunan ko lang siya ng ngiti at nagkibit balikat. Muli naman siyang bumalik sa pagbabasa kahit halata parin ang pagtataka sa mukha.

Ibinalik ko muli ang tingin sa screen at nandoon parin ang pangalan ng nag-chat.

Btw you should leave your hair like that, it suits you...

Tumambol ang dibdib ko sa nabasa. Bigla akong kinabahan at lumingon-lingon sa paligid. Paano niya nalaman? Is he here? Is he stalking me? Nakaramdam ako ng takot.

I was planning to send him a reply to ask how did he know but I saw that he's already offline. Isa lang ang tanong na bumagabag sa akin hanggang umuwi na kami ni Van,

Sino siya?

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon