Kabanata 8

18 0 0
                                    

Dahil walang pasok, late na akong nagising kinabukasan. Pagkababa ko ay amoy na amoy ko na ang masarap na almusal na niluto ni mama. Tuwing weekends lang talaga kami nakakapag-sama-sama sa hapag dahil pare-pareho kaming busy; kami ni Van ay abala sa school samantalang busy naman si mama sa opisina.

"Good morning Ma, Van" bati ko sa dalawa. Nadatnan kong umiinom ng tsaa si mama samantalang abala naman sa pagkain si Van. Pareho nila akong tinanguan at tinapunan ng ngiti.

Umupo na din ako sa tabi ni Van at nagsimula na ding kumain.

"Wala ba kayong pupuntahang dalawa ngayon?" tanong ni Mama. Pareho naman kaming umiling ni Van.

"Hindi ka pupunta ng bookstore?" nagtataka kong tanong sa kapatid ko. Himala ata..

"Hindi. Na download ko na yung librong hinahanap ko. Ang mahal ng presyo kung bibilhin ko pa." napatango naman ako, tama nga naman, kung ako din naman ang nasa posisyon niya ganun din gagawin ko. Hassle pang makipagsiksikan ngayon, lalo na at weekend.

"At kailan ka pa nagda-download ng libro ha? Eh diba gusto mong yung mismong libro ang mayroon ka?" nagtataka ding tanong ni Mama.

"Sinabihan kasi ako ni Sam na mayroon na daw online kaya dinawnload ko nalang. Isa pa may pinag-iipunan ako ngayon." tumaas naman parehong kilay namin ni mama sa narinig. Kung may kilala man akong hindi marunong mag-ipon, si Van yun. Lahat ng pera niya ginugusto niyang gastusin para lang sa libro at kung kinakailangan niyang hindi kumain mabili lang ang librong gusto niya gagawin niya. 

"Talagang kailangan ay pareho kayo ng reaksyon?" hindi makapaniwalang wika niya kasabay ng pag-ikot ng mata. Tinawanan lang namin siya.

"May nangyayari ba kaya natuto ang bunso kong mag-ipon?" panunukso ni mama na epiktibo naman sa klase ng emosyong pinapakita ni Van.

"Ma naman! Hindi na ako bata! Nag-iipon lang naman ako dahil malapit na ang birthday ni Harold kaya..." bigla itong natahimik pagkatapos mapagtanto ang sinabi.

I smell something fishy...mmmhh

Tinaasan ko naman siya ng kilay habang kagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sariling matawa.

"Grabe kayo! Tawanan niyo na ako!" hysterical nitong sabi na mukhang hindi mapakali. Halata din ang pamumula ng magkabilang pisngi nito.

Oh my god!! Does it mean...Omg!! My sister's in love!!!

Hindi ko na napigilan ang sarili at lumabas ang kanina ko pa pinipigilang tawa. Natawa rin si mama pero walang-wala sa maluha-luha kong tawa.

Inis naman akong tinitigan ni Van habang namumula parin. Ilang minuto din ang tinagal ng asaran namin hanggang sa sawayin na kami ni Mama dahil sa mangiyak-ngiyak ng itsura ni Van.

"Ma kumusta sa opisina?" basag ko sa ilang minutong katahimikan. Pansin ko ang pangingitim ng ibabang mata ni mama, nakakunot ang noo at mukhang walang-wala siya sa sarili nitong mga nakaraang araw. Hindi na namin siya nahihintay ni Van dahil inuumaga na ito ng uwi at sa umaga naman suwerte na kung nakapang-aabot kami.

Ilang segundo din itong hindi kumibo hanggang sa pagod itong ngumiti.

"Masyado lang talagang marami ang mga kailangang asikasuhin sa opisina. Tambak ang mga papeles na kailangang maaprubahan ng head at may mga proyektong pumapasok sa kompanya ngayon na kailangang pagtuonan ng pansin"

"Ma hindi mo dapat inilulublob ang sarili mo sa trabaho. Ilang araw ka ng ganyan, ni wala kang pahinga o tulog. Alam naman namin ni Van na ginagawa mo lahat ng ito para mabigyan kami ng magandang buhay pero hindi namin kayang panooring naghihirap ka ng ganito"

Napakasuwerte namin kay Mama; simula ng mamatay si papa ay wala na itong inintindi kundi kami ni Van. Minsan nga ay naitatanong ko sa sarili kung paano nalang kung naging lalake ako, ede sana kaya kong tulungan siya pero dahil napakaimposible naman ata nun, ginagawa namin ni Van ang lahat makatulong sa kanya.

"Oonga ma, ano pang halaga ng lahat ng ito kung mawawala ka?" dagdag pa ni Van, mabilis nitong natapos ang kinakain.

"Nakuuu! Eto talagang dalawa kong magagandang anak naglalambing nanaman...kayong dalawa, sinong nagsabing mawawala ako? Isa pa kayo na mismo ang nagsabi, kaya kong gawin ang lahat alang-alang lang sa inyo" maluha-luha nitong pahayag. Sabay kaming tumayo ni Van at lumapit para yakapin siya.

"Hayaan niyo, babawas-bawasan ko ang paglublob sa trabaho para hindi na kayo mag-alala"

"Good" sabay naming wika ni Van na siyang nasundan ng tawanan.

Isa lang ang nasisiguro ko sa mga sandaling ito: sawi man ako sa pag-ibig, panalo naman ako sa pamilya, isang bagay na kailanman ay hindi mahihigitan ng kahit ano o sino man.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon