Kabanata 13

15 0 0
                                    

"Are you okay?" tanong ni Lorraine pauwi. Sabay kaming uuwi ngayon dahil hindi siya maihahatid ni William, may football practice daw ito.

"Huh?" nagmaang-maangan kong sabi. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang nangyari kanina sa coffee shop. Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko sa naalala. Hailey is pregnant...may nangyari sa kanilang dalawa...

"Huwag mo kaming daanin sa ganyan ganyan mo. Alam kong apektado ka parin" confident niyang wika. I bitterly smiled.

rrriiiing rrriiiiing

Vanessa calling...

"Hello?"

"Ate may overnight kami ngayon. Sa bahay nina Angela kami magpapalipas ng gabi para sa presentation namin. Si mama ganun din daw dahil deadline na daw ng project na inaasikaso nila bukas. Nakapag-paalam na ako sa kanya. May makakasama ka ba ngayon sa bahay?"

Kagat-labi akong napatingin kay Lorraine. Siguro naman puwede ko siyang yayain na doon matulog sa bahay.

"Magyayaya na lang siguro ako. Mag-iingat ka" pagpapaalam ko hanggang sa maputol ang tawag.

"Lorraine?" makahulugan kong tinignan si Lorraine na siya namang pagtaas ng kilay nito.

"Alam kong may favor kang hihingin. Ano yun?" kilalang-kilala na talaga nila ako ni Talia.

"Puwede bang doon ka na matulog sa bahay? Si mama at Van kasi parehong may overnight"

"Naku Jen, gusto ko pero hindi ako puwede ngayong gabi. Pauwi  sina Kuya galing US kasama yung mga pamangkin ko dahil may maagang business meeting sila bukas at kailangan ko silang bantayan. Sorry talaga. Bad timing eh" malungkot niya akong tinignan. Si Talia kaya?

"Sa tingin mo puwede si Talia?" Takot pa naman ako mapag-isa sa bahay.

"May overnight din daw sila ng debate team since kailangan nilang i-finalize yung papers bago ang foundation" malungkot din niyang sabi. Napahugot ako ng malalim na hininga at walang lakas na tumango.

Hinintay ko munang makasakay si Lorraine ng Taxi bago sumakay ng tricycle. Malayo kasi ang bahay nila mula sa school kumpara sa amin.

Pagkarating ko sa bahay ay ni-lock ko agad ang gate pagkapasok ko. Dumaan muna ako sa kusina para uminom ng tubig bago pumanhik sa kuwarto. Pagod akong nadapa sa kama saka sandaling pumikit. God I  really hate PE!

Napagpasyahan kong mag-online muna bago mag-shower.

XBenzz TonXx messaged you on Facebook

XBenzz TonXx: Hello babe
Jenny Jane: Stop with the endearments please
XBenzz TonXx: Haha you can't blame me
Jenny Jane: Right. You're stubborn
XBenzz TonXx: but hot
Jenny Jane: Ewww
XBenzz TonXx: Where exactly are you now?
Jenny Jane: Just got home
XBenzz TonXx: Busy?
Jenny Jane: In school? Yeah
XBenzz TonXx: Good luck with that :/
Jenny Jane: Semester's ending soon you know
XBenzz TonXx: Yeah right. Any news? Happenings? 
Jenny Jane: Nothing's new. Do you have something to tell?
XBenzz TonXx: Wala naman ;) I am just happy
Jenny Jane: Happy for what?
XBenzz TonXx: You never want to know
Jenny Jane: That sucks
XBenzz TonXx: ;)
Jenny Jane: Gotta shower. Bye
XBenzz TonXx: Chat later?
Jenny Jane: Sure. I need some company anyway
XBenzz TonXx: Huh? Are you alone?
Jenny Jane: My mom and sister are out for overnight. So yeah that makes me alone.

XBenzz TonXx is offline

Huh? That's weird.

~

I'm enjoying my bowl of favorite ice cream while watching a movie in the living room when the doorbell rang.

I searched for the time on the clock just above the shelves. 8:00 PM, who's planning to barge into a house at this hour?. I lazily went for the door on my pajama grabbing an umbrella on the process. Atleast may panlaban ako!

"Prince?" gulat kong wika nang mabungaran ang pagmumukha nito sa labas ng bahay. Anong ginagawa niya dito?

"Uh..h-hi?" napapakamot sa batok niyang bati. Hinanap ng mga mata ko ang kotse niya pero wala akong nakita. Naglakad siya papunta dito?

"It's late. Anong ginagawa mo dito?" nagtataka ko siyang tinignan. Ngayon ko lang napansin ang suot niya. He's wearing a white v-neck shirt under his comfy blue jacket matching his faded blue jeans.

"Napadaan lang. Galing ako sa bahay ng kaibigan ko which happened to be in your neighborhood" cool nitong sabi saka naman ako napatango. I invited him in because it's dark and cold outside and it would be rude of me not to.

He sat on the couch next to where I was sitting awhile ago while I went to the kitchen getting him the same bowl of ice cream and a spoon.

"Thanks" he thanked having a spoonful of ice cream.

Umupo naman ako sa tabi niya saka ipinagpatuloy kainin ang ice cream ko at ang panonood.

"Ikaw lang ang tao sa bahay?" tanong ni Prince kaya napatango ako.

"It's not right to stay at home alone especially for a girl. Hindi na safe ngayon. Nagyaya ka sana ng makakasama" wika niyang makikita ang pagkabahala at pag-aalala sa mga mata niya.

"Hindi rin puwede yung mga kaibigan ko. I have no choice but to be on my own" I sadly said putting down the bowl of ice cream I just finished.

"Sasamahan kita hanggang sa makatulog ka para lang makasigurado akong safe ka. Is it okay with you?" I slowly nodded. Something warm squeezed my heart by his statement.

"So tell me about your life" simula ko. Tanging ang ingay lang na nagmumula sa TV ang naririnig sa buong bahay.

"I'm the eldest. I have two younger siblings, King and Victoria"

"You have a sister?" Ngayon ko lang nalaman to ah, hindi niya nabanggit noong nakaraan.

"Yes. She's the youngest pero hindi namin siya laging nakakasama" kumunot ang noo ko sa narinig

"Bakit?"

"She's in Australia, with my dad."

"You mean hindi kayo nakatira dito lahat sa Pilipinas?" nagtataka ko siyang tinignan.

"My parents divorced since I was still thirteen" gulat ko naman siyang tinignan. Napakahirap sigurong makitang naghihiwalay ang mga magulang mo. Kung nasa parehong kalagayan siguro kami ay baka hindi ko kayanin.

"I'm sorry" bigla kaming binalot ng katahimikan.

"Don't be. Matagal na yun. Nakalimutan nanamin ang tungkol dun. The problem now is about Victoria. Gusto siyang kunin ni papa, legally.  Hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa ang desisyon. My mom doesn't want it to reach the court dahil malaking gulo at kahihiyan yun. Isa pa maaapektuhan ang kapatid ko kapag nangyari yun. Nakakasama lang namin siya every Christmas and other long holidays. Wala kaming magawa lalo na si mama dahil kahit papaano ay may karapatan din si papa. Hindi lang talaga tama na tuluyan niyang ilayo ang kapatid ko." I can see pain in his eyes while relaying the story. Hindi madali ang pinagdadaanan ng pamilya niya pero lumaki siyang mabuti at masayahing tao.

Unti-unti akong nakakaramdam ng antok. I yawned and Prince chuckled.

"Let me tuck you to bed" he said pulling me up from the couch. Sinundan niya ako paakyat sa kuwarto hanggang sa paghiga ko.

"Masyado ng malalim ang gabi. Don't you think it's dangerous for you to go home?" nag-aalala at inaantok kong sabi. He smiled.

"Is that your way of telling me to stay for the night?" he grinned and I rolled my eyes slowly succumbing to sleep.

"Sleep tight. Dream of me baby" naramdaman ko ang labi niya sa noo ko bago ako tuluyang binalot ng dilim.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon