Isang buwan na ang nakalipas simula noong umalis sina Prince kasama ang papa niya at si Victoria. Tuloy parin ang communication namin. Siya ang unang tumatawag o nagte-text para kumustahin ako. Minsan, hindi kami nakakapang-abot dahil maliban sa time difference, pareho kaming busy. Nagsimula na ang OJT ko sa Manila samantalang siya naman ay abala sa trabaho. He was recommended by his dad to his collegue at dahil matalino ito at sa taglay na skills, mabilis nitong napatunayan ang taglay na talento at nabigyan ng magandang puwesto sa kompanyang pinagtatrabahuan.
Magkakasama kami nina Talia,Lorraine, Nelly at Venice sa condo kung saan kami nags-stay habang abala sa OJT. Napakaraming bagay ang natutunan namin sa training at sa mga patient na naha-handle namin. There was this patient na nakilala ko na nagkaroon ng psychological problem matapos mamatay ang buong pamilya niya. He was left alone and devastated. Illegal drugs ang naging sandalan niya ng ilang taon. He also tried committing suicide but didn't succeed. He was brought in the mental hospital after harassing a neighbor. Awang-awa ako sa kanya habang ibinabahagi ang kuwento niya. Mag-aanim na taon na siya dito sa programang kinabibilangan ng marami pang drug abusers noon na ngayo'y unti-unti ng bumabangon.
Mas nagkaroon ako ng lakas ng loob para i-pursue ang pangarap ko. I wanted to help the society to kill the disease that's slowly eating people's minds -drugs. Gusto kong maging parte ng pagbangon nila. I wanted them to see how life is worth living for.
Napatingin ako sa cellphone ko pagkatapos nitong mag-vibrate. We're currently in break at nasa malapit na restaurant kami para kumain.
XBenzz TonxX messaged you
Ilang linggo na simula ng muli kaming makapag-usap ng lalake. Bigla na lamang itong nagparamdam isang araw at humingi ng paumanhin at hindi daw natuloy ang usapan naming magkita sa personal. Abala na rin daw ito sa trabaho kaya hindi na nakapagparamdam.
Simula noon ay lagi na lang niya ako china-chat. Parang nakakatandang kapatid na ang turin ko sa kanya dahil sa gaan ng pakikitungo namin sa isa't-isa. He's a good friend. Palabiro ito kaya kapag stress ako sa work ay nalilimot ko. Hindi ko nga maiwasang ikumpara sila ni Prince dahil parehong-pareho sila ng pag-uugali. Pareho pa sila ng pangalan dahil Drake din ang pangalan ng lalake, the irony though.
XBenzz TonXx: Hello beautiful
Jenny Jane: Hi :)
XBenzz TonXx: How's your day?
Jenny Jane: Pagod at stressful
XBenzz TonXx: Everything will be worth it ;)
Jenny Jane: Haha right! San ka?
XBenzz TonXx: Nasa trabaho. Anong ginagawa mo?
Jenny Jane: Break namin. We're grabbing something to eat.
XBenzz TonXx: Pakabusog ka. Mahirap na mag-focus sa work pag gutom ;)
Jenny Jane: Ganun ka din ba? Haha
XBenzz TonXx: Oo. Lagi nga lang akong gutom :P
Jenny Jane: Haha. Kumakain ka din ba ngayon?
XBenzz TonXx: Hindi. Kakatapos ko lang. May hinihintay lang akong mga katrabaho.
Jenny Jane: Ingat :)
XBenzz TonXx: I really hope to see you soon.
Jenny Jane: Malay mo magkasalubong tayo.
XBenzz TonXx: Sana nga. Sege nandito na mga kasama ko. Just checked on you. Ingat lagi sweetheart :)
Jenny Jane: Haha. Bawal nga sabi ang endearment. Magseselos boyfriend ko.
XBenzz TonXx: :/ Kailan ko ba makilala yang boyfriend mo?
Jenny Jane: Baka kapag nagkita tayo ipakilala kita
XBenzz TonXx: Sabi mo pareho kami ng pangalan? Baka naman mas guwapo ako jan :)
Jenny Jane: Mas guwapo yun, sinasabi ko sayo :)
XBenzz TonXx: Mas mabait parin ako. Bye sweety pie!XBenzz TonXx is offline
Simula noong magkausap kami ulit ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol kay Prince na boyfriend ko. Lagi ngang siya ang pinag-uusapan namin eh. Nakakatuwa lang talaga at pareho pa sila ng pangalan. Biniro ko nga minsan kung magkaano-ano sila. Sinabi naman niyang baka kambal sila pero itinakwil daw ng magulang si Prince dahil hindi daw maipagkakailang mas guwapo siya kaysa kay Prince. Tawang-tawa lang ako sa mga pahayag niya.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...