Kabanata 38

10 0 0
                                    

Isang araw bago tuluyang umalis si Prince papuntang Australia kasama ang daddy niya at si Victoria, he invited me for dinner. Ngayon yun and I am currently facing the mirror wearing a long red gown and a minimal make up. My hair is put up in a bun with sweet curls going down at the side of my face.

I'm wearing my favorite silver  necklace and one of my favorite bracelets and silver earings as well. I finished my look with my white stilletos.

Bumaba na ako nang makarinig ng busina ng sasakyan mula sa  labas. My date's here!

I saw my Prince standing at the end of the stairs looking so magnificiently handsome. He took my hand upon reaching him and lead me outside. Parehong wala si mama at Van sa bahay dahil parehong matatagalan sa pag-uwi. I secured first the house before finally leaving.

Sa isang mamahaling restaurant niya ako dinala. Halos lahat ng nandidito ay kasing pormal din ng suot namin ang suot. We might appear a little bit overdressed but that's okay because this will be our last night together since he will be leaving tomorrow.

Iginiya kami ng isang waiter sa nakareserbang table para sa amin. Being a gentleman like he always is, Prince pulled out the chair for me. Umupo ito sa katapat kong upuan bago kami umorder. May ibinulong pa ang kasama ko sa waiter bago ito tuluyang umalis dala ang mga order namin.

Hindi ko tuloy maiwasang malungkot sa tuwing maiisip na ito na ang huling gabing makikita at makakasama ko siya. They're flying to Australia tomorrow early in the morning.

Naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito na sinuklian ko lang ng ngiti.

"Tungkol ba ito sa pag-alis ko?"

"Babe, just tell me if you don't want me to go. You know I couldn't risk our relationship. I can stay if you want." wika nito habang tinititigan ako ng may pag-alo.

"No, please go. I'm fine. Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot."

"Don't be sad. Magkakalayo man tayo, hindi naman tayo maghihiwalay. Tuloy parin naman ang communication natin. We have skype, twitter, facebook. I'll call and text you always pag nandun na ako. Kung iniisip mo naman na baka maghanap ako ng iba, babe trust me, kung gagawin ko yun dapat noon ko pa ginawa when I lost Ashley. I love you so much, you know that right?" tila natapon lahat ng pag-aalala ko sa narinig. Inaamin ko, natatakot ako na baka makahanap siya ng kapalit ko sa Australia. Natatakot ako na magising nalang isang araw na wala na kami. Natatakot ako na baka hindi na niya makayanan ang sitwasyon namin at basta nalang siya sumuko. Alam ko namang hindi sukatan ang distansya sa isang relasyon pero hindi rin malabong mapagod ang isa lalo na kapag magkalayo kayo.

"I know and I trust you that's why I'm letting you go." sagot ko. Kahit naman takot na takot akong mawalay kami sa isa't-isa, mas nananaig parin sa akin ang tiwala ko sa relasyon namin. Besides I wanted him to be successful. Ayaw kong bigyan ng limitasyon ang buhay niya dahil lang sa takot kong magkalayo kami. Kailangan kong maging matatag, hindi lang para sa sarili ko kundi para sa aming dalawa.

Hindi na muling naungkat ang pag-alis niya bukas hanggang sa dumating na ang mga pagkaing inorder namin. Inubos namin lahat ng pagkain habang nagkukuwentuhan. Nalaman kong natanggap ito sa lahat ng inaplayang kompanya pero pinili na lamang niyang umalis papuntang Australia pagkatapos pag-isipan ang naging alok ng daddy niya at pamimilit ko sa kanya. Kitang-kita ko naman sa mga mata niya na masaya siya sa naging desisyon. Ibinahagi din niya sa akin ang mga plano niyang gawin pagkarating dun. Kung sana daw ay magkasama kaming pupunta dun ay mas magiging masaya siyang umalis. Siniguro ko naman sa kanyang balang araw ay sabay na kaming pupunta dun para magbakasyon.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon