Kabanata 15

18 0 0
                                    

"Ang guwapo niya"

"Diba siya yung lalake sa picture?"

"Grabe, ang yummy niyang tignan"

"Tumigil nga kayo! Akin siya!"

"Hinihintay ata niya yung babae"

Halos mabingi na ako sa pagbubulungan ng mga nagkukumpulang mga babae sa harap ng bintana ng room namin, eh rinig na rinig naman sa lakas ng mga boses nila.

"Girls, mauuna na ako sa inyo. Maagang matatapos ang practice nina William ngayon kaya siya na ang maghahatid sa akin." paalam ni Lorraine sa amin ni Talia habang inaayos ang mga gamit. Sa wakas ay tapos na ang klase.

Mabilis siyang lumabas ng room na hindi pa kami nakakasagot ni Talia.

"Ang sabihin niya, magdi-date sila ni William" umiikot ang mga matang wika ko habang isinusuksok sa bag ang mga librong dala ko. Unfortunately for us, we don't have a locker kaya dagdag pasanin.

"Hindi ka na nasanay sa dalawang yun. Kung ipagpapatuloy mo yang pagbi-bitter-bitteran mo ay mas mabuti pang maghanap ka ng boyfriend." sagot ni Talia palabas ng room na agad ko namang sinundan.

"Hindi ko kailangan ng boyfriend. Sakit lang sila sa ulo"

"Hindi lang sa ulo, pati sa puso. Ewan ko ba sa inyo ni Lorraine at pinagtuonan niyo ng pansin ang pagjo-jowa. Mabuti sana kung walang lumuluha at ngumangawa sa harap ko"

"Hindi mo pa kasi nararanasan kaya ganyan ka makapagsalita" tukso ko at umismid lang ito.

"At wala akong planong pag-aksayahan ang mga ganyang bagay. I've learned already pagkatapos ko masaksihan ang panloloko sayo ni Peter"

"Past is past Talia" sabi ko nalang mapagtakpan lang ang nararamdaman ko.

"I know and we both know who's the present" tumaas naman ang kilay ko sa tinuran niya.

"Geez Jen, you're so slow. I'm talking about the guy waiting for you outside" natatawa niyang wika at napaismid ako sa narinig.

"Oh c'mon! How many times did I tell you guys that Prince and I are friends"

"Tell me that next time minus the disappointed tone" tunog disappointed ba ang pagkakasabi ko?

"Oh right! I almost forgot! May meeting ang debate team. Jen, mauna ka na. May sundo ka rin naman so wala ng problema" paalam nito

"Busy?"

"Super. Alam mo namang magtatapos na ang semester and the foundation week is fast approaching" mabilis nitong paliwanag saka bumeso sa akin hanggang sa tuluyan na itong tumakbo pabalik.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka tuluyan ng lumabas. Nasa main building kami dahil dito ang klase namin kanina.

"Look! She's the girl in the picture"

"Di sila bagay"

"She's pretty"

"Mas maganda ako sa kanya"

Napapaikot nalang ako ng mata sa mga naririnig. Girls and their stupid mouths.

Agad ko namang nakita si Prince na cool na cool na nakasandal sa kotse niya. He's busy with his phone. Hindi nito naramdaman ang presensya ko.

"So you're serious about your plan" pukaw ko sa atensyon niya nang marating ko ang puwesto niya.

Napatingin siya sa akin saka sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi, exposing his dimple that I wouldn't get tired of seeing.

The Boy I Met OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon