Tinatamad kong isinuot ang puting blouse na binili ko noong nakaraang nag-mall ako kasama ang mga kaibigan ko. Ipinares ko dito ang itim kong pantalong hindi gaanong hapit sa katawan. Linggo ngayon at pupunta kami ng simbahan para magsimba. Nakagawian nanaming pamilya na dumalo ng misa lalo na kapag ganitong linggo hanggang noong buhay pa si papa.
Nilingon ko ang kapatid kong inaayos ang pagkakapusod ng buhok habang nakaharap sa salamin. Napakunot-noo ako sa biglang naisip. Dapat ko bang iwang nakababa ang aking buhok? Bigla ko tuloy naalala ang taong nag-chat sa akin kahapon nang tumambay kami sa Paradise. Buong araw ay hindi mawala-wala sa isip ko ang mga salita niya at hanggang ngayon may nagtutulak sa aking alamin kung sino siya.
"Jen! Van! Baba na mga anak! Magsisimula na ang misa at baka mahuli tayo!" rinig naming tawag ni mama saka ako napabalik sa wisyo at binilisan ang kilos. Iniwan ko na ring nakababa ang aking buhok.
Ilang sandali ay nagmamadali na kaming lumabas ng bahay nina mama at sumakay sa isang tricycle. Hindi gaanong malayo mula dito ang simbahan kaya nakarating din kami ng mabilis bago magsimula ang misa.
~~
Isang oras din ang tinagal ng misa. Napakadaming tao, hindi na nakapagtataka dahil linggo ngayon at sama-samang nagsisimba ang bawat pamilya. Habang palabas ay napako ang tingin ko sa isang babaeng naglalako ng suman, bigla tuloy akong nagutom. Lumingon ako sa likod para yayain sanang bumili sina mama pero paglingon ko'y wala na sila. Baka nauna na sila sa terminal ng mga tricycle.Tinungo ko agad ang puwesto ng babaeng may dalang bilao ng suman nang may lalakeng naunang lumapit sa babae. Hinayaan ko na siyang maunang bumili habang nasa likod lang ako ng estranghero, naghihintay na matapos siya. Ilang minuto pa ay nagmamadaling umalis ito dala ang supot na may lamang suman na kanyang binili.
"Iha bibili ka ba?" agaw sa atensyon ko ng aleng nagbebenta
"Ah..opo anim po" sagot ko nalang saka naman ito ngumiti. Naisip kong bilhan na sina mama.
Inilagay na nito ang mga suman sa isang supot at iniabot sa akin.
"Eto po bayad" abot ko sa kanya ng pera pero umiling lamang ito at ngumiti.
"Bayad na iha" nagwika ito at napakunot ako ng noo. Hindi pa ako nakakapagbayad!
"Pero-" agad nitong pinutol ang aking sinasabi
"Binayaran na nung mama kanina" sabi niya kaya nagulat ako. Yung lalakeng nasa unahan ko ang nagbayad? Pero bakit naman niya gagawin yun eh hindi naman kami magkakilala!
Nahalata siguro ng babae ang pagkagulat ko kaya muli siyang nagsalita.
"Hindi ba kayo magkakilala?" tanong niya at umiling ako. Iniabot ko ulit ang perang hawak ko sa kanya at nalilito niya itong kinuha.
"Baka po nagkamali lang po siya o di kaya'y hindi po ako ang tinutukoy niya" wika ko nalang at nginitian siya saka umalis na.
~~
Kami nalang ni Van ang umuwi ng bahay pagkagaling sa simbahan habang kinakain ang sumang binili ko. Tinawagan kasi si mama ng kompanyang pinapasukan niya at nagkaproblema daw sa mga dokumentong inaayos nila.Pagdating sa bahay ay umakyat na ako sa kuwarto at inasikaso ko na ang mga nakabinbing mga gawain sa school. Bukas ay balik school nanaman at ang dami kong kailangan tapusin. Mabuti na lamang at medyo matagal-tagal pa ang binigay na deadline para sa school works namin.
Si Van naman ay nagpaalam ulit na lalabas dahil may bibilhin daw na materials para sa sisimulan niyang project. Third-year highschool si Van samantalang ako ay pangatlong taon ko na sa kolehiyo. Kahit addicted ako sa pagbababad sa internet, I always make sure to excel in my academics. I am one of my university's students who always make it to the top every semester and a consistent dean's lister. Aaminin kong di ako palaaral, in fact I love cramming. Masisisi niyo ba ako kung nakakatamad? Mas gumagana utak ko pag the day before the exam ako nagsa-study.
I know that maintaining my good grades is only the best way to return the favor to our parents. Sabi nga ni papa noong nabubuhay pa siya, "Hindi namin kailangan ng mama niyo ang suweldo niyo pag nagkatrabaho na kayo. Sapat na ang makitang may maayos kayong mga grado at may maayos na kinabukasan."
Ilang oras ko din binabad ang sarili sa mga schoolworks bago ko sila natapos lahat. Ilang oras na rin mula nang dumating si Van mula sa labas at tinapos na niya ang project niya. Mas mabuti ng matapos lahat kaysa maghabol ng deadline. Tinapos ko lang ang report ko sa major, a bunch of assignments for my other subjects and yung project kong hindi ko pa natatapos.
Napatingin ako sa orasan 6:30 PM Nag-inat-inat ako. Hindi ko na namalayan ang oras!
Nasaan na kaya si mama? Ayos lang kaya yung trabahong tinutukoy niya?
"Van bumaba ka na pagkatapos mo jan. Maghahapunan na" wika ko sa kapatid kong nililinis na ang kalat at bumaba na ako patungong kusina upang maghanda.
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Teen FictionSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...