Pababa pa lang ako ng hagdan nang may humigit sa akin sa isang sulok.
Prince...
"God I'm so worried about you. I told you to wait for me" hinahabol nito ang hininga habang yakap-yakap ako ng mahigpit.
"Nasa taas lang ako, ano ka ba? Hindi naman ako mawawala" minsan talaga ay exaggerated siya.
"You should've answered my calls then" okay here we go he's pissed. Pinaharap niya ako sa kanya habang nakapulupot sa bewang ko ang mga kamay niya.
"Sorry, may kinuha kasi akong materials sa taas" hindi na niya kailangan malaman ang pangingialam ko sa usapan ng iba, nakakahiya.
"And what took you so long? Tinanong ko si Lorraine and she said bigla ka na lang daw nawala" nakakunot-noo niyang sagot habang nakatitig sa akin.
"Uh..may nakasalubong ako na kaklase ko at nagpapaturo siya ng..ng ano..assignment, Oo ganun nga!" God this sucks!
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko habang pinanatili ko ang blanko kong mukha. What will I say? Na nakita ko lang naman ang ex ko kausap ang babaeng ipinalit niya sa akin habang pinag-uusapan nila ang pagbubuntis ng babae?
"I'm fine Prince, let's go" I dismissed the topic already at baka mahalata na talaga niyang nagsisinungaling ako, by which I'm sure he already sensed.
Hinila ko siya patungo sa department para iwan doon ang mga materials na kinuha ko sa taas. Siya na din ang nagdala ng mga materials na dala ko.
"Jenny! Where have you been? Kanina ka pa hinahanap ni ma'am at Lorraine sa amin" salubong sa amin ni Nelly. Sila na lang ang natitira dito sa department.
"Wait, diba ikaw yung lalake sa picture?" tanong ni Venice habang nakaturo kay Prince. Nagtataka naman kaming tinignan ni Prince, oonga pala wala siyang kaalam-alam tungkol sa mga kumalat na pictures naming dalawa.
"Nasa taas ako kanina, kinuha ko tong mga materials" turo ko sa mga dala ni Prince na kasalukuyan niyang ibinababa sa isang mesa. Bumalik din ito sa tabi ko pagkatapos.
"I'm Drake John Mendez, but you can call me Prince. I'm Jane's boyfriend" pagpapakilala nito sa dalawang babaeng nasa harap namin. Nelly smirked while Venice's smile widened.
"We're Jenny's friends. I'm Venice and this girl here is Nelly" makahulugang tumingin sa akin si Venice na hindi ko naman maintindihan ano ang nais niyang ipahiwatig.
"It's nice to meet you ladies" ngumiti si Prince exposing his dimples. Hindi maitatanggi sa mukha ng dalawang babae ang paghanga sa lalakeng ito. Why so handsome?
"Aren't you hungry? Let's grab some food" anyaya ko kay Prince. I don't like the stares he's earning from these girls.
"Oh right. Please excuse us ladies, gotta feed my hungry lovely girlfriend here" paalam nito dahilan para matawa si Venice at Nelly. Geez now I feel like he found some alliance with these two..in annoying the hell out of me!
"Jenny bantayan mo yang boyfriend mo! Marami kang kaagaw!" natatawang pahabol ni Nelly bago kami tuluyang nakalabas sa department. Gustong-gusto talaga akong iniinis ng dalawang yun.
"Where do you want to eat?" tanong nito habang pinagsisiklop ang kamay namin. I can't help but to blush.
"Gusto mo bang sa cafeteria nalang tayo? I'm excited to taste the food served there" agad naman akong napailing. Is he crazy? We'll surely attract a lot of attention, ngayon pa nga lang parang gusto ko ng tumakbo mula sa mapanuring tingin ng mga estudyanteng dinadaanan namin. Ano bang pumasok sa isip niya at bigla siyang nag-decide na pumunta dito?
BINABASA MO ANG
The Boy I Met Online
Novela JuvenilSi Jenny Jane, babaeng may pusong nawasak pagkatapos lokohin ng dalawang-taong kasintahan. Si Drake, lalakeng hindi makalaya sa pait ng kanyang nakaraan. Paano magiging tulay ang makabagong teknolohiya sa pagtatagpo ng mga landas nila? Anu-ano an...