Kabanata 1

9.9K 196 13
                                    

Kabanata 1
Searching

----------------

Isang linggo na mahigit ang nakalipas nang makauwi ako rito sa mandaue. After Jethro and papsie had a confrontation, umuwi rin agad ng mandaue si Jethro kasama si kuya Luke at ang mga pinsan ko, katulad ng napagplanuhan nila.

Kinabukasan naman ng umaga kami nila daddy nagpasyang umuwi. Ang plano ko sana ay magtagal pa ng one week sa naga, kaya lang ay nahihiya naman akong mag-stay pa doon, kasi nga galit si papsie at dahil iyon sa akin at kay Jethro.

Sa pag-uwi namin dito sa mandaue. Sumabay sa amin si Darvis pero nagpahatid siya sa isang hotel. Dapat sana'y sa amin siya tutuloy pero dahil galit siya sa akin tungkol sa mga nalaman niya, he decided to stay in the hotel.

Pakiramdam ko ang sama-sama ko dahil ang daming galit sa akin kaya walang gabing dumarating na bago ako matulog, umiiyak ako. Paulit-ulit na nanghihingi ako ng tawad sa diyos dahil sa mga ginawa ko.

"EA, Darvis is here!"

Dinig kong sigaw ni mommy. Napukaw ako sa malalim na pag-iisip habang nakaupo ako sa kama ko at yakap ko ang mga tuhod ko.

"I'll be right there." sigaw ko naman.

Ito ang araw ng flight ni Darvis pabalik ng london at gusto niyang mag-usap kami bago siya umalis.

Humugot muna ako ng isang lalalim na buntong hininga bago ako bumaba ng hagdan patungo sa porch kung saan naroon at naghihintay sa akin si Darvis.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ng magkaharap kaming dalawa ni Darvis. Nanlalamig ang buo kong katawan, nakaupo siya sa left swing bench at ako naman sa right.

"Are you not going to say anything?" malamig na tanong ni Darvis.

"D-Darvis. Sorry." kinagat ko ang ibaba kong labi at napayuko para pigilan ang pag-iyak ko.

I feel so guilty for using him. Sinubukan ko naman siyang mahalin, eh. Kaya lang ay ang hirap turuan ng puso.

"Now I know why all of a sudden, you let me be your boyfriend. Kahit na sa buong panliligaw ko sa'yo, ramdam ko na mahal mo pa rin ang lalaking iniwan mo rito sa pilipinas. Si Jethro pala 'yon, siya pala ang lalaking ayaw mong pangalanan sa akin."

"Kasi ayoko na talagang malaman mo pa ang tungkol sa amin, sa bawal na nararamdaman namin sa isat-isa."

"But, EA...being your boyfriend is an opportunity, a privilege...kaya nga kahit na alam kong mahal mo pa rin siya, naglakas loob pa rin akong pumasok sa puso mo. I did everything for you to love me, kaya lang...ano nga bang laban ko sa pinagsamaan niyo? Simula bata pa lang magkasama na kayo, ang dami ng dumating na pagsubok sa buhay niyo. Ngayon nga, malinaw na sa akin ang lahat. Sinusubukan na naman kayo ng tadhana at parte ako ng pagsubok niyang 'yon. I'm a props." hilaw siyang tumawa at saka siya tumayo sa kinauupuan niya.

"No. You're not a props." tumayo na rin ako sa kinauupuan ko.

"I'm so glad to meet you, EA. Masaya ako na naranasan kong maging boyfriend mo, pero siguro nga hindi ako ang taong kailangan mo at makapagpapasaya sa'yo." hinaplos ni Darvis ang mukha ko. Marahan at banayad.

"Sana maging masaya ka, sana malampasan niyo lahat ng pagsubok na darating pa sa buhay niyo. I will miss you."

Hindi ko na napigilan pa ang pag tulo ng luha sa mga mata ko, kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa kanya.

"I'm so sorry. Darvis, I tried. Believe me, I tried. Hindi ka naman mahirap mahalin, eh. Mahirap lang turuan ang puso." umiiyak kong sabi sa kanya.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon