Kabanata 47
Getting Married--------------------
As days go by. Sinimulan na rin ng pamilya ko ang pagsasaayos ng kasal namin ni Kiko na binabalak nilang maganap this coming March.
Narito ngayon sa bahay si Kiko dahil pareho kaming sinusukatan ng isusuot naming damit sa kasal. Kasama namin ngayon dito sa living room si tita Nadia, Penelope at Gabriel.
Tita Nadia likes to handle events or parties, marami siyang kilalang organizing team, magagaling ang mga 'yon, hindi siya nag si-stick sa iisang team lang. Sinusubukan niya ang lahat, but in a different occasion.
Kapag kumukuha siya ng magaling na organizing team, hindi siya 'yong klase ng boss na ipapaubaya na lang lahat sa mga iyon, she's also checking their job, maya't-maya pa nga kung gawin niya 'yon.
Penelope told me na ganoon talaga si tita kabusisi at gustong-gusto raw talaga nito na siya ang nag-aasikaso ng mga important events ng pamilya namin, mas gusto niya pa raw iyon kaysa sa ihandle ang business ng pamilya namin.
Noong birthday party ko, sobrang pinaghandaan talaga ni tita iyon. Though, hindi ko gaanong naparamdam sa kanya na na-appreciate ko 'yon. I know she's happy that I'm getting married with Kiko, but I believe na magiging masaya naman siya kahit kanino ako ikasal. Pinapaburan niya lang naman lahat ng decision ng pamilya namin.
Samantala, last week lang nang matapos sa kani-kanilang internship si Penelope at Gabriel, while Adam's still completing it, panay kasi ang absent ng isang 'yon. Gagraduate na sila at ngayong march na rin iyon.
Dahil nasa internship niya si Adam, si Penelope at Gabriel lang ang narito ngayon, si Ethan naman kasi ay parang si kuya Luke, nakafocus na siya ngayon sa family business kasi isa na rin siya sa nagha-handle nito.
"EA, before wedding. Be ready 'cause we're going to throw you a bachelorette party." Nakangiting sabi ni Penelope.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Gulat naman ang gumuhit sa mukha ni tita Nadia na mukhang walang kaide-ideya sa plano ni Penelope.
"Aba, syempre magkakaroon din tayo ng stag party, Francis." Di padadaig na sabi naman ni Gabriel.
"Kailangan pa ba talaga ang mga 'yan?" Tanong ko.
"Dipende. Basta ako ang bahala sa bachelorette party mo, cous. Ang tagal ko na kayang naghihintay na mag organize ng ganitong party and now is my chance. I'm so excited!"
"What about me? Gusto ko rin mag organize 'non." Protesta ni tita Nadia na parang batang nakanguso.
"Tita Nadia, let me take charge of it for now. Mag focus ka na lang sa wedding." sabi pa ni Penelope.
Napatango naman si Tita. "Alright. Basta dapat maganda 'yang ioorganize mong party, huh?"
"Of course, tita. Para kay EA." Ngumisi sa akin si Penelope.
Hilaw naman akong napangiti kay Penelope. Buti pa siya nagagawang mag saya, naeexcite pa. Habang ako, kung pwede lang pahintuin ang oras ay ginawa ko na iyon.
"EA, can I take you out after this? Let's have a dinner date?" Tanong ni Kiko habang sinusukatan siya.
Dinig na dinig iyon ng nagsusukat sa amin at ng dalawa kong pinsan, pati ng tita ko. Nang tignan ko pa nga sila ay nakita kong tila nag-aabang ang mga 'to sa isasagot ko.
Wala namang masama kung kakain ako sa labas kasama si Kiko. Ayoko rin naman na tanggihan siya sa harap ng mga naririto, kaya sumang-ayon ako.
Alas-sais pasado nang umalis kami ni Kiko sa bahay. Mga quarter to seven naman nang makarating kami rito sa ayala center.
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017