Kabanata 12

6.7K 188 18
                                    

Kabanata 12
Virgin Island

------------------

Umalis kami sa Hilantagaan island ng masama ang loob ko kay Jethro. Hindi ako tumabi sa kanya sa bangka, kasi nakipagpalit ako kay Shawn, kaya si Shawn at Jethro ang magkatabi, si Prima naman ang katabi ko.

Kahit bakas sa mukha ni Shawn at Prima ang pagtataka sa pakikipagpalit ko ng upuan, hindi naman sila naglakas loob na magtanong sa akin kung bakit.

Private property ang Sillon Island o mas kilalang Virgin Island. Once you step on the milky white sand, you'll have to pay. Nag rent din kami ng cottage at bumili ng freshly caught fish dito mismo sa island.

Sa harap ng cottage namin ay nagsimula ng magtayo ng tent sina Timothy, Westly, Tommy at Shawn. Dalawang tent iyon na kulay asul at pula. Si Jethro at Easton naman ang nakatoka na mag ihaw ng binili naming isda. Naroon na sila ngayon sa grilling station na free gamitin.

Hindi naman kalayuan ang grilling station dito sa cottage pero hindi ko nakikita si Jethro, but then it's better. Ayoko munq siya makita kasi nakakainis siya!

Ang sakit kaya na marinig sa kanyang hindi bagay sa akin ang swimsuit na suot ko at wag na raw akong magsusuot nito kahit kailan.

Kung anong pamumuri ni Ern sa akin habang suot ko 'yon, kabaliktaran naman ang sinabi ni Jethro.

Pabagsak akong naupo sa tabi ni Westly at saka ako humalukipkip at ipinilig ang ulo ko para tignan siya. Suot niya ang kanyang salamin at nagbabasa na naman siya ng book. 
"West," kinalabit ko siya. Nag-angat naman siya ng tingin at tumaas ang kanyang mga kilay.

"H-Hindi ba bagay sa akin 'tong swimsuit ko? Nakita mo naman kanina, diba? Be honest, hindi bagay?"

Nginitian niya ako na nagpalabas ng kanyang malalim na dimples. Isinara niya pa ang libro niya at inakbayan niya ako.

"Who told you that? Mga babaeng insecure lang ang magsasabing hindi bagay sa'yo ang bikini mo. O kaya naman," tumingin siya sa itaas na parang nag-isip and then tumingin siya ulit sa akin. "O kaya naman, mga lalaking selfish."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Selfish? Bakit?"

"Selfish kasi...ayaw nilang i-share 'yong mga dapat na sila lang ang nakakakita." pagkatapos sabihin ni Westly 'yon ay tinapik niya ang balikat ko, inalis niya ang kamay niya rito at muli niyang binuklat ang kanyang libro.

Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Ang ibig sabihin ay selfish si Jethro? Oh! Now I get it.

Pigil akong napangiti ng maunawaan ko na ang lahat. So, hindi gusto ni Jethro ang suot kong bikini, kasi napakarevealing at masyadong nae-expose ang katawan ko na dapat ay siya lang ang makakita?

My God! Jethro Radford. Dapat kasi, ipaliwanag mo sa akin mabuti. Para hindi ako nabubwisit sa'yo.

I guess we need to talk.

Binuksan ko ang isang piattos na green na nasa ibabaw ng mesa dito sa tapat ng kinauupuan ko. Kumain lang muna ako ng chips habang hinihintay ko si Jethro na makabalik dito sa cottage.

Pero maya-maya pa'y lumapit ako kanila Lav na kasama nina Timothy.

Hindi lang kami ang bisita ngayon dito sa virgin island dahil may dalawang grupo din ng magbabarkada ang narito ngayon at may mga nakatayo rin silang tent sa tapat ng kani-kanilang cottage.

Nasa right side sa dulo ang cottage namin. Sa left namin ay puro lalaki ang mga naroon, sa left side naman sa dulo ay halo-halong babae at lalaki ang naroon at mga mukha silanh teenagers pa lang. 

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon