Kabanata 32
Christmas Present-----------------------
Pinanindigan ni Armando Pedrosa o ng lolo ko ang parusa niya sa akin, matapos kong makipagkita sa mga pinsan ko at kay Jethro. Mas naging mahigpit siya sa akin ngayon.
Ilang araw na lang at magpapasko na. Namimiss ko na ang mga pinsan ko, si Jethro at ang pamilya ko. Supposedly, gumagala siguro kami ngayon ng mga pinsan ko, kasama si Jethro, tapos every night nasa club o bar kami at pumaparty. I miss our bonding. Madalas ko ngang kasama ang mga pinsan kong Pedrosa, pero hinahanap-hanap ko pa rin ang mga pinsan kong Elizconde, malayong-malayo ang bonding namin ng mga bago kong pinsan ngayon, kaysa noon.
Sa tuwing mag-uusap kami ay para bang may walls kami sa isat-isa, na bawat sabihin namin ay sinasala muna namin, parang may filter na, di tulad ng mga pinsan kong Elizconde, trash talk mag-usap ang boys, lahat yata ng nasa isip nila ay binibigkas ng kanilang bibig, kami ng mga girls at ni Ern, kapag nagshi-share ng problema sa isat-isa ay agad-agad magpapayo ang isa, minsan nga nagkakasalungat ang payo nila at nagdedebate pa. Komportable kausap ang mga pinsan kong Elizconde, di tulad sa mga pinsan kong Pedrosa na parang laging may mga itinatago.
Okay naman sa akin si Ethan, si Gabriel at masasabi ko rin na okay na kami ni Penelope, pero si Adam, minsan lang siya makipagbonding sa amin at madalas ay nang-aasar pa, pero sabi ko nga...nangangapa pa kami sa isat-isa, naiilang at may walls. Kaya hindi ko maiwasang maalala ang mga pinsan ko. Ang masasayang araw na kasama ko sila.
Nasa kwarto ko na ako nang tumawag sa akin si Jethro. Hindi pa alam ni lolo Armando na may communication pa rin kami ni Jethro, siya ang nag a-update sa akin sa mga nangyayari sa kanila ng mga pinsan at pamilya ko. Nakakainggit nga sa tuwing sasabihin niyang magkakasama sila. Palihim ko rin na nakakausap ang mga pinsan ko gamit ang cellphone ni Jethro at napag-usapan namin na wag ng ibigay sa kanila ang number ko para hindi mahalata ni lolo Armando ang sekreyo namin.
Hindi kasi talaga nakasave sa phone ko ang number ni Jethro, agad ko rin binubura ang mga message niya o kaya ay ang mga tawag niya, para kung sakali man na hiramin ni lolo Armando ang cellphone ko at tignan ito ay wala siyang makikitang kahina-hinala.
"Hello?"
"Good evening, darling. We miss you. I miss you."
Ramdam ko sa himig ni Jethro ang lungkot, pati tuloy ako ay nalulungkot din.
"Kamusta ang araw mo?" Tanong ko sa kanya.
"Eto, malungkot kasi hinahanap kita."
"Hindi ba kayo gumala ngayon?"
"Kanina, buong araw lang akong nasa kwarto ko."
"Nasaan ka ngayon?"
"Nandito sa harap ng bahay niyo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sa bahay namin? Kasama mo sila daddy at mommy? dyan ka ba matutulog ngayon?"
"Wala ako sa kanila, nasa tapat ako ng bahay niyo. Nang mga Pedrosa."
Namilog ang nga mata ko. "Seriously?" At mabilis akong bumangon sa kama ko.
"Yeah. I'm just trying to get a glimpse of you, kaya lang...kahit saan ako tumingin, ni anino mo, hindi ko makita." Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Jethro mula sa kabilang linya.
"Talaga bang nasa labas ka ng bahay namin?"
"Oo naman."
Napangiti ako. "Stay right there. Okay?"
"Why?"
"Just stay right there."
Tinapos ko na ang pagtawag sa akin ni Jethro. Ibinaba ko ang cellphone ko sa bed side table at mabilis kong binuksan ang pinto ng kwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/55337054-288-k398630.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017