Kabanata 46
Reality sucks--------------------
Nag-trek kami ng mga pinsan ko at ni Jethro papunta sa lighthouse at baluarte. Pinuntahan din namin ang marine sanctuary. Sabay-sabay kaming nagtalunan sa malinaw at asul na tubig at saka sumisid para silipin ang mga lamang dagat sa ilalim.
They look so beautiful, maraming coral reefs, ibat-ibang klaseng isda at kung anu-ano pang lamang dagat ang makikita rito.
Nang mapagod kami sa paglangoy ay naglakad naman kami patungo sa sunbar. Si Westly ang pinakanauuna at sinusundan namin siya kasi magaling siyang umintindi ng mapa na nakakalat dito sa island.
"Bakit hindi mo dala 'yong malaki mong video camera, Timothy? Diba, kapag nagta-travel ka, you always do vlog?" Nagtataka kong tanong sa pinsan ko habang magkasabay kaming naglalakad.
"Sabi ni Jethro, wag daw akong magdadala ng video cam. As much as possible, wag mag ba-vlog, kasi once na i-upload ko ang video at malay natin mapanood ng iba mong pinsan na loyal sa family niyo. Sigurado, malilintikan tayong lahat dito."
Napatango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Inakbayan niya pa nga ako.
"Right now. We don't need videos and photograph to keep our memories. It's better to keep it in our heart." aniya habang matama siyang nakatingin at nakangiti sa akin.
"I like you when you talk like that." Sabi ko naman. Nakakatuwa siyang pakinggan kapag nagseseryoso, hindi ako sanay.
Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. Namilog pa nga ang kanyang mga mata.
"Really? You like me?"
Sasagutin ko pa sana siya pero bigla kaming nakarinig ng pagtikhim mula sa likuran namin. Sabay kaming napahinto ni Timothy sa paglalakad, sabay din kaming napalingon sa likod.
Nakita namin si Jethro na nakahalukipkip at masama ang tingin kay Timothy, umiigting pa nga ang mga panga niya. Nawala sa isip ko na nasa likod lang pala namin siya.
"Ops." Agad inalis ni Timothy ang pagkakaakbay niya sa akin ng maunawaan niya ang masamang tingin na ipinupukol ni Jethro, hilaw niya pa ngang nginitian ito.
"Kinakamusta ko lang si EA, huh. Kung makatingin ka dyan, parang papatayin mo 'ko." ani Timothy na nanghahaba ang nguso sa pagpapaliwanag kay Jethro.
Nirolyohan naman siya nito ng mga mata at saka kinuha ang isa kong kamay at hinila.
I can sense someone's getting jealous again. Lihim akong napangiti sa ikinikilos ni Jethro. Sa paraan niya ng paghawak sa pulsuan ko, ramdam ko kung paano niya ako angkinin, na para bang sinasabi niyang...pagmamay-ari niya lang ako.
Pagdating namin sa sunbar ay magkasalikop na ang mga kamay namin ni Jethro. Hindi na rin siya mukhang nagseselos kasi habang naglalakad kami, nilalambing ko siya and he can't resist my charm.
Pagdating sunbar ay may mangilan-ngilan lang ang naroon. Nagpipicture taking sila, may mga foreigner pa nga na nag ba-vlog. They're using 'drone camera'. Nakita kong lumapit si Timothy sa mga ito at nakipag kwentuhan na animo kakilala niya ang mga ito.
Samantala, si Ern naman ay inilatag ang kanyang sarong sa puti at pinong buhangin at saka isinuot ang kanyang sunglass at humiga roon. Si Prima naman ay panay ang papicture kay Westly habang nagpopose ito na animo may photoshoot. Si Lav ay kasama na ng ilang boys na lumalangoy sa tubig. Inaya na nga rin nila kami ni Jethro.
"Sige, maya-maya." Pasigaw na tugon ni Jethro.
Ang linaw talaga ng tubig rito. Ang sarap sa talampakan ng malamig na tubig.
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017