Kabanata 3

8.1K 178 11
                                    

Kabanata 3
Di ko gets

---------------

Muntik ng bumagsak sa mukha ko ang dumbbell na hawak ko, mabuti na lang at nahawakan ni Jethro ang mga ito.

"The hell with you?" galit na bulalas ni Jethro.

Napanguso naman ako at saka bumangon sa bench press na hinihigaan ko.

"Mabuti na lang nakuha ko na ang mga 'to bago pa bumagsak sa mukha mo, hindi ka nag-iingat!" dagdag niya pa.

"Bigla-bigla ka kasing sumusulpot, para kang kabute!" bulalas ko rin sa kanya.

"Jethro?" pareho kaming napalingon ni Jethro sa lumapit na si Adam. "Ang bilis mo, huh? Kanina kausap ka lang sa cellphone ni EA, ngayon...nandito ka na." Ngingisi-ngising sabi ni Adam.

Hinagod naman siya ng matatalim na tingin ni Jethro. Umiigting pa nga ang panga nito.

Pagkatapos niyang hagurin ng tingin si Adam ay nagulat ako nang kuhanin niya ang kamay ko.

"Halika na."

"Huh? Bakit? Hindi pa ako tapos. At saka tigilan mo nga ako, Jethro! Ano 'to? Nagpunta ka rito para sunduin ako?"

Padabog kong tinanggal ang kamay ni Jethro na nakakapit sa akin at saka ako tumayo sa kinauupuan ko at naglakad palayo sa kanya.

Naramdaman kong sumunod sa akin si Adam. "EA, gusto mo turuan naman kita next time ng---"

"Wala ng next time, Adam." sabad agad ni Jethro na nakasunod na rin sa akin.

"Jethro? Adam? Woah! Hindi pa ako nagsisimulang mag work-out pinagpapawisan ako agad."

Dinig kong sabi ng isang babae habang abala ako sa pagkuha ng gagamitin kong kettlebell.

"Emilia Azalea, diba sabi ko sa'yo tara na?"

Hindi ko pinapansin si Jethro. Si Adam naman ay naririnig kong nakikipagkwentuhan na sa babaeng bumati sa kanila.

Magaling talagang mag-entertain ng babae si Adam. Hindi ko nga alam kong talaga bang virgin pa ang isang 'to o accessory na lang niya ang sing-sing na sinasabing virginity ring niya raw.

Muntik na nga kaming makakita ni Jethro ng live show niya noon. Ang tindi niyang makipag-make out.

Kinuha ko na ang kettlebell na may 8kg ang bigat. Pero maglalakad pa lang ako para maghanap ng wide space kung saan ako mag ii-squat. Agad namang kinuha sa akin ni Jethro ang dala kong kettlebell.

"Sinabi ng aalis na tayo rito, eh."

Nasindak ako sa mga malalalim niyang mga mata na nagsasalubong ang mga kilay.

"Jethro, bakit mo naman pinaaalis agad si Emilia?" tanong ni Adam. Hindi ko na rin nakita ang babaeng kausap niya.

"Because as much as possible. I want her to stay away from you." mariin na sabi ni Jethro.

"Go on, pick up your things, Emilia."

Mabilis akong sumunod kay Jethro. Dahil sa tono ng boses niya ay mukhang galit na talaga siya. Para ngang kaunti na lang at sasapakin na niya si Adam.

"Why you seem so mad at me? Come 'on, Jet. We're buddy, remember?"

"I'm done." sabi ko kay Jethro.

Matama naman niyang tinitignan si Adam.

"Not anymore. You're same as your family. Someday your gonna be like them. Nasa dugo niyo na ang pagiging tuso."

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon