Kabanata 13

7.4K 179 19
                                    

Kabanata 13
Jealous boyfriend

-------------------

Sunod-sunod akong napalunok sa sinabi ni Jethro habang mariin siyang nakatingin sa akin at umiigting ang kanyang mga panga.
So, hindi talaga 'yong pagiging selfish niya na makita ako ng ibang lalaki sa ganitong swimsuit ang ipinuputok ng butsi niya, kung di ang pag-iingat niya na may gawin siya sa akin?

"Ehem!"

Mabilis akong napatingin sa tumikhim na si Westly. Si Jethro naman ay dahan-dahan lang na tumuwid sa kanyang pagtayo at saka siya humarap sa dumating kong pinsan.

Pasalit-salit ang tingin ni Westly sa amin ni Jethro na para bang inoobserbahan niya kami. Napayuko naman ako at saka ko lang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko, tanda na namumula na naman ang mukha ko. At dahil iyon sa mga sinabi ni Jethro na tila nag e-echo sa pandinig ko.

"Mag-aalas singko na. Matatapos na ang three hours natin. Magligpit na tayo." ani Westly.

"Tulungan na kitang iligpit ang mga tent." sabi naman ni Jethro.

"T-Tatawagin ko sila." sabi ko naman.

Nakatingin lang sa akin si Jethro, si Westly naman ay tumango at naglakad na papunta sa mga tent namin.

Pagtayo ko sa upuan ko ay 'tsaka lang inalis ni Jethro ang tingin niya sa akin at saka siya sumunod kay Westly na sinimulan ng iligpit ang mga tent na itinayo nila kanina.

Hinanap ko muna ang cover up ko at isinuot ito bago naman ako tumakbo papunta sa mga pinsan ko na nasa inflatable floating island pa rin.

Napakaganda ng sunset dito sa isla. Tila unti-unting kinakain ng payapa at malawak na dagat ang araw. Naging kahel ang kulay ng kaninang asul na kalangitan, parang nilalamon ng apoy ang alapaap.

Kanya-kanyang labas ng camera at picture ang lahat habang nasasaksihan namin ang paglubog ng araw.

"Tawagin mo si Jethro at Westly, bilis! Mag picture taking muna tayo." utos ni Prima kay Shawn. Kumaripas naman agad ito ng takbo para tawagin si Jethro at Westly.

"Look at that. I love sunset! I've witness sunset many times, but the feeling of the first time that I saw it was still in there." Timothy said. He's vlogging.

"Oh! Hi, EA."

Tumapat sa akin ang camera ni Timothy kaya ngumiti at kumaway ako rito.

Lumapit pa sa akin si Timothy at inakbayan ako.

"What can you say about this island?" tanong ni Timothy.

Tumaas ang kilay ko at nag-isip ng maayos na sagot. "I felt like I'm in paradise. I had so much fun and I'll definitely comeback here."

Sumingit sa camera si Lav at niyakap si Timothy. Hinila naman ako ni Ern at nagselfie kaming dalawa.

Pagdating ni Jethro at Westly ay pumuwesto kaming lahat dito sa seashore.

Katabi ko si Westly sa left side ko at sa right side naman si Jethro.

"Bilis na! Lulubog na ang araw." tila nagmamadali na sabi ni Lav.

Paulit-ulit na inaabot ng mahinang alon ang mga paa namin na nakatapak sa basang buhangin, parang inaaya ako ulit ng tubig na lumusong.

"Kuya, can you take us a picture?" panunuyo ni Ern sa isang lalaking nakaupo sa buhanginan.

"Sure."

Nagsimula na kaming magpose. First pose ay magkakaakbay kaming lahat. Sumunod naman ay jump shot and then the last one was a wacky pic. Nautusan din ni Timothy ang lalaking kumuha sa amin na ivideo kami na tumatalon din, ilalagay niya raw kasi iyon sa ipopost niyang bagong vlog entry at gagawin pa raw niyang thumbnail.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon