Kabanata 4
Girl's nightout----------------
"Akala ko walang hindi kayang gawin si Jethro Elizconde, meron din pala." tinaas-taas ko ang isa kong kilay habang nakangiti at inaasar ko si Jethro.
Bago kami umalis ng skating rink. Ilang beses siyang bumagsak habang tinuturuan ko siya.
Ngingiti-ngiti lang si Jethro habang inaasar ko siya.
"Nakakahiya 'yon, king Jethro. Ang ganda pa naman ng babaeng nasa likod mo kanina." sabi ko pa habang nakangiti siya at nagmamaneho.
"And so? Ikaw lang naman ang pinakamaganda para sa akin." aniya.
Bigla akong nawala sa pang-aasar sa kanya dahil sa linya niyang 'yon.
Paglipas ng ilang minutong byahe. Nakarating na rin kami sa bahay. Nagulat ako ng dalawang beses na bumusina si Jethro.
"O, bakit bumusina ka pa?" tanong ko.
Pwede naman kasi niyang ihinto nalang sa gilid ang kotse niya, kung ano ang usual na ginagawa niya.
"Wag ka muna bababa." ani Jethro.
Ibinaba niya ang bintana sa gilid niya ng lumabas ang isa sa mga katulong namin. Inilabas naman ni Jethro ang kanyang ulo.
"Manang, pabukas naman po ng pinto, ipapasok ko lang 'tong sasakyan."
"Huh?" namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Jethro.
"Bakit ipapasok mo pa ang kotse mo sa loob?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Tumaas naman ang sulok ng kanyang labi habang nakatingin siya sa harap. "Because I want to stay here tonight. Hindi naman ako bawal dito," lumingon siya sa akin ng nakangiti. "Diba?"
Pagpasok namin ni Jethro sa bahay ay wala na kaming naabutang gising.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Alas-nuebe na.
"Manang, nasaan po sina mama?" tanong ko.
"Ah, maagang natulog. Pinagalitan nga ng daddy mo kanina kasi ayaw pang matulog at gusto pang mag movie marathon kasama sina Luke at Eira, masama pa naman sa buntis ang nagpupuyat."
"Buntis?" gulat na tanong ni Jethro habang nakatingin siya sa akin.
"Yes, buntis si mama. Three weeks na."
"Wow! Magkakaroon na naman ako ng pamangkin. Feeling ko, habang dumadagdag ang pamangkin ko, tumatanda ako."
"Don't worry, you're just one year older than me." nginitian ko si Jethro at saka ako naglakad papunta sa living room. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.
"Ma'am maghanda po ako ng makakain niyo?"
Pagod akong naupo sa camelback sofa. "Ay, hindi na po manang, kumain na po kami ni Jethro sa labas. Uhm, manang malinis po ba 'yong guest room natin dyan?"
"Yes, ma'am malinis na malinis."
"Good. Dito raw kasi matutulog si Jethro. B-By the way...tulog na rin ba ang mga kapatid ko?"
"Hindi ko po alam kay sir Luke, pero si Eira kanina, nagpatid pa sa akin ng milk at sandwich habang nakatutok sa computer niya po.
Oh! For sure, hindi pa natutulog ang isang 'yon. Siguro nanonood ng kung anu-anong video 'yon o kaya naglalaro ng sims.
"Aakyat na ako sa taas, Jethro. Kung inaantok ka na. Umakyat ka na rin. Just go to the guest room." sabi ko habang abala si Jethro sa kapipindot ng cellphone niya.
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
Roman d'amourJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017