Kabanata 27

6.6K 151 18
                                    

Kabanata 27
Bohemian Party

-------------------

"EA, okay ka lang?"

Gulat akong napatingin kay Ern na nakakunot ang noo at nakatingin sa akin. He's using my computer while I'm packing. Nilalagay ko sa kulay lumot kong duffel bag ang mga gamit na dadalhin ko para sa overnight namin, sa resort na pagdarausan ng birthday party ni Prima.

"Narinig mo ba 'yong sinabi ko?" tanong na pa ni Ern sa akin.

Sa halip na sagutin siya ay hilaw ko lang siyang nginitian.

Hindi ko kasi talaga narinig ang mga sinasabi niya kanina. My mind is pre-occupied. Kanina ko pa iniisip kung paano ko sasabihin sa kanilang lahat na dahil sa pagpayag ko na tuluyan ng maging Pedrosa,nkaya nasa amin na ulit ang E.E Corporation ngayon.

Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanila, sa family ko lalo na kay Jethro.

But I won't tell it today, birthday ni Prima ngayon at ayokong mabahiran ng lungkot ang importanteng araw na 'to sa kanya, lalo na't pinaghandaan niya talaga ito.

"Alam mo ikaw, EA. Nawiwirduhan na naman ako sa'yo. Wala ka na naman kasi sa sarili mo. May problema ka ba, huh?" tanong pa ni Ern.

"W-Wala."

Tumaas ang isa niyang kilay at matama niya akong tinignan.

"Mamatay?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa mga gamit kong nailagay ko na sa bag ko. "Wag mo na lang akong pansinin, okay? Wala 'to."

"LQ yata kayo ni Jet, eh? Tama ako no?"

"Hindi, huh. We're okay."

"Eh, bakit ka nga lutang? Nagkukwento ako rito, tapos 'yang utak mo naglalakbay sa kung saan, saan na nga ba nakarating 'yan?"

Sasagot sana ako nh may biglang kumatok.

Pareho kaming napalingon sa pinto ni Ern.

"Bukas 'yan!" bulalas ko.

Bahagyang bumukas ang pinto at dumungaw ang ulo ni Jethro.

He flashed a smile at me. "Are you done packing? We'll be leaving soon." aniya.

Nginitian ko rin siya. "Yes. I'm done."

"Let's go then."

Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kwarto ko at kinuha niya ang duffel bag ko.

Kinalabit ko naman si Ern na nahagip ng mga mata ko na may kung sino na namang iniistalk na lalaki sa facebook. "Uy, Ern patayin mo na 'yang computer."

"Dalhin ko na sa kotse 'to, sunod na kayo." sabi naman ni Jethro na nauna ng lumabas ng kwarto ko.

Sa sasakyan ni Jethro kami sumakay ni Ern at pinauna na lang namin sina daddy sa resort. Sinundo pa kasi namin si Loraine na naimbitahan din ni Prima.

Sa backseat ay nakikipag video call si Ern kay Prima na naroon na sa resort at naghihintay, nauna na kasi sila doon nina Westly, Easton, tita Slyvia at tito Miguel. Kanina pa silang umaga.

"Papunta na nga kami. Bakit nandyan na ba sila, Lav?" dinig kong tanong ni Ern sa kausap na si Prima.

"Wala pa, pero malapit na raw sila."

"Wag ka nga kasing mataranta dyan. Alas-sais ang party mo, alas-quatro pa lang, day."

"Syempre, gusto ko okay na ang lahat before six. Ay teka! Nandito na sila, Lav. Mamaya na lang ulit."

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon