Kabanata 34
House Party------------------
"EA, mas bagay sa'yo 'to. What do you think, tita?"
Ipinakita ni Penelope sa amin ni tita Nadia ang gown na napili niya sa catalog na dala ng fashion designer na nagpunta rito kanina at sinukatan ako para sa gown na mapipili ko, sa magaganap kong party this january eighteen.
Kung ako ang papipiliin ay gusto ko lang sana ng simpleng celebration, pero ang sabi ni lolo Armando ay gusto niya raw kasi akong ipakilala sa lahat. Lalo na sa mga taong nakilala ako bilang Elizconde, noon. Kaya hindi na lang ako tumanggi, hinayaan ko na lang silang magplano.
"Hmm...maganda rin. May napili ka na ba, EA?" Tanong naman sa akin ni tita Nadia.
May nakita na akong gown kanina pero hindi naman ako ganoon kainteresante rito. Wala akong gana na mamili ng isusuot ko.
"Opo. 'Yong trumpet gown po sana na aegean ang kulay. Halter po 'yong neckline. " Pagdedescribe ko rito.
"Huh? teka parang nakita ko 'yon."
Hinanap ni Penelope sa catalog ang sinasabi kong gown. "Ito ba 'yon?"
Muli niyang ipinakita sa amin ang catalog habang itinuturo niya ang gown na sinasabi ko.
"Ayan nga."
"Hmm...maganda nga. Nice choice."
Nahawa na yata ako kay Ern. Pagdating sa fashion ay magaling talaga ang pinsan kong 'yon na gagraduate na ngayong taon bilang fashion designer at malaki ang tiwala ko sa kanyang magiging kilalang fashion designer siya balang araw.
Siguro kong kasama ko si Ern ngayon ay baka siya ang katulong ko na mamili ng isusuot ko, tapos makikita ko sa mukha niya na mas excited pa siya sa akin. Then there's Lav na kokontra kapag nakita niyang masyadong daring ang mapipili ni Ern, tapos si Prima naman 'yong pupuriin ka ng pupuriin, pero ang totoo, mas maganda 'yong suot niya sa'yo at mas maganda pa siya sa'yo.
"Ladies, hindi pa ba kayo tapos dyan?"
Dumating si papa na mula sa kusina, may hawak siyang cheese roll bread.
"I guess we're done now. Nakapili na si EA ng isusuot niya, eh." ani tita Nadia.
Pabagsak na naupo sa tabi ko si papa at inilapit niya sa bibig ko ang hawak niyang pagkain.
"Honey, tikman mo. I made it." nakangiti niyang sabi.
Biglang nanubig ang bagang ko sa cheese roll bread kaya kumagat agad ako ng maliit dito at saka ko ito nginuya ng dahan-dahan, para mas malasahan ko.
"Uhm...It's good. It's mushy and creamy. I love it!." Nag-thumbs up ako habang nakangiti kay papa.
"Well, I guess it's ready to serve now." tumayo naman siya sa upuan at muling naglakad pabalik sa kusina.
Mag-aapat na araw na akong narito sa bahay ni papa. Kahit na gabi ko lang siya madalas makasama noong week days, mas gugustuhin ko pang dito tumira, I'm still not allowed to use any gadget but at least, I can't feel heavy presence in here anymore. Iyong pakiramdam na parang pasan-pasan ko ang daigdig at wala na akong pag-asa.
Pagkatapos naming makapili nila tita Nadia at Penelope ng isusuot ko ay tinawagan at kinausap na ni tita ang fashion designer na nagpunta rito kanina, pero umuwi agad kasi dinala lang naman niya 'yong mga catalog niya ng mga gowns na siya mismo ang nag design. May sarili pa nga siyang shop na siya rin mismo ang nagha-handle.
"EA, do you wanna come with us later?" tanong sa akin ni Penelope nang iwan kami ni tita Nadia. Nasa veranda kasi siya ngayon at abala sa pakikipag-usap mula sa kanyang telepono.
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017