Kabanata 11

6.7K 164 16
                                    

Kabanata 11
Appreciation

----------------

Sa labas ng room namin ay hinintay namin dito ang boys.

"Tagal naman ng mga 'yon." reklamo ni Ern habang nakahalukipkip siya.

"Alam niyo, parang ayoko pang umuwi bukas. Kasi naman ang bilis diba? Kakarating lang natin ngayon tapos, uuwi tayo agad kinabukasan. Sobrang bitin." sabi pa ni Ern.

Tumaas naman ang kilay ni Lav. "Okay lang kasi sa'yo na magtagal dito, pero paano naman kami? We still have a lot of time to catch up, para matapos ang internship namin. Maybe after graduation na lang ako babawi. Bumalik na lang tayo ulit dito."

"Para naman maging sulit ang pagpunta natin dito, planuhin na natin ang mga gagawin natin." suggestion naman ni Loraine.

Simula kanina ay never ko pa yatang nakita na nag-usap si Loraine at Jethro, hindi ko rin sila nakitang nagkatabi. Ilap silang dalawa sa isat-isa at halatang-halata iyon because the last time we've been together, they are so clingy.

Hindi ko naman pinagbawalan si Jethro kay Loraine, pero marunong makiramdam si Jethro, nagkukusa siya. Inaalala niya ang nararamdaman ko. Kahit pa panatag ako na ako lang ang mahal niya, for sure makakaramdam pa rin ako ng kaunting selos kapag nakita ko na magkasama sila ni Loraine.

"Hmm...siguro after natin kumain, mag island hopping na tayo." ani Ern na nakahalukipkip ang isang kamay, nakatukod naman ang siko niya sa kanyang braso at ang kanyang daliri ay nasa kanyang baba. "Gusto ko mapuntahan 'yong virgin island. Paalala lang," isa-isa niya kaming tinignan habang nakangisi. "Para lang sa mga virgin 'yon." itinaas baba niya pa ang kanyang kilay.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Lav na animo hindi nakuha ang humor sa sinabi niya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" mataray pa nitong tanong kay Ern.

Tumawa si Ern. "Wala lang. Pinaaalalahanan ko lang kayo."

"Hoy, Ernesto. I'm still virgin!" bulalas ni Lav.

Naitakip ko naman ang palad ko sa bibig ko para pigilan ang pagtawa.

Hindi nga talaga nakuha ni Lav ang biro ni Ern.

"Oo alam ko naman. Kaya nga suot pa ni Adam ang virginity ring niya, diba?"

Adam? Bakit ba kino-connect pa rin ni Ern ang pangalan ni Lav sa lalaking 'yon?

Hinubad ni Lav ang suot niyang sumblero at hinampas ito kay Ern.

Nakakalokong tinawanan naman siya ni Ern at saka ito nagtago sa likuran ko.

"Ikaw naman, Lavender. Hindi ka na mabiro."

"Tse!"

"Gaga ka kasi." natatawang sabi naman ni Prima kay Ern.

Ilang saglit pa ay natanaw na namin sina Jethro na papunta rito. Parang nag slow-mo sila sa paningin ko habang naglalakad. Nakatopless silang lahat, pero sa paningin ko ay nangingibabaw si Jethro.

Nag zoom-in ang paningin ko sa kanya, naka baseball cap siya na bagay na bagay sa kanya, nakaakbay pa siya kay Easton pero nakatingin siya sa akin at kagat niya ang kanyang ibabang labi habang pinapasadahan niya ako ng tingin.

He's wearing a black board shorts, medyo nakababa iyon sa waist niya kaya kitang-kita ang kanyang v-line, umakyat ang tingin ko sa kanyang six pack abs, pataas sa kanyang matipunong dibdib at malapad na balikat.

Napapalunok na lang ako habang nakatingin kay Jethro.

Sa kabilang banda ay napatingin naman ako kay Easton na panay ang tawa habang kausap si Tommy, luto sa araw ang kulay ni Easton, pero pantay na pantay ang kulay niya na bumagay sa kanya, pareho silang may dimples ni Westly, pero mas malalim ang biloy ni West, mas madalas ngalang makita ang dimples ni Easton dahil masayahin talaga siya, di tulad ni Westly na mukhang laging seryoso.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon