Kabanata 48
Invitation---------------------
"Okay lang din kung iimbitahan mo si Jethro. Gusto ko na sa araw ng kasal niyo ni Francis ay magkabati-bati na tayo, mawala na ang hidwaan sa puso ng lahat." dagdag pa ni lolo Armando.
Napataas naman ang isa kong kilay sa sinabi niya.
Siya lang naman ang gumagawa ng hidwaan sa pagitan ng isat-isa. Isa siyang malupit at tusong tao na kayang gumawa ng gyera mula sa mga nakasisindak na salita mula sa bibig niya.
Kahit na labag sa kalooban ko ang mga sinasabi ni lolo ay naging pipi na naman ako sa harap niya at tanging tango lang ang naging tugon ko. Nagsasawa na talaga akong tumutol sa kanya, halos lahat naman kasi ng plano niya salungat sa gusto ko at kahit na anong gawin ko, hindi ako mananalo. Tila ikinulong na niya ang buhay ko sa paghahari niya.
"Dapat tumutol ka." ani Adam na nakapangalumbaba sa mesa.
Narito kami ngayon sa patio at magkaharapan ang upuan naming dalawa habang hinihintay ko si Kiko.
"Kapag tumutol ako, hahaba lang ang usapan at sa huli. Ang gusto niya pa rin ang masusunod kaya mabuting manahimik na lang."
"Psh! Kaya mo bang maglakad sa gitna ng simbahan at makita si Jethro na nakaupo lang sa isang tabi at wala sa harap ng altar para salubungin ka?"
Napalunok ako at tila may kung anong kumurot sa puso ko.
"Hindi. Kaya nga sana...wag na lang siyang pumunta."
Tumaas ang sulok ng labi ni Adam. "Obviously, nang-aasar 'yon si lolo. Ano ng plano mo ngayon?
Nagkibit balikat ako. "Bahala na."
"Ma'am, EA."
Napalingon kaming pareho ni Adam sa katulong na papalapit sa amin.
"Nandito na po si sir Francis."
Pagkasabi nito ng pangalan ni Kiko ay nakita ko na nga itong naglalakad papunta sa kinaroroonan namin ni Adam.
Ngayon ang itinakdang araw ng pamimigay ko ng wedding invitation para sa mga Elizconde at gustong sumama nitong si Kiko. Mukhang naniniguradong walang planong magaganap sa pagitan ko at ng itinuturing kong pangalawang pamilya.
Ang una naming pinuntahan ni Kiko ay ang bahay nila Ern na siyang pinakamalapit sa lahat. Nang makita ako ni Ern ay halatang nagulat siya lalo na nang ibigay ko sa kanya ang invitation card ko para sa kanila ni tito at tita. Wala si tito ngayon, nasa law firm daw ito kaya si Ern at tita Ebony lang ang naabutan namin sa bahay.
"Ano ba 'tong plano mo, EA?" Bulong ni Ern ng bahagya niyang ihilig ang kanyang ulo sa balikat ko.
Magkatabi kaming dalawa sa sofa at si Kiko naman ay nakaupo sa single sofa at kausap si tita Ebony.
"This isn't my plan. Si lolo Armando ang may gusto nito." Mahina kong tugon sa kay Ern.
Tumaas ang isang kilay ng pinsan ko. "Bakit ka naman pumayag?"
"Because I have no choice. Okay lang naman kung hindi kayo pupunta. Mas maganda nga iyon. Halos lahat yata kayo, kasama sa entourage, maliban kay Jethro."
Nilingon ko si Kiko. Magkausap pa rin sila ni tita Ebony kaya bumalik ang atensyon ko kay Ern.
"Gusto ko na wag kayong pumuntang lahat, gusto ko na maging magulo ang kasal namin ni Kiko." Bulong ko kay Ern.
Umangat ng bahagya ang isang sulok ng kanyang labi. "Do you think, effective 'yan para hindi matuloy ang kasal?"
"I don't know. Basta gusto kong maging magulo ang kasal."

BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017