Kabanata 10
Weekend destination----------------
Alas-tres pa lang ng umaga ay gising na ako para maghanda sa pag-alis namin papuntang bantayan island. Nag-decide kami na magcommute hanggang sa hagnaya port, pagbaba kasi namin ng ferry ay may magsusundo sa amin na shuttle papunta sa resort kung saan mag che-check in.
"Ma'am, kain po muna kayo." alok sa akin ng katulong namin na gumising sa akin kanina.
Tulog pa sina mommy dahil wala naman silang mga pasok ngayon.
"Paki timpla na lang po ako ng coffee, yaya." utos ko sa kanya habang itinatali ko ang sintas ng black sneakers shoes ko.
Thirty-minutes before five o'clock ng dumating si Jethro sa bahay namin. Hindi naman kami nagtagal dito sa bahay dahil naghihintay ang taxi sa labas na sinakyan ni Jethro papunta rito.
Pagsakay namin ni Jethro sa taxi ay nagpahatid kami sa cebu north bus terminal dahil doon kami magkikita-kita ng mga pinsan ko.
Mga labing limang minuto lang ang byahe namin ng makarating kami sa terminal.
Sa bungad pa lang ay natanaw na namin sina Westly, Easton at Prima na nakatayo sa isang tabi. Kasama na rin nila si Tommy, Ern at ang isang matangkad na lalaking katabi ni Prima. Nakita ko na ito sa picture at sa pagkakatanda ko ay ito ang boyfriend ni Prima na si Shawn Quimson.
Habang papalapit kami sa mga pinsan ko ay nakangiting kumakaway sa amin si Easton habang tinatawag niya kami ni Jethro. Napapatingin tuloy sa amin ang ilang mga naghihintay din na byahero.
Nang makalapit kami sa kanila ay agad akong niyakap ni Ern at Prima, nakipagbeso-beso pa ako sa kanila. Si Jethro naman ay nakipag highfive at chess bump kay Tommy, sa kambal at sa boyfriend ni Prima.
Dahil hindi pa talaga kami personal na nagkakakilala ni Shawn ay ipinakilala ako sa kanya ni Prima.
Habang nakikipagkamay ako kay Shawn ay naramdaman ko naman ang pag-akbay sa akin ni Jethro.
Alas-singko pasado na nang dumating si Lav, Timothy at Loraine dito sa terminal. Nagulat pa nga ako dahil hindi ko inaasahang kasama pala namin si Loraine.
Sumakay kami sa dilaw na bus na may nakapaskil na maliit na Hagnaya sign board sa salamin nito.
Magkatabi kami ni Jethro sa upuan na pang tatluhan. Ako sa bintana, si Jethro sa gitna at si Tommy sa tabi ni Jethro. Sa likod namin ay si Prima, Shawn at Westly ang naroon at sa unahan naman ng inuupuan namin ay naroon si Ern, Lav at Loraine. Nasa tapat naman mismo ng inuupuan namin ang dalawahang upuan kung saan nakaupo sa bungad si Timothy at panay ang daldal sa kanyang camera, sa tabi ng bintana naman si Easton.
Nagsisimula pa lang ang byahe ay nilalantakan na ni Tommy, Easton at Timothy ang mga baon naming chichirya.
"Timothy, I thought you're a health concious? Bakit ka kumakain niyan?" dinig kong tanong ni Westly.
Ngumisi si Timothy. "Not anymore." sabay subo niya ng ilang pirasong chips sa bibig niya, "Wants some?" alok niya pa kay Westly habang ngumunguya, tumanggi naman si Westly.
Labing limang minuto ang nakalipas ay napahikab ako. Nakakaantok ang aircon na sa akin mismo nakatapat.
Nilingon ko si Jethro na nakapasak ang earphone sa kanyang tenga at Pikit mata, si Tommy naman ay may kung anong pinanonood sa cellphone niya dahil panay ang ngisi. Sinilip ko rin si Timothy at Easton, nagkukwentuhan at tawanan ang dalawa habang panay ang kain. Maingay silang dalawa, nangingibabaw ang kanilang kwentuhan habang nag iingles.
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017