Kabanata 7
How's the meeting?----------------
Mabilis akong bumalik sa pwesto ko kanina, pagkakita ko sa lalaking naglalakad palapit sa akin. Hindi muna ako umupo, hinintay ko siyang makalapit sa akin.
Sa tindig at lakad niya, para siyang action star. Naka-leather jacket siya na kulay itim at naka-tuck in sa pantalon nito ang laylayan ng kanyang polo shirt na pinapatungan ng leather jacket na suot niya, kumikinang ang belt niya na ginto ang kulay ng lock.
Sa tantya ko ay nasa thirties o forties itong si Eliseo, may balbas siya na hindi naman masyadong mahaba, nakapalibot ito mula sa patilya niya hanggang sa kanyang baba, gumagapang na nga ang balbas niya sa kanyang panga, papunta sa kanyang leeg. May balbas siya, pero wala siyang bigote.
"G-Good Morning po! Ako po pala si EA, Elizconde." magalang kong bati sa kanya.
"Have a sit." alok naman nito sa akin.
Magkasabay lang kaming naupo ni Mr. Romualdez. Naupo ako sa puti at mahabang sofa, siya naman single sofa.
"Last week mo pa raw ako hinahanap?" aniya ng itukod niya ang kanyang siko sa arm rest ng sofa at hinagod-hagod ng kanyang mga daliri ang balbas niya sa kanyang baba.
"O-Opo. May gusto po kasi akong itanong sa inyo."
"By the way," matama niya akong tinitigan. "Parang...nakita na kita."
"Po?" hilaw ko siyang nginitian. "Baka po kamukha ko lang kasi...ngayon ko pa lang naman po kayo nakita."
"Ako kasi 'yong tipo ng tao na sa unang tingin pa lang, matatandaan ko na ang mukha mo. Lalo na kung kasing ganda mo."
Nag-init ang pisngi ko sa papuri niya.
"Pero baka nga kamukha mo lang 'yong babaeng nakita ko sa LIV club last saturday."
LIV? Baka ako nga talaga 'yon? Hindi kaya biktima siya ng kakulitan ko ng gabing 'yon? Hindi ko naman kasi matandaan ang ibang nangyari ng gabing iyon.
"Ah...ako nga po yata iyon. Nagpunta nga po ako sa LIV club last saturday and I get drunk. M-May nagawa po ba ako sa inyong hindi maganda? Sorry po kasi...lasing na ako 'non."
He giggled. "Hindi. Nagkabungguan lang tayo. Kung may naaalala kang nabunggo mo na naka-cowboy hat. Ako 'yon."
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa sinabi nito. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"Hmm...hindi ko po maalala, eh."
"Okay lang. So, ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, Ms. EA?" tanong niya habang may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi. Ipinag-cross niya rin ang kanyang mga hita at saka siya sumandal sa kinauupuan niya.
Huminga naman ako ng malalim bago ako nagsimulang magsalita.
"Nandito po ako dahil gusto ko po sanang malaman kung ano ang kaugnayan niyo kay Cybel Gomez?"
Namilog ang mga mata ni Eliseo sa tanong ko, bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng marinig niya ang pangalan ni mama Cybel."Why did you know her?" mariin niyang tanong sa akin. Nawala ang mga ngiti sa kanyang labi. Seryosong-seryoso na ang kanyang mukha.
"I'm...I'm her daughter and I'm looking for my dad."
Mapanuya siyang tumawa. "Daughter? Seriously?" Pero agad din bumalik ang seryoso niyang mukha at binato niya ako ng matalim na tingin. "Dad?"
Umigting ang mga panga ni Mr. Romualdez at kumuyom ang kanyang mga palad. "May anak na siya? May anak na si Cybel?"
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017