Kabanata 2
Madly inlove---------------
"Stop staring me like that!" pang-aawat ko kay Jethro.
Hindi ako makakain ng maayos dahil sa ginagawa niyang paninitig sa akin. There's something on his stares that making me feel uncomfortable.
"I'm pretty sure you miss the food in here and if I remember, this is your favorite cafe, right?"
"You're right." tipid kong sagot.
"How bout the warm brownie cup? Would you like to taste it again?"
Biglang nanubig ang mga bagang ko ng banggitin ni Jethro ang warm brownie ng La Marea pastry shop na katabi lang nitong mooon cafe.
God! Sabi ko nga pala sa sarili ko, pagbalik ko rito kakain ako agad ng warm brownie ng La Marea.
"Kapag naubos mo na 'yan. Ililibre naman kita sa La Marea." ani Jethro.
Para akong batang naexcite sa sinabi niya kaya mabilis kong inubos ang kinakain ko.
Ako dapat ang magbabayad ng kinain ko at ni Timothy pero handang-handa si Jethro ngayon. Nakita ko sa wallet niya na marami siyang cash doon. Hindi katulad noon na parating naka-credit card.
Hindi na ako tumanggi ng ayain niya na akong lumabas. Iminuwestra niya pa sa akin ang braso niya at umangkla naman ako roon.
Sa table na nasa labas, dito sa tapat ng La Marea kami kumain ni Jethro. Umuusok pa ang warm brownie cup ko ng salukin ko ito ng kutsaritang hawak ko. Pagkasubo ko nito ay napapikit ako sa naghahalong init ng brownie na nakapatong sa malamig na ice cream.
Sweet jesus!
"This is so delicious!"
Pagdilat ko ay nakatingin lang sa akin si Jethro at nakangiti.
Napanguso naman ako at nakaramdam ng pagkahiya sa kanya dahil sa tila exaggerated kong expression.
"Bakit hindi mo pa binabawasan ang sa'yo?" tanong ko sa kanya.
"Because just by looking at you. I can already taste how sweet it is."
"Huh?"
Umangat ang sulok ng kanyang labi at kinakagat niya ang lower lip niya.
"You have a very sweet smile, Emilia. And staring on your lips makes me want to taste it."
Napalunok ako sa sinabi niya. Nag-init ang pisngi ko at bumilis ang pintig ng puso ko. Muli akong nagsubo ng warm brownie para humupa ang tila nagwawala kong sistema.
"So, kamusta ang pinuntahan niyo ni Timothy kanina? Nakausap mo 'yong lalaki?"
Naikwento ko kasi kay Jethro ang tungkol sa kaibigan ni mama Cybel na si Eliseo.
"Not yet."
"Why? Hindi niyo ba nahana 'yong bahay niya?"
"Nakita namin. Ang kaso, wala siya sa bahay niya kanina, nasa vacation daw."
"Eh, di...kailan pa siya makakabalik? Ako na lang ang sasama sa'yo pagbalik mo."
"Hindi. Wag na. Ako na lang."
"You sure?"
"Of course. I can handle it. Don't worry."
"And...what about, Darvis? Have you talked to him? Ang sabi sa akin ni Lav, babalik na raw siya sa london."
"Yes. Nagkausap kami kanina bago siya umalis."
"And you two are over?"
Dahan-dahan akong tumango na para bang ang bigat ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017