Kabanata 5

7.2K 170 16
                                    

Kabanata 5
Girlfriend

----------------

"EA, naman! Next time na magdidate kayo ni Jethro, iwas-iwasan niyo ang pagiging clingy, umakto kayo ng naaayon sa kung ano ang alam ng mga tao sa inyo." panenermon ni Lav sa akin habang nasa restroom kami ng pangatlong bar na pinuntahan namin.

Nakaharap kami pareho sa salamin na nasa tapat ng sink at walang ibang tao rito.

"Ang ibig sabihin? Hindi ka tutol sa amin ni Jethro kahit na gusto mo si Loraine para sa kanya?" tanong ko sa pinsan ko habang ipinupungay ko ang mga mata ko sa kanya, bumibigat na kasi ang mga mata ko, ngumuso pa nga ako sa kanya.

Lav, rolled her eyes. "Ano pa bang magagawa ko, diba? Kilala ko si Jethro. Hindi ko naman 'yan mapipilit, kahit anong tulak ko kay Loraine para sa kanya. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin niya."

Nginitian ko si Lav at inakbayan at saka ko hinilig ang ulo ko sa balikat niya.

"I love you, cous."

Marami-rami na akong naiinom, ang init na ng pakiramdam ko at parang umaalon na sa paningin ko si Lav. I'm drunk.

"Basta, pinapaalala ko sa'yo. Kung lalabas kayo ni Jethro, don't be too clingy. What if everyone will find out that there's something going on between the two of you? Mas mahirap ang haharapin niyo. Mas maraming huhusga sa inyo. Nandito man kami at handa kayong ipagtanggol sa kanila, hindi naman namin maipapangako kung hanggang saan namin kayo kayang suportahan dyan sa nararamdaman niyo para sa isat-isa. EA, ikaw ang mas may control sa inyo ni Jethro."

Tumango-tango ako. "Thank you, Lav. I'm glad that you've changed, that you've finally accepted us."

Niyakap ko si Lav at pinugpog ko siya ng halik sa pisngi.

"Emilia Azalea!" natatawa niya namang saway sa akin habang nakaliyad na siya sa sink at iniiwas ang mukha niya sa akin.

Pagbalik namin sa mga kasama namin ay naabutan namin si Prima na may kausap sa cellphone niya.

"Hindi nga pwedeng sabihin!" bulalas ng pinsan ko. "Let's talk later, okay? I love you, kuya!"

"Who's that? Si silangan o si kanluran?" nakangisi kong tanong.

"Si Silangan. Tinatanong kung nasaan raw tayo."

Tumaas ang kilay ni Lav. "Aba, concerned sa'yo?"

Nagkibit balikat naman si Prima.

"Bahala siya, baka may kailangan lang 'yon. Hinahanap lang ako 'non kapag may kailangan siya. Tara! Sayaw na lang tayo."

Hindi naman kami tumanggi ni Lav kay Prima.

"Oh, I'll be your daydream, I'll wear your favorite things
We could be beautiful"

Crowded masyado ang dance floor ng bar and club na kinaroroonan namin. Hindi ako gaanong makagalaw dahil siksikan.

" Deep in my bones, I can feel you
Take me back to a time only we knew
Hideaway"

"Woah!" Hiyaw ng marami.

Mas lalong nagwala ang mga tao rito sa dance floor ng mas lumikot ang beat ng tugtog.

Dahil medyo out of control ang mga nasa dance floor. Ang iba sa kanila ay nanunulak na, muntik na nga ako masubsob ng maitulak mula sa likuran ko, mabuti at nahawakan ako ni Lav.

Naramdaman na rin ng mga kasama ko na nagkakasiksikan at tulakan na rito sa dance floor kaya napagkasunduan naming umalis na rito at lumipat sa isang club sa may City Time Square.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon