Kabanata 33

6.2K 171 17
                                    

Kabanata 33
Capilla

---------------------

White a-line dress na may sleeve ang isinuot ko. Ito ang iniregalo sa akin ni tita Nadia. Wala na akong ibang dress na maisuot kaya eto na lang ang isinuot ko, marami pa akong damit sa bahay namin dahil ang akala ko ay pwede ko pang balikan ang mga 'yon, umasa kasi akong mapapakiusapan ko pa si lolo Armando na payagan akong bumisita sa dati kong pamilya, kahit kailan ko man gustuhin, kaya lang ay mukhang wala ng pag-asa pa na mangyayari 'yon.

Ipinares ko sa white dress ko ang puti kong flat shoes. Pagkatapos kong maisuot ang sapatos ko ay naupo ako sa harap ng salamin at nagsimula namang maglagay ng kaunting make-up.

"EA?" pagtawag sa akin ni tita Nadia na kumatok din ng ilang beses sa pinto.

"Pasok po, tita."

Abala ako sa paglalagay ng foundation sa mukha ko pero narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Maybe you needed help. Oh! You're you're wearing it." ani tita Nadia.

Nilingon ko siya at nginitian. "Aalis na po ba?"

"Hindi pa naman."

Napangiti ako nang makita ko ang reflection ni tita Nadia sa salamin. She's at my back at banayad niyang sinusuklay ang buhok ko. Tita Nadia is a very sophisticated woman and she looks younger than her age.

"Kulot ka pala, noh?" Tanong niya.

"Opo. Nagparebond po ako before, kaya lang ay masyado yata akong kulot kaya bumabalik na naman siya."

"I met your mom before, if I remember...she also had a curly hair."

"Opo. Sa kanya ko nga po namana ang pagiging kulot ko."

"Pareho kayo ni Ethan. Kulot din kasi 'yon noon. Kasi 'yong side ni ate Roselle, kulot din. Mukhang attracted ang mga Pedrosa sa mga babaeng kulot." ani tita. "Pero bakit 'yong mga dati kong boyfriend...hindi naman sila kulot?"

Napangiti ako at napakibit balikat sa tanong ni tita Nadia. 

"Can I braid your hair. Ang kapal kasi ng buhok mo, parang bagay na i-crown braid."

"Marunong ka po?"

"Yup. Si Penelope, madalas ko i-braid ang buhok 'non. Kaso nagsawa na yata kaya ayaw na ngayon."

Pagkatapos tirintasin ni tita ang buhok ko ay lumabas na kami ng silid ko. 

Pagbaba namin ay naroon na si Adam, Ethan, Gabriel at tito Maverick. Si tito Maverick ay may kausap sa cellphone niya, nakapamaywang ang isa niyang kamay at naroon siya sa tapat ng nakabukas na front door. 

"Kayo talagang mga babae, ang babagal niyong magsikilos." ani Adam sa amin ni tita Nadia, habang nakaupo siya sa gilid. Nakatukod ang isa niyang siko sa ibabaw ng maliit na round table, nakapangalumbaba siya, nakaekis ang kanyang mga palad at bakas sa mukha niyang naiinip na siya.

"Kahit sabihin namin sa'yo 'yon, hindi mo pa rin maiintindihan because you're not a girl." sagot ni tita Nadia.

"Psh!" Nirolyohan naman kami ni Adam ng kanyang mga mata.

"Bakit hindi na lang natin pansinin kung gaano kaganda si tita Nadia at EA ngayon." ani Ethan na nakangiti at nagpapasalit-salit ang tingin sa amin ni tita Nadia. 

"Bagay sa'yo ang suot mo, EA." ani Gabriel.

"That's my christmas present to her." proud na sabi naman ni tita Nadia.

"Looks like it was really made for her." anas ni Ethan.

Umiinit ang pisngi ko sa mga papuri sa akin ng mga pinsan ko, siguradong namumula na naman ako.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon