Kabanata 29

6.1K 141 9
                                    

Kabanata 29
Pedrosa family

-----------------

Abala ako sa pag-eempake ng mga gamit ko nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Bukas 'yan!"

Dahan-dahang bumukas ang pinto at napangiti ako ng pumasok si mommy.

Hindi pa pala siya umaalis.

Ang lungkot-lungkot ng mukha ni mommy habang naglalakad siya palapit sa akin.

Dumako ang tingin ko sa kanyang tyan na mas umuumbok na ngayon. Sana kahit na tumira na ako sa mga Pedrosa, magkaroon pa ako ng pagkakataon na makasama at makilala ang bunso kong kapatid.

Paglapit ni mommy sa akin, naupo siya sa tabi ko, rito sa dulo ng kama.

"Alam na ba ng mga pinsan mo 'tong desisyon mo?"

Umiling ako. "Ayoko na munang ipaalam sa kanila. Kasi hindi ko alam kung maiintindihan nila ako."

"Pero paano kung malaman nila sa iba? Mas lalong hindi nila maiintindihan, EA."

"Kayo pa lang naman at si Jethro ang pinagsabihan ko. Hindi naman siguro nila mababalitaan 'yon sa ibang tao.

"Pero, EA. Sabihin mo na sa kanila habang maaga pa. Subukan mo, maintindihan ka man nila o hindi, at least nasabi mo."

"Natatakot ako, My. Alam ko na hindi lahat sila, mauunawaan ako."

Hinaplos ni mommy ang pisngi ko at nakita ko ang panginginig ng baba niya, her lips are also trembling at ang ilalim ng kanyang mga mata ay nagsisimulang manubig.

"Malalayo ka na naman sa amin, bakit ba lagi ka na lang nilalayo ng tadhana sa amin?"

Kinuha ko ang isang kamay ni mommy at bahagyang pinisil ang kanyang palad.
"My, alagaan mong mabuti si baby, huh? Excited na akong makita siya, kapag feeling mo manganganak ka na. Tawagan mo ako at pupunta agad ako agad dito."

Ngumiti si mommy at tinanguan ako.  "Ikaw din, wag mong pababayaan ang sarili mo. Kapag namimiss mo kami, tumawag ka o kaya...pumunta ka rito. You're always welcome in here, sweetheart."

After lunch ay nagtungo na si mommy sa ospital, tinawagan kasi siya at kailangang-kailangan daw siya. Tumawag din si Eira na hindi raw siya makakauwi ng maaga, mamayang hapon pa raw siya uuwi dahil may dance practice sila para sa performance nila sa christmas partY nila sa friday.

Bago dumating si papa rito sa bahay ay dumating naman si Jethro at siya ang nagbaba ng mga maleta ko.

"Hindi ka ba hahanapin ng boss mo? Tumakas ka na naman, eh." Sabi ko kay Jethro habang narito kami sa sala at nakaupo sa mahabang sofa.

"Wag mong intindihin 'yon. Gusto kong makasama ka, bago ka umalis dito. At saka, natatakot eh, natatakot ako na baka palayuin ka ng mga Pedrosa sa amin, katulad ng mga binibilin sa atin nila kuya Jaime. Baka next time, suntok na suntok na sa buwan bago kita ulit makasama."

Alam ni Jethro ang lahat dahil sa kanya ko lang naman sinabi ang totoo. Kaya alam ko na hindi lang lungkot ang nararamdaman niya ngayon. Natatakot din siya.

"Bibisita ako sa bahay niyo." Dagdag niya pa at saka niya ako niyakap ng mahigpit at hinalikan niya ang balikat ko. 

"Kaya mong bumalik sa bahay ng mga Pedrosa?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Tumigil naman siya sa paghalik sa balikat ko at nag-angat ng tingin.

"There's nothing that I can't do for you, Emilia." Seryoso niyang sagot. Lihim namang natuwa ang puso ko.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon