Kabanata 24
Utang---------------------
"I'm sorry. Hindi ko napigilan ang sarili ko." ani Jethro habang hinihila ko siya palabas sa bahay ng mga Pedrosa.
"Don't say sorry, what you did is right."
Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa sinabi ni Armando Pedrosa. Ang baba ng tingin niya sa mga Elizconde, akala niya dahil sa nangyaring sunog, isusuko na namin na nila daddy ang kumpanya.
Kung wala lang talaga akong respeto sa kanya at nagpigil ako kanina ng galit. Malamamg ay nasagot ko na rin siya at mas ikagagalit pa ni Armando Pedrosa ang sasabihin ko.
Kaya lang, inisip koa si mommy at daddy eh. Ayoko na isipin ni Armando na hindi maganda ang pagpapalaki sa akin ng parents ko dahil wala akong respeto.
Ang kaso, nakapagpigil nga ako pero hindi si Jethro. Kitang-kita ko sa mukha niya ang galit kanina habang sinasagot niya si Armando Pedrosa, punong-puno ng tapang ang kanyang mga mata na tatagos sa'yong kaluluwa.
"EA, sandali!" sigaw ni papa.
Huminto ako sa paghila kay Jethro at nilingon ko siya.
"What?"
Hindi ako galit kay papa. Galit ako kay Armando. Siya na yata ang pinaka-nakakabwisit na taong nakilala ko.
"Pasensya na kayo kay papa. Jethro, pasensya na talaga." bakas sa mukha ni papa na sincered siya sa panghihingi ng tawad. I can see it in his eyes, puno iyon ng pagsusumamo.
Tumango ako kay papa as a sign of apology accepted.
"We have to go now." paalam ko.
Pagpasok namin ni Jethro sa sasakyan niya ay napasandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata, kasunod ng malalim na pagbuntong-hininga.
Naramdaman ko naman ang pagbuhay ni Jethro sa makina ng kanyang sasakyan at saka ito pinaandar.
While we're on our way back. Tahimik kaming pareho, nahuhuli ko pa nga si Jethro na nag-iigting ang mga panga at nanggigigil ang hawak sa manibela.
"Can we go somewhere else to cool down?"
Nilingon ako ni Jethro.
"Are you sure?" muli siyang tumingin sa daan.
"Ah-huh. Hindi kasi talaga ako sanay na mainit ang ulo ng boyfriend ko. Hindi ako mapalagay."
Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi ni Jethro habang nagmamaneho siya. Huminto siya sa isang tabi at nag u-turn.
Now, we're on our way to north cebu.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Hulaan mo."
"Come on, tell me. Saan nga tayo pupunta?" ngumuso ako.
Tumawa naman siya. "You said, somewhere else. Kaya dadalhin kita, somewhere else."
Humalukipkip ako. I rolled my eyes on him and then I turned on the radio.
Pinili kong wag na lang alamin kung saan ako dadalhin ni Jethro, para masurpresa ako.
"O, suko ka na agad sa panghuhul?"
"Oo. Ayoko na lang din muna malaman."
"Alright, but I guess aabutin tayo ng two hours papunta doon."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ganoon kalayo?"
"Ah-huh. But I'll promise you. You'll gonna love it."
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017