Kabanata 43

6.2K 169 26
                                    

Kabanata 43
Squad in the island

-------------------

"EA, nasa baba na si Francis."

Pagtawag sa akin ni Gabriel mula sa labas ng kwarto ko.

"Tapos ka na ba? Can I come in?"

Kasalukuyan kong isinasara ang maletang dadalhin ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Mabilis akong lumingon at mula sa maliit na siwang nito ay nakita ko ang nakasilip na ulo ni Gabriel.

"Come in." Anyaya ko sa kanya.

Ngingiti-ngiti niyang binuksan ng mas malaki ang pinto at saka tuluyang pumasok dito sa kwarto ko.

"Tulungan na kitang ibaba ang mga gamit mo. Wala si kuya Ethan at Adam, eh."

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat."

Pagbaba namin ni Gabriel ay naabutan ko si Francis na nakaupo sa living room at kausap ni Penelope.

"O, ayan na pala si EA." Napatayo pa sa kinauupuan niya si Penelope nang makita niya ako.

Tumayo na rin sa kinauupuan niya si Kiko at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Isang simpleng high waisted jeans ang isinuot ko, black cropped sweatshirt at sneakers na white, pagkatapos ay pinusod ko ang buhok ko, messy bun lang naman.

"Let's go?" Tanong sa akin ni Kiko. Tumango naman ako at saka siya unti-unting lumapit sa amin ni Gabriel.

"Ako na dyan, brad." aniya nang kunin niya ang maleta ko kay Gabriel.

"Take care of my cousin." ani Penelope.

"Have fun." Sabi naman ni Gabriel.

Sa backseat ako ng sasakyan naupo at sa passenger seat naman si Kiko. May driver kasi kaming kasama na maghahatid sa amin papunta sa oslob.

Buong byahe kaming hindi nag-iimikan ni Kiko. Puro lang pakikinig ng music ang ginagawa ko at dahil maaga pa ng umalis kami ay umidlip-idlip ako.

Mahigit tatlong oras ang byahe namin bago kami nakarating sa Bluewater Sumilon island resort, sa reception area ay nagkaroon ng saglit na orientation about sa Sumilon island bago nila kami iginiya sa isang mahabang tulay papasakay sa bangkang maghahatid sa amin sa mismong isla, mga fifteen minutes lang naman daw ang byahe papunta roon.

Paglapag ng bangkang sinasakyan namin sa mismong sandbar ay may staff na hinatid naman kami sa kinuha naming premium deluxe room. Isang kwarto lang iyon na may dalawang malaking kama.

Malinis, maayos at napakaginhawa sa pakiramdam ng ambience rito sa premium deluxe room, lalo na ng scenery na matatanaw mula sa private veranda. Nakaharap kasi sa dagat ang kwarto namin kaya tanaw na tanaw namin ito.

"Gutom ka na? Tara, kain na muna tayo." Pang-aaya sa akin ni Kiko ng daluhan niya ako rito sa veranda.

Hindi ko siya sinagot, nakatingin lang ako sa dagat habang humahangin ng malakas.

"What do you wanted to be on your next life?" Tanong ko kay Kiko.

Tumaas ang isa niyang kilay at napatingin siya itaas. "Hmm...gusto kong maging artista." Tatawa-tawang sagot niya. Obviously he's not taking it seriously.

"Ako. Gusto kong maging ibon." Tumingin ako sa malayo. "Malaya kang lumipad at pumunta kung saan mo man gustong makarating. You can even go to your love one, without any rules. No one can ruled you, no one can make you do things you don't."

Humugot ako ng isang malalim na hininga at ipinikit ang aking mga mata, kasabay ng paghilip ng malakas na hangin.

Nang makalampas na ang malakas na hangin ay dumilat na ako at matamang tumingin kay Kiko at saka ko siya hilaw na nginitian.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon