Kabanata 17

6.6K 155 7
                                    

Kabanata 17
Getting to know each other

-------------------

"Hello, pa? Palabas na po ako. Yes, I'm coming."

Pinutol ko na ang tawag ni papa at nilagay ang cellphone ko sa sling bag na dala ko at saka ako agad na lumabas ng kwarto ko, suot ang maroon turtleneck crop top sleeveless, gray na high waisted pants at gray na sneakers shoes. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok na kinulot ko at naglagay naman ako ng kaunting make-up.

Pinaghandaan ko talaga itong date namin ni papa. Later, I will get to know him better. I can't wait to ask him more questions I badly want to ask him before.

Paglabas ko ng gate ay bumungad sa akin ang gray corvette stingray sports car ni papa.

Lumabas naman siya sa kotse niya at tinanggal ang suot niyang aviator sunglass. Lumapit sa akin si papa ng may ngiti sa kanyang labi. As usual, naka-tuck in na naman siya. Plaid longsleeve ang suot niya na naka-tuck in sa black chino pants and he's wearing leather shoes.

"Wow! I still can't believe that I have a gorgeous daughter." aniya habang naglalakad siya palapit sa akin.  Pinagbuksan niya pa nga ako ng pinto.

Habang nasa loob kami ng kotse ni papa at seryoso siyang nagmamaneho, tahimik ko naman siyang pinagmamasdan.

Kapag naka-side view siya ay kitang-kita ang katangusan ng kanyang ilong, pati ang kanyang perfect jaw line. Hindi masyadong mahaba ang kanyang pilik mata, pero medyo brown pala ito, katulad nga ng akin.

"Baka matunaw naman ako sa kakatitig mo." Ngumiti si papa at saka siya lumingin sa akin.

Nahiya ako sa sinabi niya kaya bigla akong nag-iwas ng tingin at napayuko.

"Mukha pa po talaga kayong binata, papa." sabi ko.

"Thank you. I'll take that as a compliment."

"Papa, saan tayo pupunta?"

"Basta, mamaya malalaman mo rin."

Sa tinatahak naming daan ay para kaming papunta sa Busay. Ilang beses na akong nakakapunta sa Busay kaya nagiging pamilyar na sa akin ang daan papunta rito.

"Siya nga po pala. Pupunta kaming lahat ng mga pinsan ko sa retro night sa saturday, gusto rin po sanang i-auction ng pinsan ko ang saxophone niya. Hindi niya po iyon nagamit masyado. Matagal na sa kanya, first sax niya po 'yon."

"Sino?"

"Si Timothy po. Kung natatandaan niyo, siya 'yong pinaka-energetic kong pinsan."

"Iyon bang malakas kumain? Panay nga ang papak ng manok 'non."

Napangiti ako. "Walang duda, siya nga po talaga 'yon, papa."

"He wants to auction his old sax, 'cause he have a new one?"

"Opo at saka wala naman siyang kakilalang marunong gumamit ng sax, imbes na ibenta niya online. Gusto niya na i auction na lang para makatulong na rin."

"Alright. Noted."

"Para saan po ba ang pera na malilikom ng event?"

"Para sa mga matatandang nasa home for the aged."

Ngumiti ako at napatango-tango. "Kaya naman pala, retro night.
Now I get it."

"Kaya dapat mga naka-retro look kayo. Bukas ko ipapadala sa'yo ang pass niyo. Ilan ba kayo?"

Ilan nga ba kami? Saglit akong nag-isip.

"Eight. Hindi po kasi sasama ang isa kong pinsan."

"How 'bout your brother?"

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon