Kabanata 8

6.7K 177 11
                                    

Kabanata 8
To protect you

----------------

Pagpasok ng sasakyan sa USC talamban campus ay inutusan ko ang driver na bagalan lang ang pagpapatakbo ng sasakyan. Sinunod naman nito ang utos ko.

Habang nadadaanan namin ang mga lugar na madalas naming puntahan noon ni Jethro, ng mga pinsan ko, ni Forseti at ni Cheska. Parang bumalik sa akin ang nakaraan, noong hindi pa masyadong malala ang mga pinagdaraanan kong problema.

Nang madaanan ng sinasakyan ko ang malaking football field ay naalala ko ang mga panahon na tumatambay kami nila Lav doon, habang pinanonood ang mga football varsity o kaya naman ay naghahanap si Ern at Prima ng mga gwapong lalaki, pagkatapos ay ipapain nila si Lav sa mga ito.

Katapat lang ng football field ang bunzel building. Ang teritoryo ng mga engineering student. At maraming naliligaw na kabadingan at kababaihan sa building na 'yan. Sa bunzel daw kasi naglipana ang mga gwapong lalaki, bumabaha ng pogi, iyon ang sabi ni Ern.

Aminado ako na naliligaw din ako sa bunzel, pero bihira lang kapag nasa mood ako na sumama kanila Ern. Masyado kasi akong loyal kay Forseti noon at inis na inis ako sa mga pinsan ko, lalong-lalo na kay Jethro dahil madalas niya akong inaasar, tapos gagatungan ng mga pinsan kong lalaki.

Nadaanan din namin ang covered court kung saan naganap ang valentines party namin noon.

Bago pa makarating sa cafa building ay nadaanan din namin ang St. Joseph and Arnold church. Pinahinto ko muna ang sasakyan sa harap nito at saka ako bumaba.

"Manong, saglit lang po." paalam ko sa driver namin.

Napakatahimik sa loob ng church pagpasok ko. Pero may ilang estudyante at faculty members ang naabutan ko na nagdarasal dito.

Sa sobrang tahimik dito sa loob ay halos naririnig ko na ang tunog ng heels ko habang naglalakad ako papunta sa harapan.

Paglapit ko sa upuang nasa pinakaunahan, nag sign of the cross ako at dahan-dahang lumuhod.

Tahimik kong kinausap ang diyos. Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanya, nagpasalamat at hiniling na sana makayanan ko pa lahat ng pagsubok na ibibigay niya, na sana masagot na lahat ng tanong sa isip ko, mahanap ko na ang tunay kong ama at makamit na namin ni Jethro ang pag-ibig na walang sino mang humahadlang.

Pagkatapos kong magdasal ay nagtungo na kami sa CAFA building o College of Architecture and fine Arts, noon, CAS na ang kasi ang tawag dito ngayon o College of Arts and sciences.

Akala ko didedmahin lang ako ng mga carolinians pagpasok ko sa loob, pero hindi. Pinagtinginan ako ng ilan sa kanila na nakatambay malapit doon sa mural, pati ang mga nakatambay malapit sa bulletin board at ang mga nakaupo sa gilid ng hagdan at saka sa open area na may mga table at upuan.

Ang nakakapagtaka pa ay puno ng panghuhusga ang mga tingin nila. Sinisipat nila ako ng tingin mula ulo, hanggang paa.

Yumuko ako at binalewala na lang ang mga ito at saka ako umakyat ng hagdan.

Pagdating ko sa dean's office. Ang dating lalaking dean namin ay napalitan na ng babae ngayon, sa pagkakaalam ko ay dating isa sa mga professor ang bago naming dean ngayon.

Napag-usapan namin ng dean na si Mrs. Belleza ang mga ipapasa kong requirements next school year, pero kung nakahanda na raw ito ngayon ay pwede ko ng ipasa. Tinanong niya rin ako tungkol sa mga naging experience ko noong nag-aaral ako sa London at kung bakit ko napili na dito ipagpatuloy muli ang pag-aaral ko.

Hindi naman kami nagtagal sa pag-uusap ni Mrs. Belleza, sa tantya ko nga ay wala pa sa isang oras ito.

Habang bumababa ako ng hagdan ay napansin kong tila inaabangan ako ng mga estudyante sa ibaba at ang mga tingin nila sa akin, katulad ng mga tingin nila kanina. Nanghuhusga.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon