Kabanata 30
Her Sacrifice---------------------
Napipilitan akong naupo sa kaninang kinauupuan ko, nakaramdam ako ng hiya ng makita kong nakatingin sa akin ang lahat. Napayuko na lang ako at marahang kinuha ang kutsara sa pinggan ko at saka nagsimulang kumain. Hindi na ako umimik pa, wala na rin nagsalita sa amin. Napuno ng katahimikan ang buong komedor at nawala ang tensyon na namuo sa pagitan namin ni Armando Pedrosa.
Naunang natapos sa pagkain si Armando, kaya siya rin ang unang tumayo sa upuan at iniwan kami, narinig ko naman ang malalim na buntong-hininga ng katabi kong si Ethan.
"That was close." Sabi niya pa.
Hindi ko matatagalan ang ganitong sitwasyon. Ayoko ng ganito.
Pagkatapos kong kumain ay nagpunta ako sa veranda para mapag-isa. I sat on a white bench at the corner, itinaas ko ang mga paa ko at niyakap ang aking mga tuhod, yumuko ako at ipinatong ang noo ko sa aking tuhod at saka ko ipinikit ang mga mata ko. Gusto kong tawagan si Jethro pero naalala ko na nasa kwarto ko pala ang cellphone ko.
Unang araw ko pa lang dito sa mga Pedrosa ay naho-home sick na agad ako. Every part of this house makes me feel so lonely like I wanted to come back home.
"Don't ever do that again."
Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Adam. Nagulat ako nang makita ko siyang nasa tabi ko na pala. Nakadipa ang isa niyang kamay sa sandalan ng upuan at ang isa ay nasa hita niya, naka-cross legs siya at malayo ang kanyang tingin.
Ako ba ang kausap niya?
"Kung lalaban ka, pigilan mo ang sarili mo na wag ipakita 'yon sa kanya. Hindi mo ba alam kung paano lumaban ng patalikod? Mas na i-eager si lolo na gawin ang isang bagay na hindi mo magugustuhan, kapag nakikita niyang lumalaban ka sa kanya."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Bakit ganoon ba ang ginagawa mo sa harap ng lolo mo? Para kang maamong tupa kapag nasa harap ka ng pamilya mo."
Umangat ang sulok ng kanyang labi. "That's what you call, acting. Lahat naman kami, kapag nasa harap ni lolo, nagiging ibang tao. We're all hiding ourselves pretending that we're just some pawns, that he can run our lives."
"Is he really like that? Dominating everyone's life?"
"Yup at ngayon na alam niyang hindi ka niya basta-basta mapapasunod. Maghanda ka na dahil hindi magiging madali ang buhay mo rito."
"What do you mean?"
"Mas lalo ka niyang ilalayo sa mga Elizconde. Kaya goodluck."
Nginitian niya ako at saka siya tumayo at naglakad papasok sa loob.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad kong hinanap ang cellphone ko na nasa ibabaw ng bedside table. Ang dami kong missed call doon na galing kay Jethro, pati messages ko, karamihan ay nanggaling din sa kanya and as usual, paranoid na naman siya sa mga text messages niya.
Kapag hindi talaga ako nakakapag reply sa kanya agad ay napaparanoid siya. Lalo na kapag hindi ko rin nasasagot ang mga tawag niya.
And then I saw Ern's message. Namilog ang mga mata ko ng mabasa ito.
Ern:
Girl, samahan mo ko bukas ha. Sunduin kita sa inyo after lunch. Mamimili ako ng gifts for christmas.Shit! Anong isasagot ko kay Ern?
Paulit-ulit kong binasa ang text message sa akin ni Ern habang iniisip ko kung ano ang isasagot ko sa kanya, nang bigla ay tumawag si Jethro.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017