Kabanata 25

6.8K 151 13
                                    

Kabanata 25
Heart attack

------------------

Mabilis akong naligo at nagbihis ng pantulog bago ako bumaba at nagtungo sa living room kung saan naroon ang pamilya ko ngayon.

Pagbaba ko ng hagdan ay hindi ako lumapit agad sa pamilya kong seryosong nanonood ng documentary show sa isang cable channel.

Mabuti na lang at kahit papaano'y nakikipag bonding na si daddy. Nag-aalala na kasi ako sa sobrang subsob niya sa pagtatrabaho dahil nga sa nangangambang pagbagsak ng E.E Corporation.

Mahalaga kay daddy ang corporation kasi isa siya sa mga naghirap para manatili itong matatag at nakatayo hanggang ngayon, but sad to say unti-unting lumulubog ang mga pinag-hirapan ni daddy and I know he will not gonna let it fall down.

"Ate's here." anunsyo ni Eira ng lumingon siya rito sa likod.

Nagsilingon na rin silang lahat. Si Daddy, si mommy at si kuya Luke.

"What are you doing there, EA? Have a sit here." anyaya ni daddy.

Nguniti ako at naglakad palapit sa kanila. Pabagsak akong naupo sa gitna ng kinauupuan ni mommy at daddy.

"So, what's the goodnews?" excited kong tanong sa kanila.

"Magkwento ka muna kung anong nangyari sa lunch date mo with Pedrosa." tanong ni mommy.

"Oo nga, kamusta ang pakikitungo nila sa inyo ni Jethro?" dagdag pa ni daddy.

Naalala ko na naman ang mga mapanghusgang tanong ni Armando Pedrosa, sa amin ni Jethro. At kung paano naman siya binara ni Jethro. Kanina habang nasa byahe kami pabalik dito sa bahay, napag-usapan namin na wag ng sabihin kay mommy at daddy ang tungkol doon. Kaya iniiwasan ko talaga na ikwento iyon sa kanila.

I just told them about my aunts and uncle, also my cousins.

I told them that they're all nice and very welcoming, that they're all very happy to see me and that made me feel happy and accepted.

"What about Armando Pedrosa? Hindi niyo ba siya kasamang nag-lunch?" tanong ni daddy.

Daddy naman, bakit ipinaalala mo pa ang Armando Pedrosa na 'yon? Iniiwasan ko na ngang banggitin siya dahil naiinis ako sa kanya.

"Okay naman po siya." tipid kong sagot. Ayoko ng dagdagan pa ang sinabi ko. That's enough. No more, no less.

Wala kasi akong maalalang tanong niya na ikinatuwa ng damdamin ko.
"Bakit naman naisipan niyong pumunta ng Medellin?" tanong ni mommy.

"Sana umuwi muna kayo rito, ate. Tapos sinama niyo ako." nakangusong sabi naman ni Eira.

"Mahal ang gasolina ngayon kung babalik pa sila dito para sunduin ka lang, you're not that important, Eira. Mas mahal pa nga sa'yo ang gasolina." kasunod ng pag ngisi ni kuya.

Nag make-face naman si Eira and then she rolled her eyes, napanguso pa siya.

When kuya and I were kids. Hindi niya ako binubully, busy kasi siya parati sa toys niya, sa mga computer games, but now...poor Eira because she's dealing with our brother's bully side.

"Naisip lang po ni Jethro na mamasyal kaya kami nagpunta doon. So, ano na nga po ang goodnews new? Kanina pa ako nasasabik dito."

"Sige na, sabihin mo na, Emy." ani daddy kay mommy.

Nginitian ako ni mommy at matama niya akong tinignan.

"EA, nakausap ko na si Daisy Gomez-Wright. And comfirmed, she's Cybel's sister. She's your aunt."

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon