Kabanata 39

7.4K 192 30
                                    

Kabanata 39
A fire under the pouring rain

Babala: Sumasabog ang chapter na'to. Haha striktong patnubay ang kailangan.

------------------

Magdadalawang oras na kaming bumabyahe ni Jethro. Alas-onse pasado na nga at siguradong hinahanap na ako ng lahat ngayon.

Marahan lang ang takbo ng sasakyan ni Jethro dahil madilim ang tinatahak naming daan at mukhang matarik pa ito.

"Nasaan na ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

Napahikab ako at saka kinamot ang balikat ko. Nangangati na ako sa suot kong gown, gusto ko na magpalit at humiga sa malambot na kama para matulog.

"We're in Argao. Sa vacation house muna nila kuya William tayo pupunta."

May vacation house pala sila tito William dito? Ngayon ko lang nalaman.

"May alam si tito rito?"

"Wala. Si Timothy lang. He gave me the keys."

Huminto kami ni Jethro sa tapat ng isang mataas at itim na gate. Kinilabutan pa nga ako ng biglang kumidlat at kumulog, kitang-kita ang pagliliwanag ng langit na tila tumama sa madilim na bahay.

"N-Nakakatakot naman dito."

"Dito ka lang. Bubuksan ko ang gate."

"Wala bang caretaker na nagbabantay dito?"

"Wala." Tipid na sagot ni Jethro at saka siya lumabas na ng kotse niya.

Saglit lang ay nabuksan agad ni Jethro ang pagkakakandado ng gate at saka niya binuksan iyon. Sa tahimik ng paligid ay dinig na dinig ang tunog ng gate na halatang kinakalawang na.

Muling pumasok si Jethro sa kotse niya at pinaandar ito papasok sa madilim, pero malaking bahay.

Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng malawak na frontyard. Inalalayan niya akong makalabas ng kanyang kotse.

"Wait." Tumakbo si Jethro palapit sa gate at isinarado iyon.

Niyakap ko naman ang sarili ko ng umihip ang malamig na hangin. Napapiksi pa nga ako sa kinatatayuan ko kasi bigla na namang kumidlat at kumulog.

Paglapit muli ni Jethro sa akin ay inaya na niya akong pumasok sa loob ng bahay. Humawak naman ako ng mahigpit sa braso niya kasi natatakot ako. Nakakatakot na nga ang mga kulog at kidlat, nakakatakot pa ang bahay na tutuluyan namin.

"Emilia, can you hold it for me?" inabot ni Jethro sa akin ang cellphone niyang nakabukas ang flashlight.

Kinuha ko naman agad iyon at itinapat sa parte ng keyhole na sinusubukang buksan ni Jethro gamit ang ilang susi na nasa keychain.

"Dito ba talaga tayo tutuloy? Nakakatakot dito."

"Emilia, pag nabuksan na natin ang ilaw dito. Hindi ka na nakakatakot." Pagpapalubag loob niya sa akin. "Shit. Ang dami naman kasi nitong susi." Napipikang sabi niya pa. Nakakailang susi na kasi siya pero hindi niya pa rin mabuksan ang pinto.

"You know what, pag nalaman ni kuya na tutuloy tayo rito, siguradong hindi siya papayag. Now that they know na isa kang Pedrosa, pati sila pinagbabawalan na rin kami na lumayo sa'yo. Hindi naman sa galit sila sa'yo, ayaw lang nila ng gulo." Kwento niya pa sa akin.  

Malungkot na marinig iyon, pero tinanggap ko na lang. Kasi matagal ko naman ng alam na mortal na magkaaway ang pamilya namin.

Nang mabuksan na ni Jethro ang pinto ay magkasama naman naming hinanap ang power supply dito.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon