Kabanata 19

6.7K 156 11
                                    

Kabanata 19
Possessive strike

-----------------

Nasa stage na ngayon si Timothy at hawak ni Easton ang kanyang camera, para videohan siya.

In-announce naman ng host ang gagawing pagtugtog ni Timothy bago magsimula ang bidding sa kanyang lumang saxophone.

Sa gitna ng stage ay bumulong si Timothy sa host, they look like flirting, kung makangiti kasi ang host habang bumubulong sa kanya ang pinsan ko ay para itong kinikilig. Pagkatapos bumulong ni Timothy ay sumenyas ang host sa DJ na nasa gilid at ilang saglit lang ay tumugtog ang intro ng True by Spandau ballet and just a little while, dahan-dahang humina ang music at nagsimula namang tumugtog si Timothy.

Sa sexy ng tunog ng saxophone, pakiramdam ko ay nagtatayuan ang mga balahibo ko. Nakakaakit ang tunog nito, nakakapangilabot.

Ang tunog ng piano ang pinakamasarap pakinggan para sa akin, pero hindi ko maitatanggi na nakakaakit ang tunog ng saxophone, para bang may kung anong init na nabubuhay sa katawan ko at dumadaloy sa mga ugat ko.

Pikit ang mga mata ni Timothy habang pinatutugtog niya ang kanyang alto sax. Lumalabas na nga ang mga ugat sa kanyang leeg at mas dumidiin ang kanyang pikit.

Sa mukha niya ay para siyang nahihirapan. Mahirap naman kasi talagang tumugtog ng saxophone kasi masakit sa panga.

Torotot nga lang ay sumusuko na ang panga ko.

Tahimik kaming lahat nina Jethro at ng mga pinsan ko, habang puno ng paghanga naming pinanonood si Timothy. Ngayon ko na lang siya ulit nakitang tumugtog ng saxophone at hanggang ngayon ay magaling pa rin siya.

Nabawasan ang pag-iisip ko tungkol sa katotohanan ng pagkatao ko, dahil sa magandang musika na ipinaririnig ni Timothy ngayon sa lahat.

Pagkatapos tumugtog ng pinsan ko ay nag-bow pa siya kasabay ng malakas na palakpakan ng lahat.

"Timo, isa ka talagang alamat!" pasigaw na sabi ni Easton.

"Woah! Idol na kita, broski!" dagdag pa ni Tommy.

Sumipol naman si Jethro.

"Tignan mo ang lalaking 'yan, di man lang magawang tumingin dito sa pwesto na'tin." wika ni Prima na may himig ng pagtatampo habang nakahalukipkip at nakatingin kay Timothy.

"Paano titingin sa atin 'yan, eh parang mga baliw 'tong mga kasama na'tin. If I know, iniisip na ng kapatid ko na hindi niya tayo kilala." sabi naman ni Lav.

Muling bumalik sa stage ang host na nagtungo kanina sa gilid ng stage habang tumutugtog si Timothy. In-announce nito ang simula ng bidding sa luma at hindi masyadong nagamit na alto sax ni Timothy.

"For the highest bidder. Tutugtugan ko siya ulit, mamaya." nakangiting dagdag pa ni Timothy na nanatili lang sa stage katabi ng host.

Nagsunod-sunod ang mga bidder. Unang bid pa nga lang ay nalampasan na agad ang totoong presyo ng sax ni Timothy. Actually, ordinary old sax lang naman ang ino-auction ng pinsan ko, hindi iyon vintage.

Pero dahil marami ang natuwa sa pagtugtog ni Timothy, marami ang nag bid.

Tama nga si Timothy, kailangan ng pakulo para mas malaki ang bid. I wonder if sumali si Jethro sa auction at tumugtog din siya sa harap ng maraming tao. For sure, magugustuhan din ng marami ang pagtugtog niya.

Kapansin-pansin rin na puro babae ang bidder ng sax ni Timothy. Parang hindi naman talaga sax ang pinag-aagawan nila.

"Fifty thousand!" sabi ng isang babae sa dulo habang taas-taas niya ang kanyang bidding puddle.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon