Kabanata 6

7.5K 176 6
                                    

Kabanata 6
With him

----------------

Nagising ako at napasinghot ng maamoy ko ang mabangong sibuyas at bawang na iginigisa.

Bigla akong nagutom and at the same time, sumakit ang ulo ko.

Sinapo ng palad ko ang noo ko at hinilot ang aking sintido. Dahan-dahan ko na rin idinilat ang mga mata ko at nagtaka nang ang mataas na ceiling ang bumungad sa paningin ko. Hindi ganito kataas ang ceiling sa kwarto ko.

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko at nag-isip at saka agad napabalikwas sa hinihigaan ko nang mapagtanto ko na wala ako sa aking kwarto.

Napatingin ako sa suot ko at mas lalo akong nagulantang ng makita kong naka-bra at panty lang ako. Mabilis kong ipinulupot pa ang comforter sa katawan ko at napatingin ako sa maliwanag kong right side.

Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang magandang tanawin ng syudad na may matataas na building. Tanaw ko ang mga ito, mula sa glass wall window.

Glass wall window?

Isang lugar ang agad na pumasok sa isip ko.

Napangiwi ako at ipinikit ang aking mga mata at saka ko sinapo muli ang aking noo. Lalo pa ngang sumakit ang ulo ko.

"Good morning. Hang-over?"

Nag-angat ako ng tingin pagkarinig ko sa boses ni Jethro.

Tila nalaglag ang panga ko nang makita ko siyang nakatayo sa tapat ko, white sando na hapit na hapit sa katawan niya ang suot niyang pang-itaas, bakat na bakat ang kanyang dibdib at kitang-kita pa ang kanyang malaking biceps. Bumaba ang tingin ko sa sweat pants na suot niya at napalunok ako ng dumaan ang paningin ko sa gitnang bahagi niya.

My God! Why it look so awake?

Nag-iwas ako ng tingin doon at nag-angat ng tingin sa kanya.

Uminit ang pisngi ko ng makita kong nakangiti sa akin ng malapad si Jethro.

Nakaramdam naman ako ng hiya at kaba, kaya nag-iwas ako ng tingin.

"W-Where's my dress? B-Bakit ganito lang ang suot ko? Did we---"

"Did we had sex?" prente at diretsong pagkakasabi niya. "No. We didn't do it. Don't tell me, you don't remember what really happened last night?"

Umupo si Jethro sa edge ng kama niya, sa may paanan ko. Ako naman ay binalikan ang mga nangyari kagabi.

Ang huli kong natatandaan ay hinalikan ko siya.

Ang init-init ng pakiramdam ko 'non at para siyang masarap na pagkain sa paningin ko. I want to taste him, every inch of him.

Nag-init na naman ang pisngi ko nang mas maalala ko pa ang mga nangyari kagabi, mas naging malinaw sa isip ko ang lahat.

"Natatandaan ko na." kinagat ko ang ibaba kong labi habang napayuko at kinakamot ang ulo ko.

Ayokong tignan si Jethro. Nakakautal kasi kapag nagtatama na ang mga mata namin at nahihiya ako sa pang-aakit na ginawa ko sa kanya kagabi, hindi ko masyadong matandaan lahat pero tanda ko ang iba kong ginawa.

"Get up, I made breakfast for us." ani Jethro at saka siya tumayo na sa kama.

"W-Wait!" Nag-angat na ako ng tingin.

Huminto si Jethro sa paglalakad at nilingon niya ako. "

"W-Where's my dress?"

"Pinalabhan ko na."

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon