Kabanata 36

6.3K 175 43
                                    

Kabanata 36
Back to manila

------------------

"Ako na lang ang sasama sa'yo." ani papa nang sabihin ko sa kanya na gusto kong makipagkita sa tita ko na kapatid ni mama.

Maging si papa ay ngayon lang nalaman na may pamilya pa pala si mama Cybel. Ang buong akala niya raw kasi ay ulila na talaga si mama dahil iyon daw ang parati nitong sinasabi sa kanya noon.

Kahit sinong kakilala ni mama rito sa cebu ay iyon ang pagkakaalam tungkol sa kanya, maging si mommy na naging bestfriend ni mama. At ngayong alam na ni papa na may naiiwan pang pamilya si mama, gusto niyang personal na makilala ang mga ito at makarinig ng kwento nila tungkol kay mama.

"Magpapabook na ako ng ticket na'tin pa-manila. Kailan mo ba gustong puntahan ang tita Daisy mo?" Tanong ni papa at saka siya sumimsim sa puting tasa na hawak niya. 

"Siguro po sa ten, gusto ko rin po kasi sana silang personal na i-invite sa birthday ko."

"Uhm...that's a good idea." anas ni papa kasunod ng pagtingin niya sa kanyang wrist watch.

"Ops. I gotta go."

Inilapag ni papa sa center table ang tasa na pinag-inuman niya.

"Yaya, makikuha na lang 'yong tasa ko rito, huh? Aalis na'ko." Utos niya pa.

"Opo sir." Sagot naman nito sa kanya.

Kahit na weekend ay may trabaho pa rin si papa. Hindi naman daw usually na ganito. May biglaan lang daw kasing meeting at transaction silang gagawin. 

Yumuko si papa at hinalikan niya ang noo ko.

"What do you want me to bring you home after work?" Tanong niya sa akin.

Nginitian ko naman siya. "I just want you to come home, safe."

"I will." Ngumiti rin si papa sa akin at saka siya tumalikod at nagmamadali ng naglakad palabas ng bahay.

Nang hindi ko na natanaw si papa ay napabuntong hininga na lang ako rito sa kinauupuan ko, at saka ako tumayo na rito para umakyat muli sa kwarto ko at makapag-prepare. May lakad kami ngayon ni tita Nadia. May food tasting kami ngayon at saka pupunta rin kami sa waterfront hotel kung saan naka-set ang party venue ko.

I wasn't so excited for my upcoming birthday party. Kasi, hindi ko naman kasama ang mga itinuring kong pamilya. So, how can I be happy on that day? For me, they are very special. They deserve to be part of my special day and without their presence, it will be just normal.

After lunch na ng sunduin ako ni tita Nadia sa bahay. Inuna naming puntahan ang isang restaurant kung saan kami magfo-food tasting. Marami kaming tinikmang pagkain doon, kasama na ang ibat-ibang flavor ng cake. Sa dami ng cake na tinikman ko ay nahirapan akong mamili sa mga 'yon. Lahat kasi masarap.

Before five o'clock ay nakauwi na kami agad ni tita Nadia. Hinatid lang niya ako sa harap ng bahay namin at hindi na siya pumasok.

Pagpasok ko sa gate namin ay nakita ko ang isang pamilyar na motorcycle na nakaparada sa gilid. Hmm...I think I know who's there.

Nang makapasok na ako sa loob ay naabutan ko si Adam sa living room na naglalaro ng xbox.

"Why are you here?" Tanong ko sa kanya.

"Am I not allowed to be here?" Bato niyang tanong sa akin, pero ang tingin niya ay nasa monitor ng TV na may fifty two-inches ang laki.

He's playing outlast one. I'm not into computer games, but papa bought it for me a few days ago. Para raw may mapaglibangan ako rito because I'm not allowed to use any gadget. And damn that video game! It's giving me a heart attack because it's freaking scary. Kahit manood ka nga lang ay kikilabutan ka na.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon