Kabanata 15
Fight for love-----------------
Sa isang restaurant sa banilad town center kami nakatakdang magkita ni Eliseo.
"Manong tawagan ko na lang po kayo kapag pauwi na ako." paalam ko sa driver namin na naghatid sa akin.
"Sige po, ma'am."
Huminga muna ako ng malalim at saka naglakad. Sa bungad pa lang ng shopping mall ay natatanaw ko na ang restaurant na sinasabi ni Eliseo. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, nanlalamig at namamawis ang mga palad ko at nanginginig ng bahagya ang mga tuhod ko.
Pinagbuksan ako ng pinto ng security guard at pagpasok ko pa lang ng restaurant ay sinalubong na ako ng lalaking maître d'. Isang fine dining restaurant ang pinasukan ko at di masyadong maraming tao.
"Ma'am do you have a reservation?" magiliw na tanong ng maître d' sa akin.
"I'm with Mr. Eliseo Romualdez."
"This way ma'am." Iminuwestra nito sa akin kung nasaan si Eliseo.
Malaki ang restaurant at sa dulo ay natanaw ko si Eliseo na may kausap sa cellphone niya.
Pagkakita niya sa akin ay ibinaba niya ang cellphone niyang nasa kanyang tenga at agad siyang tumayo sa upuan niya, siya pa mismo ang naghila ng upuan ko.
"Get our orders and you may leave us now." baritonong utos ni Eliseo sa maître d', mabilis naman itong tumalima.
Nang maiwan na kaming dalawa ni Eliseo ay nginitian niya ako habang nakatitig siya sa akin.
"You look exactly like her."
Tila namamangha siya habang nakatingin sa akin. Para ngang hindi man lang siya kumukurap.
Kinulot-kulot ko ng maliliit ang buhok ko kanina bago ako umalis ng bahay, namiss ko kasi ang kulot kong buhok noon. Kaya siguro ganito na lang ang reaction ni Eliseo dahil nga, mas naging kahawig ko si mama Cybel ngayon.
Ayon din ang sabi ni mommy noong kulot pa ako. Kamukhang-kamukha ko raw si mama Cybel at nakikita niya sa akin ang mama ko.
"B-Bakit gusto niyo po akong nakausap?" tanong ko kay Eliseo. Medyo naiilang na nga ako sa mga titig niya.
"I-I dont know where to start." he said and then he took a deep breath.
Malayo sa nakita kong matapang na mukha niya noon ang nakikita ko ngayon sa kanya.
"Okay, first. I want to apologize for what happened last time. I was just in shocked. Hindi kita ganoon kakilala, tapos...sasabihin mo sa akin na anak ka ni Cybel, na hinahanap mo ang tatay mo at ang pinaka-ayokong paniwalaan ay 'yong sinabi mo na... wala na si Cybel."
"Pero totoo po ang mga sinasabi ko."
"Yes. I believe it now. But I still can't believe that she's gone."
Bumagsak ang mga balikat ni Eliseo at lumalam ang kanyang mga matang noon ay nakakasindak kung tumingin.
"I've been looking for her, for many years. She's the only girl I ever loved, EA."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
Mahal niya si mama Cybel? So, hindi lang pala talaga siya kaibigan ni mama?
"Isa siyang working student noong nakilala ko siya. Nagkakilala kami sa isang restaurant na pinagtatrabahuan niya noon sa Toledo, she was so beautiful. Kasama ko 'yong mga barkada ko noon noong nakita ko siya, lahat kami nagandahan sa kanya, pero ako 'yong pinakatinamaan at naglakas loob na lapitan siya at hingin ang pangalan niya. Simula noon, madalas na ako magpunta sa restaurant na 'yon, tapos hindi na ako nagpatumpik-tumpik, niligawan ko si Cybel. Noong naging girlfriend ko siya, pakiramdam ko nagkaroon ng katuturan ang buhay ko. Kumpara noon na puro bulakbol at pakikipagbasag ulo ang ginagawa ko."
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017