Kabanata 37
Away from you.---------
Isang plain white fitted shirt, black high waist pleated skirt at strappy stiletto white sandals ang isinuot ko. I'll be going out today with Dorina and tita Daisy. Papa will just stay here in the hotel.
Dahil hapon pa naman kami magkikita ni tita at Dorina. Nagpasya muna ako na puntahan si Rosana sa bahay niya para kamustahin siya, hindi ko naman kabisado ang cellphone number niya kaya hindi ko siya natawagan o naitext para sabihan na pupuntahan ko siya ngayon, sana lang ay nasa bahay niya, weekday pa naman ngayon.
Supposedly ay sa isang boarding house dati umuupa si Rosana, kaya lang ay namahalan siya kasi ang dami niya raw binabayaran, hindi kinakaya ng sweldo niya kaya balik na naman siya sa dati niyang tinitirahan sa tondo na kahit madalas na magulo, natutustusan naman niya ang pang-araw-araw niyang buhay.
Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko ng lumabas ako ng kwarto ko dala ang sling bag ko na may lamang wallet, perfume at ilang gamit pang-retouch.
Nasa tabi lang ng kwarto ko ang kwarto ni papa, kaya magkatabi lang rin ang kinatatayuan ng dalawang bodyguard na nagbabantay sa amin.
Kumatok ako ng ilang beses sa kwarto ni papa bago niya ako pinagbuksan ng pinto, may nakapasak pa ngang bluetooth headset sa kanyang kaliwang tenga.
"Pa, alis na po ako." Paalam ko sa kanya.
Tumaas ang isa niyang kilay at pinasadahan niya ako ng tingin at saka siya humalukipkip.
"Alright, CJ and CK will come with you." He's talking about his bodyguards.
Lumabas si papa ng kwarto niya at tinawag niya ang dalawa at saka binilinan sila na wag akong pababayaan, binantaan niya pa ang dalawa na mananagot sa kanya, sa oras na may mangyari sa akin na masama.
Si CK ang nag-drive ng kotse ni papa papunta sa tondo. Magaling talaga si CK sa pagnavigate ng destination, kasi mabilis naming narating ang iskinita kung saan kami nakatira noon ni Jethro. Kung saan-saan kasing shortcut nagsususuot itong si CK, pati nga si CJ ay namamangha sa galing niya, para bang kabisado na niya ang lahat ng lugar dito sa kamaynilaan, pero hindi nga kataka-taka dahil isa raw siyang driver noong naririto siya sa manila.
Dahil makitid na ang daan papunta sa bahay ni Rosana. Ipinarada ni CK ang sasakyan sa gilid kung saan may mga nagtitinda ng street foods.
Pagbaba ko ay agad kong naramdaman ang mga nagtatanong at nagtatakang tingin ng mga tao, sa akin.
Wala pa rin pinagbago rito. Magulo pa rin, maraming batang nakahubad at nagtatakbuhan, mga nag-iinuman sa gilid at sa tapat ng mga tindahan, kahit maaga pa, animo ginagawang almusal ang alak. Hindi rin mawawala ang mga nagsusugal. Usong-uso pa rin dito ang bingo at tongits.
"EA?"
Napahinto ako sa paglalakad at napalingon ako sa tumawag sa akin.
Kumunot ang noo ko ng makita ko 'yong babaeng sexy na madalas magpapansin noon kay Jethro. Papalapit siya sa akin and as usual, kapos na kapos na naman sa tela ang suot niya.
"Tama! Ikaw nga si EA, diba? Ikaw 'yong girlfriend ni Jethro. Wow!"
Manghang-mangha ang itsura niya habang tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Yayamanin ka na, huh?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "May nabingwit ka yatang matandang mayaman, noh?" Bulong niya pa.
Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi ng babaeng 'to, medyo nakakainsulto siya pero mapait ko na lang siyang nginitian.

BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017