Kabanata 22

6.2K 152 2
                                    

Kabanata 22
Exquisite

--------------------

Pagkatapos namin kumain ni Ern ay bumalik nga ulit si Jethro sa pwesto namin at inaaya niya kami sa table nila ng mga kasama niya.

Ayoko talaga sana kaso mapilit si Jethro kaya hindi na ako nakipagmatigasan pa sa kanya.

Pagdating namin sa pwesto nila ay agad akong binigyan ni Jethro ng mauupuan.

Tahimik namang nakatingin sa akin at kay Ern ang mga kasama ni Jethro. Nakangiti pa nga sa akin ang mga lalaki, habang ang mga babaeng kasama ni Jethro ay tila nanghuhusga ang mga tingin.

Ipinakilala kami ni Jethro sa mga kasama niya, pati sa dalawang babaeng lumalandi sa kanya kanina. Hindi pa nga nakipagkamay sa akin ang isa, 'yong babaeng malaki ang hinaharap.

"O, diba. Sabi naman sa'yo. May girlfriend na talaga si Jethro. Iiyak na 'yan!" pang-aasar ni Ralph sa babaeng malaki ang hinaharap.

Pinakilala siya sa akin ni Jethro kanina pero hindi ko matandaan ang pangalan niya. Siguro kasi ay ramdam ng utak ko na hindi ako interested na makilala siya.

"Tse! Manahimik ka dyan!" bulalas ng babae kay Ralph.

"EA, alam mo ba na madalas magkwento sa amin si Jethro tungkol sa'yo. Most of the time pa nga nagtatanong sa amin 'yan kung paano raw gaganahan ang babae sa---"

Tinakpan ni Jethro ang bibig ng nagsasalitang si Franco.

"Manahimik ka nga." ani Jethro habang pinanglalakihan ng mga mata si Franco.

Si Ern naman ay nag e-enjoy makipagkwentuhan sa baklang kasama nila Jethro.

"EA, looks innocent. Parang hindi kayo bagay, Jet. Pilyo ka, eh." nakangising sabi ni Ralph.

"Shut up. Naughty and Innocent are perfect for each other."

Dahil matatapos na rin ang break time nila Jethro. Sabay-sabay na kaming lumabas ng restaurant. Pinauna pa ni Jethro ang kanyang mga kasama. Habang kami ay nanatili rito sa side walk. Nag-aabang ng masasakyan.

"Bakit mo sila pinauna?" tanong ko kay Jethro habang tinatanaw namin ang mga kasama niyang tumatawid na sa pedestrian lane.

"Kasi ihahatid ko kayo pauwi." nakangiting sagot.

"Wag na, baka pagalitan ka pa pag hindi ka nakabalik agad ng work place mo."

"Sus, hindi 'yan. Oh shit!" naitutop ni Jethro ang kanyang noi ng may maalala siya. "Ang layo pa pala ng lalakarin na'tin." aniya at saka siya napakamot ng ulo niya

Sa pagkakaalam ko ay naka-park ang kotse niya sa basement ng law firm kung saan siya nag i-intern.

"Sabi naman sa'yo, eh. Wag mo na kami ihatid. Kaya naman naming umuwi."

"Fine. Sasamahan ko na lang kayo dito hanggang sa makasakay kayo."

"Jethro, huh! Over protective, tapos etong girlfriend mo, selosang eskandalosa. Nakakaloka kayong dalawa. Possessive couple, ganern?"

Tinawanan lang namin ni Jethro si Ern. Hanggang sa mapansin namin ang dalawang fire truck na mabilis na pinupukaw ang atensyon ng mga driver na nakaharang sa daan.

"Oh, may sunog." ani Ern.

Kaya naman pala hindi gumagalaw ang mga sasakyan ngayon ay dahil may hindi magandang nagaganap di kalayuan dito.

"Ayon, o! Ang itim ng usok."

Itinuro ni Jethro ang isang maitim na usok na sa tantya ko ay parang malapit sa E. E Corporation.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon