Kabanata 16

7K 170 19
                                    

Kabanata 16
Papa

------------------

"Wala ka bang picture niya?" tanong ni Ern sa gitna ng pagkukwento ko tungkol sa papa ko.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Siya at si Eira ay nasa kama, ako naman ay nakaupo sa swivel chair.

"Nakalimutan ko magpapicture kasama siya."

"Describe mo na lang." ani Ern na malapad ang ngiti, dumapa pa siya sa kama ko at nangalumbaba.

Kanina ko pa napapansin na sobrang interested niya sa papa ko. Si Eira naman ay tahimik lang na nakasandal sa head board ng kama ko at medyo rinig ko pa ang sound ng nilalaro niya sa ipad.

"For sure, mas gwapo sa kanya si daddy." sabi naman ng kapatid ko, pero hindi umaalis ang tingin niya sa ipad.

"Clean cut ang buhok niya, matangkad, moreno, may hikaw siya sa tenga, tapos parang si Robin Padilla kung manamit. Laging naka-tuck in. Ang sabi niya at ni mommy, magkatulad daw kami ng mga mata."

"Bakit feeling ko, hot ang papa mo?" nakangising sabi ni Ern. "Nahihiwagahan talaga ako sa kanya. Kung mala-Robin nga! Hot talaga 'yan! Pwedeng model ng condom." sabi niya pa.

Pinanlakihan ko ng mga mata si Ern habang nagpipigil na tumawa.

"Ikaw, loka-loka ka talaga. Wag mo sabihin na pinagpapantasyahan mo ang papa ko?"

"Very-very light lang naman."

"Ate, kapag sinabi niyang sumama ka sa kanya, wag kang sasama, huh? Ate, no matter what happens...wag mo kami iiwan para sumama sa kanya."

Napag-isipan ko na ang bagay na 'yon. Gusto ko talaga na rito pa rin sa bahay tumira. I still want to be with my family. Sila na ang mga itinuring kong pamilya. Sa kanila nahubog ang pagkatao ko at komportable ako na kasama sila.

Kung papipiliin ako ay hindi ako magdadalawang isip na piliin ang pamilyang kinalakihan ko.

Hinanap ko si papa dahil gusto kong maliwanagan, gusto kong mabuo ako, but that's it. Wala sa isip ko na sasama na ako sa kanya kapag nahanap ko siya.

"Eira, hinding-hindi ko kayo iiwan. Kayo na ang pamilya ko."

Ngumiti si Eira sa sinabi ko.

Tumaas naman ang isang kilay ni Ern. "Alam na ba ng papa mo 'yan?" aniya.

"Ang alin?"

"Na hindi ka sasama sa kanya. Tinanong ka na ba niya kung gusto mo sumama sa kanya?"

"Actually, he's not asking me about it yet. But I finally made my decision. I want to stay as Elizconde, that's it."

"But what about, Jethro? Don't you think it's about time for the both of you to be free? To break the boundary."

"Pero, Ern. Ayoko iwan ang pamilyang 'to."

"Kuya Ern! Bakit parang gusto mo na sumama si ate sa papa niya? Gusto mo na iwanan tayo ni ate at sumama siya doon? That's unfair, hindi pwedeng basta na lang sasama si ate kay Mr. Romualdez kapag sinabi niyang kukunin niya si ate."

Nirolyo ni Ern ng kanyang mga mata ang kapatid ko.

"Iniisip ko lang naman ang kalagayan nitong ate mo. Nandyan na nga ang tunay niyang pamilya at magiging pwede na sila ni Jethro kasi wala na silang tinatapakang boundaries. So, why not grab the opportunity?"

"No! Ate will always be an Elizconde. Period." bulalas ni Eira habang tinitignan niya ng masama si Ern.

"Well, in the end...choice naman ng ate mo ang masusunod. Basta para sa akin, sasama ako sa papa ko at gagamitin ko ang tunay naming apelyido. Pupwede ka pa rin naman na pumasyal dito, EA. Hindi naman malayo ang banilad sa mandaue. Surname mo lang ang magbabago. Wag kayong OA dyan!"

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon