Kabanata 42

5.9K 158 19
                                    

Kabanata 42
There's more

------------------

"Okay na siguro ang one month preparation for the wedding? Basta ang mahalaga, as soon as possible ay maikasal kayo ni Francis Siochi." ani lolo Armando habang pinag-uusapan na namin ngayon ang tungkol sa magaganap na kasal namin ni Kiko.

"Ganyan po ba talaga kayo kasabik na makipag-merge sa Siochi enterprise?" Pranka kong tanong kay lolo Armando. Umangat naman ang sulok ng kanyang labi.

"Hindi. Nasasabik ako sa ikadudurog ng puso ng isang Elizconde." Mala-demonyong ngumiti ang lolo ko habang nakatingin siya sa akin na tila ba inaasar niya ako. Nirolyohan ko naman siya ng mga mata ko.

"So, bukas gusto kong sumama ka sa akin at makikipagkita tayo sa mga Siochi for formal meeting at saka gusto ko na mas magkakilala pa kayo ni Francis Siochi, kaya bibigyan ko kayo ng kahit one week, get to know each other. Kung gusto niyo mag-travel kayo kung saan niyo gusto. I'll be gone for a days and week at ineexpect ko na sa pagbalik ko ay magaan na ang loob niyo sa isat-isa."

Gusto ko sanang sabihin kay lolo Armando na matagal ko ng kilala si Francis. Sa pagkakaalam ko pa nga ay Francisco ang totoo niyang pangalan. Ganoon pa man ay mas pinili ko na lang na manahimik at wag ng magkwento.

"EA, nagkakaintindihan ba tayo?" Ma-awtoridad na tanong ni lolo.

"Opo. Basta wag niyo rin po sanang kakalimutan ang pabor na hiningi ko sa inyo at ang napagkasunduan natin." Mariin kong tugon sa kanya.

"Don't worry. Marunong akong tumupad sa napagkasunduan."

Dumating ang itinaktang araw ng pakikipag meeting namin sa mga Siochi. Si lolo Armando ang nag-set nito sa Circa 1900, isa itong fine dining restaurant na may classic architectural.

Kay papa ako sumabay papunta ng restaurant. Nauna naman sa amin na nakarating sina lolo Armando kasama si Tito Maverick, tita Roselle, tita Nadia at ang mga pinsan kong si Ethan, Gabriel at Penelope.

Halos kasabay lang namin na dumating si Adam na nakasakay sa kanyang magarang motorcycle na ipinarada niya sa tabi ng kotse ni papa.

"Kumpleto na raw sila sa loob, sabi ni Ethan." ani Adam na kasabay naming umaakyat ng hagdan papasok ng restaurant. Pareho pa nga akong umangkla sa braso nila ni papa.

Papasok pa lang sa restaurant. Matatanaw mo ang balcony na may mga nakakalat din na mesa at upuan. May ilan pa ngang nakapwesto roon.

Pagpasok namin sa loob ay mangilan-ngilan lang lang ang kumakain. Parang isang ancestral house ang restaurant na ito. Napaka-cozy ng ambience rito, may malaking chandelier pa sa center ng plain ceiling.

Lumapit naman sa amin ang isang hostess at iginiya kami sa table kung saan naroon ang pamilya ko, nakita ko na rin si Kiko at ang tatay niya, tapos may kasama pa silang babae at lalaking may edad na. Hindi naman siguro ito ang nanay at kuya niya.

Paglapit namin sa mesa nila ay nagtinginan ang lahat sa amin.

"Sorry we're late." magalang na paumanhin ni papa sa lahat.

Saglit na nagtama ang paningin namin ni Kiko na katabi ng tatay niya, pero agad naman akong nag-iwas.

Nakita ko naman na tumayo si Ethan sa kinauupuan niya, may sinabi siya kay Adam at saka ako inaalok ni Adam sa akin ang upuang  kinauupuan ni Ethan kanina.

Nang tignan ko ang pinsan ko ay nginitian niya lang ako at saka siya lumipat sa tabi ng kinauupuan ni tita Nadia.

"EA, upo na." alok pa ni Adam sa akin ng muling dumako ang atensyon ko sa kanya.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon