Kabanata 35

6.2K 171 39
                                    

Kabanata 35
The hidden seashore

------------------

Pagkatapos pagtulungang maitayo ng mga pinsan ko at ni Adam ang malaking divider na bumagsak sa amin ni Jethro. Agad na lumapit si Timothy sa amin para alalayan si Jethro na makatayo. Pero hinawi ni Jethro ang kamay ni Timothy na para bang sinasabi niyang kaya niya na.

At sa halip na alalahanin niya ang kanyang sarili ay ako pa ang inalala niya ng alalayan niya akong makatayo mula sa pagkakahiga ko sa sahig.

"Are you okay? May masakit ba?" Nag-aalala niyang tanong. Kahit na kung tutuusin, sa aming dalawa ay siya ang napuruhan.

"I'm supposed to be the one asking you that."

"No worries, I'm perfectly fine." Pagkasabi niya 'non ay kinagat niya ang kanyang ibabang labi at napangiwi siya 'tsaka napatingala.

Agad kong kinuha ang isa niyang braso at inilagay ito sa balikat ko. "Liar. You don't look fine." Sabi ko sa kanya.

Napapikit si Jethro ng tuluyan na siyang makatayo, narinig ko pa ang mahina niyang pagdaing.

"Jethro, humiga ka muna rito." alok ni Bianca sa sofa na narito. Masama naman ang tingin sa kanya ni Timothy na nasa tabi ni Jethro.

"I'm sorry, I didn't mean it to happened. Do you want me to take you to the hospital?" Concerned na tanong naman ni Camila kay Jethro, lumapit pa siya at akmang hahawakan niya ito pero tinabig ni Jethro ang kamay niya.

"Don't you dare touch me." Mariin at tila may pagbabantang sabi ni Jethro. Matatalim pa ang mga tingin na ipinupukol niya kay Camila. "Mag-sorry ka kay EA." Ma-awtoridad niyang utos dito habang nakaakbay siya sa akin.

Nag-cross arms si Camila at tinignan ako.

"Sorry." aniya sabay irap.

Kung ganyan-ganyan lang din naman siya kung mag-sorry. Wag na lang niyang sabihin 'yan, obviously...labag naman sa kalooban niya ang pagso-sorry niya. Niloloko niya ako, niloloko naman niya ang sarili niya. Psh.

"Pasalamat ka at dumating ako dahil kung si EA ang nabagsakan n'yan, kakalimutan kong babae ka." Umiigting ang mga panga ni Jethro habang mariin niyang binabalaan si Camila na napapalunok na lang habang nakikinig sa mga sinasabi niya. 

Para siyang maamong tupa kapag kaharap niya si Jethro. You can see how she respect him, like he's the boss.

"Hurt her one more time and I swear to God, I will kill the hell of you!" Pagtataas ng boses ni Jethro.

Napapiksi pa nga si Camila sa kinatatayuan niya. Tila naninigas ang katawan niya at hindi makatingin ng diretso kay Jethro. Tahimik naman ang lahat at ang malakas na music lang ang maririnig mo ngayon.

"S-Siya naman kasi ang nanguna, sinugod niya ako. Bakit parang ako pa rito ang mali, huh?" Humikbi si Camila na para bang nagpapaawa siya.

Gusto ko sanang idepensa ang sarili ko sa sinabi niya pero minabuti kong manahimik na lang.

"Hindi lalaban si EA sa'yo kung wala kang ginawang masama sa kanya." ani Timothy.

"You poured her beer, bitch." Sabad naman ni Penelope habang naka-cross arms din siya at nakataas ang isang kilay na nakatingin kay Camila.

Matalim na tinging tatagos hanggang kaluluwa mo, ang ipinukol ni Jethro na tingin kay Camila bago niya ako inaya na lumabas na.

Sabay kaming naglakad ni Jethro palabas ng bahay ni Bianca. Nahawi pa nga ang mga nakaharang sa daraanan namin. Nakasunod naman sa amin si Easton, Timothy, Adam at Penelope.

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon