***WAKAS***
Jethro's POV
Pagpasok ni EA sa kwarto nila ni Kiko. Naiwan kami ni Kiko rito sa labas.
Bakas ang takot sa mukha ni EA bago siya pumasok sa kwarto. Iniisip niya sigurong magsasapakan kami nitong si Kiko. Wag lang talaga niya akong i-trigger at hinding-hindi ako magdadalawang isip na suntukin siya.
"Doon tayo."
Tumuro si Kiko sa di kalayuan at natanaw ko mula rito ang ilang upuang naroon.
Nauna siyang naglakad sa akin habang nakapamulsa. Sumusunod naman ako sa kanya.
Habang naglalakad kami ay napansin ko ang paghugot niya sa isang kahang sigarilyo sa kanyang bulsa. Nang nasa tapat na kami ng isang upuang kahoy na mahaba, humarap siya sa akin ng nasa bibig na niya ang isang stick ng sigarilyo at sinindihan niya ito ng lighter.
Hinithit niya ang sigarilyo, pagkatapos ay tumingala siya at ibinuga ang usok sa itaas.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit nandito ka?" Tanong niya sa akin ng alisin niya ang sigarilyo sa kanyang bibig. Hindi nga tumitingin, para siyang nakikipag-usap sa hangin.
"Bakit? Masama na bang pumunta dito ngayon? Pag-aari niyo na ba ang lugar na 'to?"
Sa wakas ay tumingin na rin siya sa akin. Pero masama ang tingin niya, nakataas pa nga ang isa niyang kilay dahil sa sarcastic kong sagot sa kanya.
"Pwede ba, wag mo nga akong tanungin ng isa pang tanong. Ang tanong ko ang sagutin mo." Nagsisimula ng tumaas ang boses niya sa akin.
Umangat naman ang sulok ng labi ko. "Alam kong alam mo kung bakit ako nandito. Hindi naman pwedeng ikaw ang pinunta ko."
Umigting ang kanyang mga panga, naningkit ang kanyang mga mata at matatalim itong nakatingin sa akin.
"Jethro, mabait akong tao pero wag mo akong gagaguhin. Layuan mo na si EA. Alam mo namang ikakasal na kaming dalawa, hindi na siya sa'yo kaya please...sumuko ka na."
Nawala ang ngiti ko at naikuyom ko ang mga kamao kong nasa magkabila kong gilid. Kanina pa nga ako nagpipigil na suntukin ito.
"Akala mo ba madaling sumuko? Sinasabi mo lang 'yan kasi hindi ikaw ang gagawa. Ang tagal kong nilaban si Emilia, sa tingin mo...isusuko ko siya ng basta-basta? Hindi ko siya ilalaban kung isusuko ko lang din pala. Ikaw. Ikaw ang dapat sumuko, dahil kahit kailan...hinding-hindi ka niya mamahalin."
Nagsalubong ang kilay ni Kiko dahil sa sinabi ko.
Supposedly, maayos naman sana akong makikipag-usap sa kanya, but he triggered me to say something what's deeply on my mind.
"Hindi niya man ako mahalin. Sa akin naman siya. Dadalhin niya ang apelyido ko, magiging asawa ko siya. Makakasama at makakatabi sa kama...Eh, ikaw?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi, kitang-kita ko sa mukha niya ang pang-aasar.
Muli kong ikinuyom ang mga kamao ko. Mas mariin, habang ipinagtatangis ko ang aking mga bagang. Konting-konti nalang, man.
"Oo nga, magiging asawa ka niya...dadalhin niya ang panget mong apelyido...but you will never take her heart."
"But I can. Bakit? Nakakasiguro ka bang ikaw lang talaga ang mamahalin niya? Kahit na hindi na kayo magkasama? Hindi nga ikaw ang pinili niya, diba? Magpapakasal siya sa akin dahil sa utos ng pamilya niya. Mahal niya ang pamilya niya, higit pa sa'yo dahil sila ang pinili niya kaysa sa'yo."
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017