Kabanata 38

6.1K 161 30
                                    

Kabanata 38
The unexpected announcement

--------------

Alas-nuebe na ng makarating ako sa bahay ni Rosana. Ang akala ko talaga ay hindi ko na siya maaabutan pa kasi ang pagkakaalam ko talaga ay alas otso ang pasok niya sa fast food restaurant na pinapasukan niya at alas-dose siya umuuwi. Mabuti na lang at day off naman pala niya ngayong araw.

"Lalo ka talagang gumaganda." Puri niya sa akin habang magkatabi kami sa upuang gawa sa kawayan at tinititigan niya ako.

Pinagagaan niya lang ang loob ko kasi kanina pa ako nagkukwento sa kanya kung gaano kahirap ang pinagdaraanan namin ni Jethro, ikinuwento ko rin sa kanya na nakita ko si Jethro kanina pero hindi man lang kami nakapag-usap.

"Ikaw din. Resulta ba 'yan ng pagiging in-love mo sa kuya ko? Kailan mo ba siya sasagutin?"

Iyon na lang ang naging tugon ko sa pamumuri niya sa akin. Namula naman ang pisngi niya sa tanong ko.

"Gusto ko siyang sagutin ng personal. Kahit nga siguro, hindi mo ako pinuntahan dito, plano ko na ang magpunta ng cebu sa birthday mo. Alam mo bang matagal niya na akong ino-offeran ng plane ticket papunta cebu? Sabi pa nga niya susunduin niya ako. Pero lagi ko siyang pinipigilan." Nakangiting kwento ni Rosana.

Pati ako napapangiti rin kasi nakikita ko sa mukha niya kung gaano siya kainlove sa kuya ko.

Ang sarap makakita ng mga taong in-love, lalo na kapag malapit sila sa'yo, masaya ka kasi masaya sila. Kahit na epic fail ang lovelife mo.

"Siguro kung nandirito pa rin si Kiko. Isa 'yon sa mga nakipag-unahan na makita ka kanina. Noong nawala kayo ni Jethro rito, madalas kong nakikita na nakikipag-inuman 'yon, tapos minsan nakainuman ko siya, panay ang tanong niya sa akin tungkol sa'yo."

Speaking of Kiko. Naikwento na sa akin ni Rosana noon na kinuha na sila ng tatay niyang inakala nilang patay na. Isa't kalahating taon na ngang wala rito sa tondo si Kiko. Sa totoo lang, isa siya sa mga namimiss ko rito, pero kung nasaan man sila ng pamilya niya ngayon, sana ay masaya na sila, mahirap kasi ang buhay dito. Masyadong magulo at hindi ramdam ang pag-asenso.

Kaya nga hinihiling ko na sana mapapayag na ni kuya si Rosana na tumira sa cebu. Kasi natatakot at naaawa ako sa kalagayan niya rito.

Sa lalim ng usapan namin ni Rosana ay hindi ko na namalayan ang oras kaya pasado alas-onse na ako nakabalik ng hotel. Kung hindi pa nga tumawag ng paulit-ulit si papa ay hindi pa ako uuwi. Nangungulit na kasi siya kay CK at CJ na pauwiin na ako.

Sa pagbabalik ko ng cebu. Balik na rin ako ulit sa bahay ni lolo Armando para sa preparation ng birthday party ko.

"Hey,"

Napalingon ako ng biglang tumabi sa kinauupuan ko si Adam habang nagmumuni-muni ako rito sa veranda.

"Ang sabi ni Jethro, nagkita raw kayo sa manila."

Tumingin ako sa malayo. "Oo. Nagkita nga kami, pero ni hindi naman namin nakausap ang isat-isa. Hindi ko man lang nga siya nayakap." Napabuntong hininga ako at saka itinaas ang paa ko sa kinauupuan ko at niyakap ang aking mga tuhod.

"Inutusan ni papa si CK at CJ na wag palalapitin sa akin si Jethro. Akala ko, katulad mo siya, hindi tututol sa aming dalawa, pero nagkamali  ako. Katulad din pala siya ni lolo."

"Baka may reason kung bakit ginagawa niya 'yon. I know tito Jaime, marunong siyang makisama kay lolo kahit na may nakatanim siyang galit dito. Siya rin ang gumagawa ng desisyon niya, siguro minsan sumusunod siya kay lolo pero dahil iyon din ang gusto niya, hindi dahil sinusunod niya si lolo. Nagegets mo'ko?"

If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon