Kabanata 26
Elizconde Empire Corporation-------------------
Magkahawak kamay kami ni Jethro habang lakad-takbo naming tinutungo ang ICU, kung saan naroon si papsie ngayon.
Hindi pa man kami nakakalapit ni Jethro sa ICU ay natanaw na namin na nakaupo sa mahabang plastic bench sa tapat nito si mamsie kasama si daddy, kuya Luke at ang tito Larry and tito Miguel ko.
Lahat sila ay mukhang may mga dinadalang problema.
Si Daddy ay nakatayo, may kausap siya sa phone niya, kunot ang kanyang noo at nakapamaywang pa. Nakaupo naman sa white plastic bench si mamsie na nakahilig ang ulo sa balikat ni kuya Luke, hinahagod ni kuya ang likod ni mamsie kasi umiiyak siya. Si tito Miguel ay nakaupo sa dulo ng upuan, nakayuko naman siya at magka-intertwined ang mga daliri na tila nagdarasal, habang si tito Larry naman ay sapo-sapo ng kanyang palad ang kanyang noo at katabi siya ni mamsie.
"Ano na naman ba ang nangyari?" bungad na tanong ni Jethro paglapit na paglapit namin sa kanila.
Nag-angat silang lahat ng tingin sa amin. Naramdaman ko ang bigat na nararamdaman nila. There's a pain and sadness in their eyes.
Nakahikbi si mamsie ng tignan niya kami ni Jethro. Para siyang batang nagsusumbong sa paraan niya ng pagtingin sa amin, agad naman siyang niyakap ni Jethro, pagkatapos ay ako naman ang yumakap kay mamsie.
Habang inaalo ko si mamsie ay naririnig ko ang usapan ni Jethro at ng iba ko pang tito, kasama si kuya Luke at daddy. They are talking about Elizconde Empire Corporation at ang pinaka-malinaw kong narinig sa usapan nila ay ang balitang wala na sa amin ang E.E Corporation. Ibinenta raw ito ni papsie sa isa sa mga investor dahil sa malaking pagkakautang, at ngayon ay nalaman nilang Pedrosa na ang may hawak nito. At isa 'yon sa dahilan kung bakit inatake na naman sa puso si papsie.
"These past few days. Ang daming iniisip ni Theodoro," kwento ni mamsie. "Sabi ko nga wag siyang masyadong magpapagod at mag-iisip ng kung ano, kasi masama sa kanya. But he really cares a lot about the corporation, hanggang sa isang araw ay nagdesisyon siyang ibenta na lang 'yon. Nagulat ako sa desisyon niya pero gustuhin man niyang isalba ang E.E, tuluyan ng nawalan ng pag-asa si Theodoro. Sunod-sunod na kasi ang natatanggap namin na notice sa bahay. Marami siyang natatanggap na reklamo, kaya dumating siya sa desisyon na 'yon. Mabigat ang desisyon na 'yon para sa kanya, lalo na't hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa inyo." saglit na huminto sa pagsasalita si mamsie at isa-isa niyang tinignan sina daddy, Jethro, si kuya Luke at ang iba ko pang mga tito.
"Pero ang pinakamabigat sa kanya ay 'yong malaman na napunta na sa Pedrosa ang corporation. Sa kakumpitensya pa na'tin. Pakiramdam niya, talo na siya. Alam niyo naman 'yon. Ayaw ng nalalamangan."
"Paanong napunta sa Pedrosa ang E.E Corporation?" tanong ko.
"Ibinenta sa Pedrosa ng investor na pinagbentahan ni papa ang corporation. Ganoon lang kasimple, EA. At hindi na pwedeng kumontra si papa dahil wala na siyang legal rights doon." paliwanag ni tito Miguel.
"For sure ineexpect na talaga ng Pedrosa na mangyayari 'to at kinontrata na nila 'yong investor." sabi pa ni Jethro.
"Ibig sabihin ay plinano nila 'to?" anas ko.
"Exactly. Sila ang pinakamahigpit nating kakumpitensya pagdating sa negosyo. And to beat your enemy is an excellent achievement." wika naman ni daddy.
"Pinagtatawanan na siguro nila tayo ngayon. Nagbubunyi na sila dahil bagsak na tayo. Nanalo ang mga tuso." mariin pang sabi ni tito Larry habang nag-iigting ang kanyang mga panga.
BINABASA MO ANG
If I Can: Make This Right (Book 3 of If I Can Trilogy)
RomanceJethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He's ready to fight until he can make it right. STARTED: 03|06|2017 FINISHED: 06|12|2017