Tiara's POVAndito ako ngayun sa Deadly forest, ang pinakamalaking kagubatan sa buong Magical world at pinaka mapanganib din. Iba't-ibang mababangis na hayop ang mga naninirahan dito.
Wala akong magawa sa bahay kaya naisipan kong maglibot-libot muna at dito ako napadpad. Hindi naman nakasama si Fiara kasi inutusan ko siyang pumunta ng palasyo.
Dalawang buwan na pala ang nakalipas simula nang bumalik ako dito at sa dalawang buwan na 'yun ay mas sinanay ko ang sarili ko sa paggamit ng Magia (power) ko although sanay naman ako dahil noong nasa mundo pa ako ng mga mortal o earth kung tawagin nila, ay sinanay ko na ang paggamit nito.
Marami na ring nadagdag sa mga spell na alam ko. Buong tiyaga akong tinuruan ni Fiara. Kung nagtataka kayo kung bakit parang ngayun lang ako nag aral ng mga ganito kahit dito naman ako lumaki, dahil iyon sa wala naman akong panggagamitan. Nagsasanay naman ako dati sa palasyo pero hindi nga lang 100%.
Si Fiara ang palagi kong inuutusang tingnan ang palasyo. Pumupunta rin naman ako paminsan pero sa ibang katauhan, binago ko yung mukha ko,its one of my ability kaya kong baguhin ang pisikal kong anyo.
So as what I have said earlier, nandito ako sa deadly forest. Ang sout ko pala ngayun ay white off shoulder na damit at white jeans and also a white boots na pinaresan ko ng white cloak. I love white today kaya naisipan ko ang ganitong outfit pero si Fiara pa rin ang pumili. Perks of having a fashionista fairy.
Napatigil ako dahil sa aurang naramdaman ko. Malapit lamang sila kung nasaan ako ngayun. Magkaibang aura ang nararamdaman ko at alam kong mga light magireans lamang ang may ganitong aura at ang isa ay mga dark magireans naman. At base sa lakas ng aurang nararamdaman ko, malakas ang mga nagmamay-ari ng dark aura.
Sinundan ko kung saan nag mumula ang uarang 'yun at nakita ko nga ang mahigit 20 mga estudyante ng Magia Academy at isang professor. Paano ko na laman?? Dito ako ipinanganak, common sense naman.
Tumigil ako sa itaas ng puno na malapit lang sa kanila,hindi nila ako napapansin kasi nasa pinakataas ako ng puno at itinago ko ang aura ko. Kahit naman sabihin nating lamang sa bilang mga taga academy pero makikita mo pa rin sa kanila na nahihirapan silang talunin ang kalaban. Hindi naman kasi simpleng dark magireans lang ang kalaban nila kundi mga S+ class witches at mahigit labing lima pa sila at kung hindi ako nagkakamali may limang kasama pa silang miyembro ng council. Tss. Cowards. Ganyan ba talaga sila kadesididong patayin ang mga studyanteng 'to para mag dala pa ng mga S+ witches. Oh well hindi naman siguro yun kataka-taka, chance na rin nila ito para patayin ang mga tagapagmana ng ibang kaharian. Yes, kabilang sa mga studyanteng ito ang mga royalties kung tawagin. Kabilang sana ako diyan.Malaki rin ang magiging epekto sa mga light magerians kung nagkataong mamamatay ang mga tagapagmana. Mabuti na lang at malalakas rin ang mga kasamang estudyante at isang professor ng mga ito. Ang malas lang nila dahil malalakas rin ang kalaban.
Marami na ang sugatan sa mga light magireans ganun din sa kabila, mas maraming sugatan pero wala pa ring nababawasan kahit isa sa mga kalaban.
Should I help? Or not?... Fine.
Nagpalabas ako ng fire ball sa kamay ko at inihagis sa isang S+ class witches na sasaksakin sana ang isang light students,kung titingnan simpleng fire ball lamang ang ginawa ko pero pinaghalong lightning at fire 'yun.
Napahiyaw sa sakit ang witch na tinamaan ng fireball, wala itong maggawa hanggang sa naging abo ito. Naging dahilan naman iyon ng pagtigil ng lahat. Mukhang nagtataka sila kung saan nanggaling ang fireball na tumapos sa isang witch. Galit namang sumigaw ang isa nitong kasama at hinanap ako.
"Sino ka?!Lumabas ka at huwag kang duwag!"
Tamang-tama hindi pa ako nakapag practice ngayung araw. Inilabas ang isang poison dagger, ito ang kauna-unahang dagger na naggawa ko gamit ang aking magia. Itinapon ko ito sa isa pang witch bago tumalon sa harapan nila. Naging abo rin naman ang dark witch na iyon.
Mukhang gulat naman sila sa biglang pag litaw ko.
"Tss..cowards"
******************************************************************************************
Sana supurtahan niyo ang darating pang chapters guys!!
BINABASA MO ANG
MAGICAL ACADEMY:The Lost Princess Is Back (COMPLETED) Under Revision
FantasiaPrincess Tiara Cassiopeia Cartus The Princess of Magical Kingdom.. But she run away from her responsibilities, because she's scared that she can not save her kingdom. Everyone thinks she's lost but the truth is she run away... But the question is...